Chapter 3

163 26 16
                                    

Chapter 3

“Kayong dalawa… magsabi nga kayo ng totoo… ikakasal na ba kayo kung kaya’t bigla-bigla ay umuwi dito ang anak ko pagkatapos ng limang taon na tinikis niya kami?”

“Rory!”Saway ni mama kay papa habang nahihiya siyang tumingin sa aming dalawa ni Luis dahil sa sinabi ni papa sa aming dalawa. Ramdam ko ang pagtatampo sa boses ni papa kanina habang sinasabi niya sa amin ang huling salita niya. “Kasal na agad? Hindi ba pwedeng namiss lang tayo ng anak natin kung kaya’t naparito siya. Isang pagbisita ng anak sa kanyang mga magulang?”

“Pagbisita? E hindi ba’t ang pamamanhikan ng isang lalaki sa bahay ng isang babae ay maituturing na ding pamamanhikan? Aba’t nagdala pa sila ng mga pagkain. O e ano ba ang tawag mo dito na pagkatapos ng limang taon ay heto sila at nasa ating harapan. Pupuwede naman na si Lala lang ang pumunta pero bakit kasama pa si Luis?”Ganting sagot ni papa kay mama.

“Ano ka ba Rory… tama na! Nakakahiya sa mga bata lalo na kay Luis!”

Dahil sa uneasiness na nararamdaman ko kung kaya’t walang tigil ang mga hita at paa ko sa paggalaw. Tanda ng nerbyos na nararamdaman ko ngayon. Isa iyong habit na kinaaasaran ko.

Nagulat ako ng biglang hawakan ni Luis ang kamay kong nakapatong sa mga hita ko.

 Ang kaninang walang tigil na paggalaw nito ay natigil dahil sa paghawak niya. Iniiwas ko ang mga kamay ko mula sa pagkakahawak niya pero ayaw niya itong bitiwan. Pinandilatan ko siya para iparating na kailangang bitawan niya ang kamay ko pero instead na sundin niya ako mas lalo pang humigpit ang paghawak niya doon.

“Tingnan mo nga iyan Beth, hindi ba’t totoo ang hinala ko? Ngayon mo sabihin sa akin na mali ako. Sige… sabihin mo!”Nagmamayabang na sabi ni papa habang walang tigil ang malapad na pagngiti nito sa amin.

Alam ko na na-shock si mama habang palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Luis at sa kamay naming magkahugpong ngayon.

“Lala anak, to-too bang kaya… kaya kayo naparito ay para mamanhikan?”Hindi makapaniwalang tanong ni mama.

“Naku hindi po mama!”Taranta kong sagot saka ubod ng lakas na hinila ang kamay ko mula kay Luis. Buti na lamang sa pagkakataon na iyon ay hinayaan niya ang kamay ko.

Galit na tumayo si papa mula sa pagkakaupo sa harap namin. “Anong hindi? At bakit hinahayaan mong hawakan ng lalaking iyan ang kamay mo?” Dinuro ni papa si Tristan. Ikaw lalaki… anong karapatan mong lapastanganin ang anak ko sa mismong pamamahay ko at sa harap mismo naming mga magulang niya???” Napapapikit ako sa malakas at galit na boses ni papa na umi-echo sa loob ng apat na sulok ng sala na kinaroroonan namin.

Hindi ko maintindihan kung bakit nalagay kami… lalo na ako… sa sitwasyon na ito.

At lalong hindi ko alam kung ano ang pumapasok sa isip ni Luis ngayon at nagawa niyang gumawa ng ganitong klase ng aksyon, imbes na itanggi ang sinasabi ng papa ko. Ang alam ko ay isang simpleng pagbisita lamang ang gagawin namin gaya ng sinabi niya… bakit tila hindi ito ang klase ng pagtanggap na inaasahan ko.

“Ang totoo po niyan Tito Rory, Tita Beth… ay nagkakamabutihan na kami ni Lala… at nahihiya siyang ipaalam iyon sa inyo… pero hindi ko na kayang itago ang nararamdaman ko… at ayoko na itago ito lalo na sa inyo.”

Napadilat ako dahil sa sinabi niya. Magpoprotesta sana ako pero inunahan niya na ako. Muli niyang hinawakan ang kanang kamay ko. Hindi ako nakakakibo sa gulat ng iniangat niya iyon, ibinukas at hinalikan ang nakabukas kong mga palad.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 07, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Life is unfair, and so is LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon