| Chapter 3 | Mr. Cromwell |

78 7 2
                                    

Harmony's POV

FLASHBACK

"Nung gabing naisagawa na ang misyon, habang minamanmanan namin ang mga nangyayari sa inyo, nahack ng panandalian ang system ng HQ at nabulag kami panandalian sa mga nagaganap. At nang maisaayos na ang lahat nagulat nalang kami dahil sa gulong nangyari. Sinubukan naming magpadala ng back up agad-agad, pero bago palang makarating sa inyo, naambush na ang mga agent. Kaya naman nagpadala ulit kami ng mas maraming reinforcement. Nang nakarating sila doon, patay na ang ibang agent, si Darko, at... ikaw." pagkukwento ni Dr. Park. "Malaki ang panghihinayang ng organisasyon. Naubos ang agents ng Team F, G, H, at I. Injured ang maraming top agents. At namatay ka." pagtutuloy niya.

Kasalukuyan kaming naglalakad-lakad sa HQ habang ikinukwento niya sa akin ang lahat ng nangyari.

"Ang daddy? Kumusta?" puno ng pag-aalalang tanong ko.

"Nadatnan namin siyang walang malay, marami siyang sugat. Sa ngayon, ayos na siya. Hindi niya pa alam na gising ka na. Harmony, matindi ang pinagdaanang hirap at sakit ng Daddy at Mommy mo nang malaman nilang wala ka na, at saksi ako doon. Pero nang mapagdesisyunan ng Big Boss na buhayin ka, halos walang mapagsidlan ang nag-uumapaw nilang pag-asa." Sabi niya habang nakatingin ng diretso sa harap. "Tumagal ang proseso ng isang taon at isang buwan. Matagal nang napag-aralan ng organisasyon ang pagbuhay ng patay. Isa itong secret project. At ikaw ang kauna-unahang taong napasailalim sa resurrection."

Pagkatapos niyang sabihin ang mga iyon ay nakarating kami sa tapat ng isang di pamilyar na kuwarto.

Ginamit niya ang ID card niya para mabuksan ang pinto. Sumalubong sa akin ang isang kamangha-manghang tanawin.

Puno ng advanced technology equipments ang buong kwarto. Napakamaaliwalas, malinis, at maayos ang paligid. Makikita sa gitna ang isang single bed, na di na katakatakang nabahiran na rin ng teknolohiya.

"Dito naganap ang buong proseso, at isang taon kang nahiga sa kamang pinaliligiran ng mga nakikita mong aparato" Singit ni Dr. Park

Kahit sa ilang segundo lang, para akong naging bata na manghang-mangha sa mga nakikita.

Alam kong advanced ang tech ng organisasyon, pero lagpas pa ito sa inakala ko.

"Ang totoo niyan, halos limang taon na naming pinag-aaralan ang proyektong ito. At dahil nga ikaw ang unang subject, naging maingat kami bawat hakbang."

---

Matapos ang mahabang oras, natapos na siya sa pagkukwento ng mga nangyari. Bumalik kami sa kuwarto ko at pinahiga niya ako.

"Magpahinga ka 369"

Natahimik lang ako. Patay na nga si Darko Rabinovich. May silbi ang pagkamatay ko.

Ngumiti naman sya.

Kaya ngumiti din ako.

...

Makalipas ng dalawa pang araw na pananatili sa kwartong kinalalagyan ko, dinala nila ako sa isang opisina. Ipinakilala ako sa isang lalaking nagngangalang Simon Cromwell (Pronounced as: SAI-MON KROM-WEL), isa sa mga team manager ng BO ,noon. Pero ngayon, isa na siya sa mga chief.

Her Own Ways: Harmony BlancTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon