Chapter 31

122 2 0
                                    

Beep!( Message Received)

"Alex, hindi ako papasok masama ang pakiramdam ko. Pasuyo naman pakibigay kay si Richard yung Layout na nakapatong sa mesa ko. Salamat." Message ni Sandra.

"Ok. Pagaling ka." message send. Agad ko naman binigay kay Sir Richard mabuti naman hindi niya ni-reject dahil pagnagkataon ako na naman ang gagawa. Naglagay ako ng headpiece saka pinatogtog ang love ko playlist na nasa desktop.

Tok! Tok!

"O Jarvis, anong ginagawa mo dito? Maupo ka na muna." Nang makita kong nakatayo si Jarvis sa gilid ng pinto.

"May kinuha lang ako sa HR."

"Ah ganun ba."

"Sige Alex aalis na ako."

"Aalis ka kaagad?"

"May pupuntahan pa kasi ako."

"Ah ganun ba. Ok sige. Ingat ka ha." Nginitian lang ako ni Jarvis at saka umalis na.

Habang naglalakad si Jarvis naalala niya nang kausapin niya si Hero. Pagbukas pa lang niya nang pinto nakita na niya na kumunot ang noo ni Hero pagkakita sa kanya.

"Jarvis, wala na akong magagawa sa case mo. Desisyon yan ng top management."

"Hindi naman yun ang pinunta ko dito." Tinitigan ni Hero si Jarvis.

"Sana naman mag sorry ka kay Alex at 'wag mo siyang saktan pa." walang kakurap kurap na sabi ni Jarvis. Napangiti naman si Hero.

"Ano ba ang pakialam mo sa amin ni Alex?"

"Maatim mo bang makita ang taong mahal mo na nasasaktan at umiiyak?" nagulat si Hero sa sinabi ni Jarvis.

"Hindi ko naman mahal talaga si Alex." Nagpigil si Jarvis sa narinig niya sa halip nginitian pa niya si Hero.

"Kung noon hinayaan ko siyang saktan ng isang tulad mo pero hindi na ngayon. Ipapadama ko sa kanya ang tunay na pagmamahal na hindi mo binigay sa kanya." At saka lumabas si Jarvis. Naiwang naiinis si Hero.

Click! Click! Click!... super busy ako. Nakaramdam ako ng sakit ng mata, pumikit ako sandali at sinilip ko ang suot kong relo. Ang bilis ng oras mg aalas singko na pala. Niligpit ko agad ang gamit saka nag ayos...naghintay na sumapit ang alas singko. Gusto kong magpahinga ng maaga ilang araw na kasi akong nag oovertime. Malayo pa ako sa bus stop ng makitang huminto ang bus tumakbo ako para makasakay agad.

"Ouch!" nadapa ako pero bumangon agad dahil nakita kong unti-unti nang umuusad ang bus, sinenyasan ko ang konduktor na sasakay ako kaya pinahinto niya ang bus at nagmadali akong sumakay.

"Hay buti nakaabot ako." Ang hapdi. Tiningnan ko ang siko kong may sugat dahil sa pagkadapa. Tinukod ko kasi ang siko para hindi tumama ang mukha ko sa semento kumuha ako ng panyo at tinali sa siko.

"Tatanga tanga ka talaga Alex." Sabi ko sa sarili at napangiti ako.

Napatigil ako sa paghahanap ng susi sa bag ng marinig ko ang malakas na boses ni Jarvis.

"Ayoko nga.. Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo." binuksan ko ang pinto ng unit ni Jarvis nag aalala kasi ako sa kanya mukha kasing may kaaway. Napatigil ako sa may pintuan ng makitang si man in black pala ang kausap niya.

"Sige na pumayag ka na." Sabi pa ni man in black. Napansin niyang nakatayo ako sa may pintuan kaya napatingin din si Jarvis.

"O Alex. Tuloy ka." Napansin ni Jarvis ang siko ni Alex na may taling panyo.

"Napaano ang siko mo?" tinago ko sa likod ang kamay kaya lumapit si Jarvis sa akin.

"Halika ka nga." Hinawakan ako sa kamay, Si man in black naman nakatingin lang sa amin.

"Hello po. Sensya na po kung nakaistorbo sa usapan nyo." Sabi ko kay man in black.

"Hindi naman. Paalis na rin naman ako." saka kinuha ang black na briefcase na nakalagay sa sofa.

"Jarvis, pag isipan mong mabuti ang sinabi ko sa iyo." Nginitian ako saka lumabas. Si Jarvis naman sinundan lang ng tingin si man in black.

"Alex, napaano yang siko mo?"

"Ah..nadapa ako...tatanga tanga kasi." Natatawang sabi ko pero si Jarvis seryoso ang mukhang nakatingin sa akin.

"Maupo ka, gamutin muna natin ang sugat mo."

"Hindi na. Huhugasan ko lang. Ok na ito." akmang aalis napatigil ako sa paglalakad....nakahawak sa kamay ko si Jarvis.

"Saglit lang kukuhanin ko lang ang medicine kit." Sinundan ko ng tingin si Jarvis saka naupo sa sofa sumandal ako at pinikit ang mata.

Pagbalik ni Jarvis naabutan niyang tulog na si Alex.

"Antok na talaga siya." Dahan dahan niyang nilagyan ng betadine at band aid ang sugat ni Alex sa siko pagkatapos dahan dahan niyang hiniga sa sofa saka tinanggal ang suot na sapatos. Tinitigan niya ang mahimbing na natutulog na si Alex saka hinalikan sa noo.

"Hmmmm....." umunat ako. Nakita ko ang kumot na nakalagay sa akin. Napangiti ako ng makitang nasa sofa ako sa unit ni Jarvis. "Alex, sa ibang bahay ka na naman natulog." Hinanap ko si Jarvis pero wala ito at nakita ko ang note na nilagay niya sa mesa at binasa ko ito.

"Alex, Kumain ka na muna pagkagising mo. Naghanda na ako ng pagkain. May importante lang akong pinuntahan."---Hero Jarvis.



Ipagpapatuloy.

You found me My HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon