Chapter 22 - First Day!

304 7 3
                                    


"Pero feeling 'ko talaga may feelings sayo yang si Zionne eh, iba kasi eh. Iba talaga!" Sabi ni Venice  sabay kagat sa kinakain niyang saging.

"True sissy! Iba dating sa radar natin 'no?" Sabi naman ni venuce. Jusmeyoo -''-

"Kaso pano kung pafall lang pala iyang si Zionne?" Wala sa ulirat na tanong ni Shionne.

Napa snap si Leigh para kunin ang atensyon nilang lahat.

"I have a great idea"

Napatingin sa kanya ang lahat.

"Ano naman yun leigh? " tanong ni patricia kay leigh

Nginitian niya lang kami

"Paaminin mo!"

Tinitigan ko lang siya

"Really leighla? Ang great nga"  insert sarcasm

"Alam mong kung madali lang yun ginawa ko na! Pero girls! Paano kung assumera lang pala ako at talagang ganun lang si Zi-- komportable lang talaga siya sakin?"

Napabuntung hininga nalang kami.

"Haay naku! Bahala na nga! Dadating din naman tayo sa time na aamin yun. Di ko siya kailangang tanungin o madaliin"

Napatango naman si leigh

"True!"

"Anyways! Nasan ba sila? Parang ang tahimik ng bahay niyo ngayon? " tanong ni Venice habang ngumunguya ng saging.

"May practice sila, kasi nga diba sumali sila sa competition?"

"Sumali o sinali?"

"Ewan hahaha"

---

LEIGHLA

Nagkakagulo kami sa room ngayon kasi pinapanuod namin yung mga boys sumayaw at isa lang ang masasabi ko 'these guys are super fre*king good!!' Shocks! Nakakaamoy ako ng trophy haha given pa na walang patapon sa kanila kasi kung hindi man sila sobrang gwapo hndi din naman sila pangit haha lol

Puro cheer at tili ang maririnig sa room ang bessy ko namumula na sa kilig paano naman kasi kumpleto na ang mga boys sa pagsasayaw kasama si jervy at Zionne.

"Uy Leigh check mo nga yang si Patty! Baka di na humihinga yan!"

Natatawang sabi sakin ni Venice

"Buhay pa yan, talagang patay na patay lang kay Zionne"

Nagtawanan kami na siyang naging dahilan ng pag irap ni Patricia. Haha

--

Nagpalakpakan kamimg lahat ng matapos sila magsayaw. Tilian lang ang maririnig sa loob ng room. Ang mga mata ng karamihan dito sa room naghuhugis puso na, syempre kabilang na dun si Patty.

"Okay! Magaling 3x ready na kayo. Tsk tsk mukhang kakailanganin 'ko nang mag withdraw sa bangko ah? Mukhang mapapasubo ako tsk tsk"

Naghiyawan kaming lahat ng dahil sa naging reaction ni sir Ian. Nakangiti kaming tumingin sa harap kung saan nakatayo si sir.

"Alright! So guys may isa pa pala tayong event na kailangang salihan. Recent lang sinabi ng dean so wala tayong magagawa kung hindi ang sumali"

Madaming nagbigay ng side comments, may nagtatanong, may umuungot.

"Oh! Oh! Wag na mag bigay ng hindi naman kailangang reaksyon haha. Manahimik lang kayo at makinig hindi naman kayong lahat ang kailangan dito, isa lang ang kailangan mag represent kada section"

Halos mawala na ang mga mata ni sir sa ngiti niya. Napakunot kaming lahat ng noo.

"Ano po ba yun sir?"

"Sabihin mo na sir pa cute ka pa e hahaha"

Napailing nalang si Sir.

"Kailangan natin ng magrerepresent sa section niyo sa  --- "

Nag drum rolls pa si Sir gamit ang daliri niya sa table.

"Miss P.U 201x"

Napakunot ang noo ko. Pageant?

"Oh ano? Anyone? Sino sasali dali?"

Ewan ko pero parang biglang may kung anong nambatok sa maganda kong ulo at bumulong sa maganda kong tenga dahil sa naisip ko hehehe

Kinalabit ko yung kambal at Shionne sabay nguso kay Patty. At dahil pretty ako, madali nilang nagets yun. Nginitian nila ako sa isip ko sabay sabay kaming tumatawa haha. Nagtaas ng kamay si venuce.

"Sir!"

Napatingin si Sir Ian kay Venuce

"Yes Venuce? Any suggestions? O ikaw na ang magvo volunteer?"

"Luh! Si Venuce eh? Mas lalaki pa kay Jervy yan eh HAHAHA" -Kirby

Napansin ko ang pag taas ng kilay at pag ikot ng mga mata ni Venuce kay Kirby

"Sir hindi po ako magvovolunteer! Ayaw ko po kasing ma discover eh alam niyo na po baka ma stress lang ang kagandahan ko kaya po isa suggest ko po si Patricia nalang ang sumali dyan "

Patty's reaction is priceless. Amp! Jaw drop ang ate mo. Nagpigil akong tumawa sa reaksyon niya. Tatanggi dapat siya kaso inapprove na agad Sir. Si Sir Ian pa ba? Eh super fan ni Patty yun.

" So Patricia Lee, I'll be expecting that you will bring home the crown okay? "

"Sir!" Sumimangot pa siya

" Kaya mo yan! Haha anyways later at 4 go to room 101 dun kayo ioorient kung kelan at paano gagawin niyo okay?"

Napatango nalang si Patty atsaka sinamaan ng tingin si Venuce. Napangiti ako, naeexcite ako para kay Patty hihi.

P A T R I C I A

Nakadukdok lang ako sa table, nanlata ako bigla. Shems! Pageant? Anong alam ko sa mga ganun? Kung eating contest pa yan kayang kaya ko ipanalo pero beauty contest? Jusme! Utang na loob! Wag ako! Pero si Sir kasi, isa pa yung magaling kong kaibigan di mo alam kung anong panis na saging ba ang nakain at ako pa sinali dun. Mas bagay si leighla dun haay!

"Uy Patty! Tara lunch us" Venice

Nagbuntung hininga lang ako atsaka lumingon sa kaniya.

"Samahan ko nalang kayo, wala ako gana kumain huhu"

"Patty okay lang yan, kung yung tungkol sa pageant eh kayang kaya mo yun!" Shionne

"Oo nga Pattypat!" Venuce

Sinamaan ko lang siya ng tingin at saka nag sigh ulit at tumayo

"Tara na nga. Goodluck sakin jusme!"

-IamGraceyJeon

Mission: Make Him Fall For MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon