Chapter 1

230 49 28
                                    

Chapter 1:

“Alam mo kung anong problema sayo? Bato ang puso mo ate!”

“Hindi bato ang puso ko… dahil kung bato ito… baka noon pa, matagal na akong namatay!”

“Akala mo ba nagbibiro ako? Ate pwede ba buksan mo naman ang puso mo. Buksan mo rin ang isip mo. Hindi sa lahat ng pagkakataon ikaw ang tama! Mahirap kasi sayo akala mo kung sino kang perpekto!”

Tiningnan ko ang babaeng nasa harap ko. Maganda siya. Hindi ko kailangang i-describe ang hitsura niya, sapat ng sabihin ko na maganda siya, dahil iyon ang totoo.

“Tapos ka na ba? Pwede ba umalis ka na?”

“A-ate?”

“Hindi ko kailangan ng mga papuri o insulto mo Loraine, ikaw ang nanghihingi ng pabor dito… at karapatan kung tumanggi. Hindi sa lahat ng pagkakataon, oo lang ang isasagot ko sayo.” Tumayo ako mula sa kinauupuan ko. Inayos ko ang bestidang nagusot dahil sa pagkaka-upo ko.

“Hanggang ngayon ba galit ka pa rin sa akin? My God! It’s been 10 years ate, hanggang ngayon ba hindi ka pa rin maka-move on?” Hindi ito makapaniwalang tumingin sa akin. Kahit ganito ang mukha niya ngayon, hindi nawala ng ganda na kinaiinggitan ko noon. “Ate, wala akong kasalanan at paulit-ulit kong sasabihin sayo iyon. Isn’t it too unfair na sa akin mo isisisi ang lahat?”

“Life is unfair… alam mo ba iyon?” Tiningnan ko siya. “Hindi ako galit sayo Lorraine.” Bumuntong-hininga ako. “Hindi porket tumanggi ako sa hinihingi mo… galit na ako. Nagkataon lang na nakapag-move on na ako… at mas mabuti ng maging ganito na lang kasimple ang lahat… wag na nating guluhin ang mga bagay-bagay na maayos na.”

“At papaano ako ate? Kailangan kita ngayon.” Naiiyak nitong tanong sa akin.

Kung hindi ko siya kilala masasabi kong totoo ang luha na nasa mga mata niya… pero kilalang kilala ko siya… at hinding-hindi na ulet ako babagsak sa mga patibong niya.

“Ang sabi mo nga… it’s been 10 years… 17 years old ka noon, ang sabi mo sa akin, matanda ka na para magdesisyon sa sarili mo… now you’re 27…”I gave her pinning look. “Hindi ba mas nasa tamang edad ka na?”

“I can’t believe it!” Galit itong tumayo at hinarap ako. “Alam mo kung anong iniisip ko ngayon?” Sarcastic siyang ngumiti sa akin. “Hanggang ngayon, you’re still a fucking frigid perfectionist! Hindi ko kasalan kung ako ang pinili niya noon. Bakit ba hanggang ngayon ayaw mong aminin sa sarili mo na kasalan mo rin kung bakit nangyari iyon.”

May kung anong matindig emosyon na bumangon sa akin sa sinabi niya.

“I was the one who had been cheated. At alam mo kung anong masakit? I was cheated! Cheated Lorraine… at heto ka, tinatawag akong ate… ilang taon iyon? 10 years ba kamo?” At ako naman ang sarcastic na ngumiti sa kanya. “At hanggang ngayon mukha ka pa ring pokpok na handang ibuka ang mga hita niya sa kahit na sinong handang pumasok doon. Alam mo kung ano rin ang tingin ko sayo? Para kang tuyo at suka… sawsawan ng lahat.”

“Well, at least itong pokpok na ito at sawasawan na sinasabi mo ang pinatulan ng one and only love mo.” Namewang siya sa harap ko. “Alam mo, wala akong pagsisisi sa ginawa ko dahil isang malaking pabor ang ginawa ko kay Jaiden… inilayo ko lang naman siya sa isang kagaya mo na de-numero ang bawat galaw. Now I am wondering how you made it alive for all this time… if I know… pati paghinga mo… binibilang mo rin.”

PAK

Gulat at nanlalaki ang mga mata na tumingin siya sa akin. Hindi makapaniwala sa ginawa ko habang hawak nito ang nasampal na pisngi.

“How dare you!” Galit na sigaw nito.

“Bayad ka na. Bayad ka na sa dalawampu’t siyam na taon na pangugulo mo sa buhay ko. Ngayon masasabi ko na ng harap harapan sayo… hindi kita kapatid at sampung taon ka ng patay mula nung ginawa mo sa akin ang kababuyan na iyon… kaya mabuti pang bumalik ka na sa lunggang pinanggalingan mo at wag na wag ka na ulet magpapakita sa akin dahil baka hindi ko matantya ang sarilo ko at mapatay kita! Naririnig mo ako Loraine? Papatayin kita sa susunod na pumunta ka dito at insultuhin ako!”

Binuksan ko ang pinto, Padabog itong naglakad at lumabas doon.

Bago ko maisara ang pinto ay lumingon siya sa akin.

“Nakakaawa ka naman… mamatay kang lagi mong maiisip na inagawan ka ng kapatid mo! Masakit ba ate? Ni hindi mo man lang siya natikman. Hindi lang iyon ang mas kakaawaan ko sayo… dahil mamatay ka ring tigang!”

Nginitian ko siya. It was a heart-warming smile na ikinabigla niya.

“Good luck Lorraine… at sana hindi na tayo magkita pang muli.”

At isinara ko ang pinto gaya ng pagsasara ko sa nakaraan na ayoko ng balikan pa.

-)

A spur of the moment story. Kaya sorry kung hindi ko agad siya lagging maaupdate pero every thre days iaupdate ko siya, pipilitin ko, hehe.

Vote, Comment, Share and Follow me for more updates. Spread the love pretties.

have FAITH, be BRAVE, stay STRONGER

- Amy Lin

Life is unfair, and so is LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon