| Chapter 1 | 369 |

117 8 0
                                    

Please read the note
at the end of this chapter.

Harmony Blanc's POV

Nakarinig ako ng paghikab kaya napatingin ako sa kasama ko.


" Pwede ka nang mauna kung inaantok ka na. " sabi ko dito sa kasama ko.

Nandito kami ngayon sa isang underground building.

" Ah hindi po, ayos lang po ako." Sagot niya.

Kahit sabihin niyang ayos lang, aware ako sa katotohanang gusto na talaga niyang umuwi.

"Ikaw bahala..." Tugon ko. Kanina pa kasi kami naghihintay dito.

"Uhmm, hindi po ba kayo nabibingi sa katahimikan?" tanong niya habang nakakunot ang noo.

"Nope." Maikling sagot ko.

Siya si Kelly Anderson, junior ko. At katulad ko nag tatrabaho siya sa organisasyon, at nasa iisang team din kami.

" Sa dinami-dami po ng pwedeng kausapin si President pa po natipuhan ninyo, pwede ko po bang malaman kung bakit? " Muli niyang pang-iistorbo sa katahimikan.

"Hindi." matipid na sagot ko.

Napakamot naman siya sa ulo niya. Masyado ba akong masungit? Well, masasabi kong isa yun sa mga asset ko kung bakit ako ang number one noon.

Sa totoo lang, simpleng pamumuhay lang naman ang kinamulatan ko noon. Isang normal na estudyante na anak ng isang Architect at house-wife. May kaya naman kami sa buhay, pero hindi sikat ang pamilya namin. Ang tatay ko ay isang arkitekto, pero hindi sya purong pinoy, half French. Ang nanay ko naman ang 'the best mommy' na ipinagmamalaki namin ni daddy. Matatawag ang pamilya namin na normal at simple. Hanggang sa isang araw, habang nasa biyahe papuntang Cebu para magbakasyon, may mga humabol sa aming mga kahinahinalang tao. Akala ko nung una, hindi talaga kami ang pakay hanggang sa bumunot si daddy ng baril at pinaputukan yung mga humahabol sa amin. Nagawa naming makatakas pero natamaan si daddy ng bala ng baril sa kanang balikat. Ngunit sa halip na dalhin namin sya sa ospital ay nagpunta kami sa isang bahay. At ikinagulat ko ang mga sumunod na nangyari, dinala nila ang daddy ko sa isang kwarto nang walang katanong tanong, na para bang alam na nila ang nangyari. Lalo akong naguluhan, marami akong gustong itanong pero nanatiling tikom ang bibig ko. Marahil hindi pa nag si-sink in sa utak ko ang lahat ng pangyayari. Kinagabihan kinausap nila ako, inamin nila ang lahat sa akin. Hindi pala isang normal na Arkitekto ang ama ko, kung hindi isang secret agent, at alam din ito ng mommy ko. Pero maging sila ay nagulat, nagulat sa reaksyon ko. Naniwala agad ako at sinabing 'Sinabi na nga ba e... ' . Dahil noon pa man ay may kutob ako na
may inililihim sa akin ang mga magulang ko. Noon ay nakapagdesisyon na ako, magiging tulad din ako ni daddy. Nang sinabi ko sa mga magulang ko ito, hindi agad sila pumayag. Pero dahil sa magaling at matalinong pangungumbinsi, napapayag ko sila.

Sa edad na labing-lima, nagsimula na akong mag-training. At naging official member ng BLANK organization sa edad na labing pito. Tumaas ang rank ko, mula isang normal na agent, naging isa sa mga pinakamagagaling. Nangyari ito noong 19 years old na ako. Natigil ang pag-aaral ko at nag focus sa mga misyon na naiibibigay sa akin. Sa organisasyon ng BLANK mayroong mga teams, kasama ako sa team A. Kasama si daddy.

Her Own Ways: Harmony BlancTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon