Chapter 23

124 1 0
                                    

"Sino kaya yun? Bakit niya ginawa yun? Mayaman siya ah..pinamimigay lang ang lupa."sunud-sunod kong naitanong sa sarili ko habang naglalakad, hindi ko namalayan nasa tapat na pala ako ng gate ng Top High School at napahinto ako sa paglalakad. Ang tagal na din bago ako nakadaan dito, ang bilis talaga ng panahon. Ang mga puno na dati'y sasayaw sayaw lang sa hangin ngayon parang nagmamayabang na ito sa matayog na tayo at katawan at sangang naglalakihan.

"Parang kailan lang." Nasambit ko ulit at parang hinihila ang paa ko papasok sa Top high school kaya nagpasya akong tanungin ang principal tungkol sa necklace na napulot ko.

"Mam, gusto ko lang po makita ang year book nyo from year 2000 dahil may isang estudyante dito ang nakaiwan ng mahalagang bagay hindi ko kasi naitanong ang pangalan niya. Isasauli ko sana sa kanya."

"Ah ganun ba Ang tagal na nun ah...... Dito sa cabinet na ito nakalagay ang mga year book. Tingnan mo na lang kung my kailangan ka, sabihin mo lang sa akin."

"Opo." Ang bait naman pala ng Principal ng Top high School. Sana nung highschool kami ganito din kabait ang Prinsipal. Terro kasi an gaming Prinsipal noong highschool. Maraming bawal kung magkaroon ka ng kasalanan agad agad ipapatawag ang mga magulang ng estudyante.

Tiningnan ko isa't isa ang mga year book.

Tingin....Tingin. Isang oras na nga ang nakalipas hindi ko pa rin natatapos tingnan, gusto ko kasing tiyakin na hindi ko malalampasang tingnan ang picture ng bawat estudyante.....

"Hay wala..Hindi ko makita." Inayos kong mabuti ang pagbabalik sa cabinet saka nagpasalamat sa principal.

"Sino kaya yun?"..

Pagbaba ko ng tricycle dali dali akong pumasok ng bahay.

"Ha?" gulat na sabi ni mama at papa.

"Naku kung sino naman yun pagpalain siya ng maykapal." Sabi ni Papa.

"Alex, hindi mo ba talaga kilala kung sino ang bumili ng lupa at pinangalan sa iyo? Meron ka bang kasintahang mayaman? Wala ka bang titatago sa amin ng papa mo? " sunud-sunod na tanong ni mama.

"Wala po. Hindi ko nga kakilala." Nag-iisip akong naupo sa sofa.

"Tama na yan. Pasalamat tayo at atin pa rin ang lupa." Si Papa.

Pinagdalahan ako ni papa ng maraming pasalubong..danggit, dried mango at saka ang paborito kong kalamay.

"Nakakapagod ang biyahe." Binuksan ko ang pinto at nilapag sa mesa ang mga pasalubong saka diniligan agad ang halamang bigay ni Jarvis.

"Jarvis..." tawag ko. Pinagbuksan naman niya ako agad ng pinto.

"Alex, pasok ka." Nakangiting sabi ni Jarvis.

"Ito nga pala pasalubong ko danggit at dried mango." Inabot ko sa kanya.

"Wow ang sarap nito ah. Kumain ka na ba?" Tumawa ako.

"Kaya nga ako pumunta dito para makikain eh." Birong sabi ko.

"Sige dyan ka lang iinit ko lang ang kaldereta." Pumunta na siya sa kusina. Napansin ko na may sketch pad na nakapatong sa maliit na mesa. Tiningnan ko ito.

"Wow ang galing naman niyang magdrawing." Dami naman niyang alam. Hindi ko pa nakikita lahat ng iginuhit niya sa sketchpad ng tawagin niya ako.

"Ang sarap naman. Ito ang na miss ko." Nguya nguya.

"Hindi mo ako na miss."

"Syempre na miss din kita. Nakita ko yung ginawa mo, ang galing mo din palang magsketch ng mga tao."

"Hindi naman. Libangan ko yan kapag wala akong ginagawa."


Ipagpapatuloy


------

Flashback

"Sir, may babaeng nagpunta sa Top High School para tingnan ang year book dahil may hinahanap na taong nakaiwan daw ng mahalagang bagay sa kanya." Sabi ng matandang lalaking pumasok sa office nito.

"Natanong nyo ba ang pangalan ng babae?" sabi ng lalaki na hindi pinakita ang mukha.

"Hindi po." Yun lang at umalis na ang matandang lalaki.

You found me My HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon