Chapter 6

222 4 0
                                    

Kakalapag ko pa lang ng bag ng lumapit si Jarvis sa akin at titig na titig sa mukha ko at saka hinaplos ang pisngi ko, nagulat ako sa ginawa niya kaya hindi ako nakareact. Matagal ang ginawa niyang pag haplos sa pisngi ko.

"Ay sorry. May dumi kasi ang pisngi mo Alex." Mahinang sabi niya. Narinig kong bumukas ang pinto kaya bigla akong umupo. Si Sandra dumating at binati kaming dalawa ni Jarvis. Magkasabay pa naming nabati ng good morning si Sandra kaya nagkatinginan kami, agad niyang binawi ang tingin at bumalik na sa kanyang mesa.

Kinuha ko ang mug sa drawer, gusto kong magkape..pampagising. Nagpalinga linga muna ako bago lumabas ng office dahil baka makasalubong ko na naman si Sir Hero.

Nakakailang hakbang palang ako ng makita kong makakasalubong ko si Sir Hero. Naku pagkakataon nga naman, kung sino ang ayaw mong makita siya naman ang biglang susulpot. Nagdahan dahan akong naglakad, iniisip ko kung babatiin ko siya. Nagbago ang mood ko ng makitang nakatingin siya sa akin at tumigil sa tapat ko.

"Good morning Sir." Bati ko.

"Good morning. Punta ka mamaya sa office." mahinahong sabi niya. Yun lang saka umalis na.

"Bakit na naman kaya?." At least existing na ako sa paningin niya.

Tubig na lang ang kinuha ko dahil kung magtitimpla pa ako ng kape baka pagbalik ko galing office ni Hero malamig na ito at nakita ko lang siya nawala na ang antok ko. Nadatnan kong busy sa kanilang mga ginagawa sina Sandara at Jarvis. Kinuha ko ang cp sa bag at nakita ang regalo ko para kay Jarvis.

"Jarvis. Nakalimutan ko kasing dalhin kahapon." Saka inabot ang regalo.

"Salamat." Bubuksan pa lang niya nang umalis na ako dahil pupunta pa ako sa office ni Sir Hero. Pagbukas ni Jarvis isang tumbler ang nakita niya, nilingon niya si Alex pero wala ito, nagustuhan niya ang binigay na regalo ni Alex.


Tok!Tok! Tok!

Binuksan ko ang pinto at nabungaran ko na may kausap sa telepono si Sir Hero. Sumenyas siya sa akin na maupo muna. Tiningnan ko siya habang may kausap sa telepono. 15minutes na ang nakakalipas hindi pa natatapos ang usapan nila.

"Grabe naman ito ang tagal naman nilang mag-usap. Bad timing lagi ang pagdating ko laging may kausap." Ilang minuto pa ang nakalipas ibinaba na niya ang telepono.

May kinuha siya sa drawer saka lumapit sa akin.

"Alex, o" inabot sa akin ang isang box ng chocolate habang nakatingin sa aking mga mata.

"Sir Salamat po."

"Ibibigay ko lang sa iyo yan kaya pinapunta kita dito sa office. Madami kasing nag regalo sa akin kahapon isa na yang chocolate na yan. Eh hindi naman ako mahilig sa chocolate." Paliwanag pa nito habang walang kakurap kurap na nakatitig sa akin. Naisip ko tuloy ang bilis naman magbago ng ihip ng hangin dahil ngayon binigyan pa ako ng chocolate..kahit chocolate na binigay sa kanya...

Nagpasalamat ulit ako saka nagpaalam na. Niyakap ko ang dalang chocolate para walang makakita baka may magtanong sa akin kung kanino galing at ma-issue pa ako sa buong office, marami pa naman tsismosa.

Sa totoo lang binili naman talaga ni Hero ang chocolate, binigay niya para makabawi sa hindi niya pagpansin kay Alex. Ginawa lang niya ang ganun dahilan baka mag-isip kasi ng kung anu-ano ang makakaalam na binigyan niya ng chocolate si Alex. Binuksan niya ang drawer at kumuha ng chocolate...ang chocolate na pa-birthday sa kanya kahapon saka may pumasok na isang staff.

Pagbukas ko ng pinto nakita na ni Sandra ang bitbit kong box ng chocolate.

"Wow Alex ang sarap naman niyan." Sabi ni Sandra.

"Bigay ni Sir Hero. Pinatawag ako yan pala ang ibibigay. Akala ko ano na naman ang papagawa eh." binuksan ko ang box at binigyan si Sandra at si Jarvis. Nagpasalamat si Jarvis sa akin na hindi man lang ako nililingon dahil busy sa kanyang ginagawa.

"Dati suplado si Sir sa iyo, ngayon ito binibigyan ka na ng chocolate. Baka may gusto sa iyo yun. Balita ko wala pa yung asawa o gf man lang."

"Mukhang updated ka sa balita about kay Sir ah. Niregalo daw sa kanya, eh hindi siya mahilig sa chocolate kaya binigay sa akin.."

"Alam mo naman na mataas ang radar ko." Natatawang sabi ni Sandra.

Narinig lahat ni Jarvis ang usapan nila Alex. Lumabas siya dala ang tumbler na niregalo ni Alex. Nadatnan niya ang dalawang staff na babae sa coffee area.

"Wow naman binigyan ka ni Sir ng chocolate? Ang sweet naman ni Sir." Sabi ng babae.

"Kung ligawan ako ni Sir Hero, wala nang patumpik tumpik pa, sasagutin ko agad." Mukhang kinikilig pa ang dalawa.

Tiningnan lang ni Jarvis ang 2 babaeng nag-uusap.


Ipagpapatuloy


A box of chocolate

"Life is like a box of chocolates. You never know what you're gonna get."- Forest Gump Movie.

You found me My HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon