Chapter 46

123 1 0
                                    

Binuksan ko ang pinto, Si Jarvis pala ang kumakatok na may dalang cake.

"Happy birthday to you...Happy birthday Alex."

"Wow naman....Pasok ka." nilapag niya ang cake sa mesa.

"Salamat Jarvis." Hindi ko akalain na alam niya ang birthday ko.

"Iblow mo na itong candle....Opppsss. Saglit lang magwish ka na muna." Nag wish ako saka hinipan ang candle. Kumuha ako ng platito sa kusina pagbalik ko wala si Jarvis. Ilang sandali lang bumalik siya na may dalang bulaklak, pagkain at regalo.

"Para sa mahal kong birthday girl." Inabot sa akin ang bulaklak at regalo.

"Salamat." Ang ganda ng mga roses na binigay niya at ag bango bango. Binuksan ko naman agad....isang brand new model ng cp."

"Jarvis, hindi ko tatanggap ito, mahal ang presyo nito." Ito yung model na nagustuhan ko nang magtingin ako ng cp.

"Birthday gift ko yan sa iyo kaya tanggapin mo. Halika na umpisahan na nating kumain, kanina pa ako nagugutom." Pinagsandukan niya ako ng spaghetti at nilagyan din niya ng pizza ang plato ko. Tinitigan ko si Jarvis habang kumakain, Isang mayaman ang pipiliin ng Papa mo para sa iyo at para hindi na ako masaktan ulit mas nanaisin ko pang maging magkaibigan na lang tayo.

"O Alex, kain na. Yun pa rin bang dating number mo ang gagamitin mo? Ano nga pala ang gagawin mo ngang birthday mo?"

"Yun pa rin number. Dito lang sa bahay."

"Hindi mo man lang ba ako ititreat?"

"Ha!? Hindi ka pa ba mabubusog sa dami ng pagkaing dinala mo?" umiling lang ito.

"Pagkatapos nating kumain may pupuntahan tayo."

"Saan naman?"

"Basta." Pagkatapos kung magligpit nag-ayos na ako. Pagbukas ko nang pinto naghihintay na pala si Jarvis sa labas.

"Jarvis, saan tayo pupunta?"

"Sa tagaytay."

"Saglit lang kukuha ako ng jacket malamig dun, magdala ka din ng jacket mo."

"Bakit ayaw mo ng yakap ko."

"Loko." Naghanap ako sa cabinet ng makapal na jacket. Paglabas ko may bitbit din si Jarvis na Jacket.

4pm na kami nakarating ng tagaytay dahil sa matrapik. Sabado ngayon kaya marami din ang nagpupunta.

"Wow ang ganda naman dito. Alam mo first time ko lang makapunta dito."

"Ha? First time?"

"Oo."

Tanaw ko ang taal volcano. Mangha mangha ako sa ganda ng nakikita. Kumain kami sa isang exclusive restaurant. Habang kumakain kami tanaw namin ang lakas ng ulan sa labas na may kasamang kulog at kidlat. Naalala ko na may parating pa lang bagyo.

"Jarvis, paano tayo makakauwi niyan. Mukhang lalakas pa ang ulan delikado pa naman magbiyahe lalo na ngayon gabi na."

"Wag kang mag alala dito na lang tayo mag overnight."

"Ha?...Mas mabuti ngang bukas na lang tayo bumalik." ngumiti lang si Jarvis.

Sa malapit na Hotel kami pumunta ni Jarvis.

"2 rooms." Sinabi ng babae na 1 room na lang ang available dahil maraming tourist ang hindi na nagbiyahe pabalik dahil sa bagyo. Tumingin si Jarvis sa akin.

"Halika na Alex. Hanap na lang tayo ng iba."

"Dito na lang. Malakas pa naman ang ulan at kulog sa labas." Pumayag na rin siya.

Bubuksan pa sana ni Jarvis ang ac pero pinigilan ko siya dahil malamig na. Na upo ako sa kama saka hinubad ko ang suot kong medyas at jacket. Si Jarvis naman nagpunta ng cr.

Binuksan ko ang tv saka nahiga sa kama habang hinihintay na lumabas ng cr si Jarvis.

"Alex Alex." Gising ni Jarvis na naka suot ng bathrobe, hindi ko namanlayan nakaidlip pala ako.

"Alex, ang init ng tubig. Ang sarap maligo." Sabi ni Jarvis habang pinupunasan ang basang buhok ng towel. Bumangon ako at kinuha ang bathrobe at towel na nakalagay sa cabinet. Naligo na rin ako dahil nahihiya ako na tumabi kay Jarvis na hindi naliligo. Tinuyo ko ang buhok ko at saka naglagay ng lotion. Naiilang ako sa tingin ni Jarvis habang naglalagay ako ng lotion. Humiga siya sa kama.

"Alex, halika na matulog na tayo." Biglang naramdaman kong bumilis ang pintig ng puso ko.

"Ha? Matutulog agad?" nginitian lang ako ni Jarvis. Sinunod ko naman siya, pinatay ko ang ilaw at binuksan naman ni Jarvis ang lampshade. Nahiga naman ako sa tabi niya at tumalikod sa kanya.

"Alex."

"O."

"May sasabihin ako sa iyo." Humarap ako sa kanya para makinig sa sasabihin niya. Magkaharap na kami sa isa't isa.

"Alex, happy birthday.......Alex, i love you so much." Tapos dinampi niya ang labi niya sa labi ko, nanlaki ang mata ko sa ginawa niya. Matagal magkadikit ang labi namin parang hinihintay niya kung ano ang magiging reaksyon ko. Mayamaya dahan dahan kumilos ang labi niya at hinalikan pa ang labi ko kaya napapikit ako. Nakakadala ang kanyang mga halik kaya hindi ko namalayan na hinahalikan ko na rin pala siya. Naramdaman ko ang kamay niyang humaplos sa likod ko at feeling ko mawawalan na ako ng hangin... at tumigil na sa paghalik si Jarvis at niyakap ako ng mahigpit.

"Jarvis." Inangat ko ang ulo at nakitang nakapikit na si Jarvis. Napagod siguro kaya hinayaan ko lang siyang nakayakap sa akin at natulog na rin ako.

Pumikit si Jarvis dahil baka tanggalin ni Alex ang pagkakayakap niya, gusto kasi niyang laging yakap si Alex. Masaya siya kahit hindi sabihin ni Alex na mahal din siya dahil nararamdaman niya.

Nagising akong wala na sa kama si Jarvis. Bumangon ako at nakita si Jarvis na lumabas ng cr nakabihis na.

"Alex, aalis tayo ng 7:00." sinabi niya yun ng hindi tumitingin sa akin. Bumangon ako at saka nag ayos na.

Binuksan ni Jarvis ang pinto at niyakap ko siya mula sa likuran.

"Jarvis, i am sorry...." Naiiyak na sabi ko, hinigpitan ko ang yakap. Humarap siya sa akin. Idudugtong ko pa sana sa sasabihin ko na I'm sorry dahil hindi ko masabi na mahal kita."

"Naiintindihan kita. Wag ka nang umiyak." Pinahid niya ang luha ko saka hinalikan ako sa noo.


Ipagpapatuloy

You found me My HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon