Prologue

285 53 23
                                    

Prologue:

 

“Mga walanghiya kayo! Mga baboy!”

 

 

 

“Ate!”

 

 

 

“Lala?”

 

 

 

“Oh my God! Oh my God!” She frantically chanted and then stops She looked at the two people in front of her. “Get out!”

 

 

 

“Sweetheart, let me explain.”

 

 

 

“I said get out! Oh my God, don’t you dare touch me… you sick bastard!” Hinampas niya ito ng hawak niyang bag. “Both of you get out!!!”

 

 

 

 

May mga bagay sa mundo na gusto mong gawin pero hindi mo magawa dahil may mga tao at pangyayari sa paligid mo na pumipigil sa iyo na gawin iyon… tapos ang masasabi mo na lang… life is unfair!

Kahit sa love… unfair din.

May mahal ka pero hindi ka mahal.

Minsan, kung sira-ulo ang tadhana… ang minamahal mo ay may mahal ng iba.

At kung hindi ba naman baliw ang tadhana… nagmamahal ka sa isang tao at patay na patay ka sa kanya habang alam mo na sa tabi mo… may isang tao rin na mahal na mahal ka at kayang gawin ang lahat para sayo.

At kung hindi ba naman siya nananadya… kung kelan napansin ka na ng taong mahal mo… saka mo mari-realize na hindi mo naman pala siya mahal… at ang tunay mong mahal… iyong taong nasa tabi mo pa lang.

Bilog ang mundo. Umiikot ito hindi dahil gusto nito kundi dahil kailangan nitong umikot sa axis na laan para dito.

Habang ang araw at ang buwan may malaking parte kung bakit kailangang umikot ng mundo sa kanila.

Hindi ka ba nalilito sa pinagsasabi ko? Siguro ngayon itatanong mo… ‘So, anong connection?’

 

 

 

Wala!

Kung iisipin wala, pero kung babasahin mo ulet, at alam ko na babasahin mo dahil hindi mo mapipigilan ang sarili mong hanapin ang connection na sinsabi ko…

Well… congrats kung nahanap mo.

At better luck next time kung hindi.

Hindi dahil matalino ka o bobo ka kaya hindi ma nahanap ang connection na sinsabi ko… maaring na-inlove ka na or maari naman akala mo love pero hindi naman pala.

Bakit ba kasi kailangan pang may ganoong sitwasyon? Bakit hindi na lang maging simple ang lahat para tapos na?

Bakit kasi hindi na lang turuan ang pusong mahalin kung sino ang ready at kayang ibigay ang love na hinahap mo? Pwede bang patigilin na lang natin ang pusong magmahal para hindi ka nasasaktan at wala kang nasasaktan.

Sabi nila… Life is unfair.

Para sa akin… Life is unfair… and so is love.

Pero may choice ang bawat tao… ang mag-give up o magpatuloy.

Ang masakatan o lumigaya.

Pero kung ano’t ano man ang maging choice mo… sana handang kang masaktan…

dahil life is unfair, and so is love.

-)

Comment, Vote, Share and Follow me for more updates. Spread the love pretties!

- Amy Lin

Life is unfair, and so is LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon