Chapter 2
“Hindi ako makapaniwala na sinabi sayo iyon ng kapatid mo.”
Dinuro siyo nito ng carrots na ini-i-slice nito.
“Kapatid mo ba talaga ang bruhildang yon? Baka naman ampon siya o ikaw ang ampon.”
Kinagat nito ang hawak na carrots na kanina lamang ay iwinawasiwas nito sa mukha ko.
“Sabagay hindi kayo magkamukha kaya malamang isa sa inyo ang ampon.”
Nasa kusina kami ng sarili kong bahay at kasalukuyang naghihiwa ng mga sahog para sa lulutuin naming ulam. Hobby ko ang magluto at ginagawa ko rin itong part-time na pinagkukunan ng pagkakakitaan. Tumatanggap ako ng orders na nanggagaling sa mga kaibigan ko at sa mga ka-officemates nila.
Since nag-iisa lang ako sa bahay mula ng umalis ako sa pamamahay ng mga magulang ko limang taon na ang nakakaraan, at dahil may malaking ipon din ako kung kaya’t nasa bahay lang ako dahil kaya ko namang mabuhay ng limang taon pa kahit hindi ako magtrabaho, kung kaya’t kinarir ko na ang pagluluto.
“Ang bobo ng kapatid mo!”
Iwinasiwas na naman nito ang hawak na gulay and this time pechay naman ang nasa kamay nito. Kaya everytime na nagsasalita ito ay kailangan kong ilayo ang mukha ko dahil kung hindi siguradong masasampal ako ng pechay na hawak niya.
“At anong sampung taon na ang nakakaraan, limang taon lang! Pagbibilang na lang hindi pa alam? At ikaw naman…” Muntik na akong masampal ng pechay ng iwinasiwas niya ito sa mismong harap ko. “Ni hindi mo man lang kinorek, at tinanggap niyang 27 na siya?” Ibinaba nito ang pechay na hawak.
“Ngayon ako naniniwala na sa pagbibilang ng lalaki magaling ang kapatid mo… at sa pagwawan-to-ten… minus one plus one sa loob ng mga hita niya niya siya expert… kaya pagbalik mo sa inyo… itanong mo kay Tita Beth at Tito Rory kung sino sa inyong dalawa ang ampon… para na rin sa ikakatahimik ng kalooban mo… isipin mo kung hindi kayo magkapatid makakahinga ka na ng maluwag… aba hindi mo ba alam na nakakahawa ang kalandian? Tingnan mo ha, ang mga kabit bihirang manganak dahil masisira ang mga figures nila, pero baklaaaaaaa dumadami sila na parang kaming mga bakla lang, wala kaming matris pero dumadmi ang kagandahan namin sa mundo!!!!”
Tumigil ito saglit para lumunok at huminga pero saglit na saglit lang dahil rumatatat na naman na parang armalite ang bibig nito
Sanay na ako sa kanya. Ang totoo kapag wala siya sa bahay ko halos ikabaliw ko ang katahimikan at lagi kong hinahanap ang kaingayan niya.
Kaya kapag feeling ko mababaliw na ako kapag gabi at tunog ng aircon na lang ang naririnig ko ay tumatawag ako sa kanya. Telebabad kami to the max hanggang sa makatulog ako o makatulog kami ng sabay.
Minsan naman ay nilalambing ko siya na dito sa bahay matulog at tabi kami.
Wala namang malisya dahil ever since, since birth, ay mag bestfirend na kami… at hindi kami talo… iyon nga lang tanging ako lang ang nakakaalam na sa iisang playground lang kami naglalaro.
Dahil si Luis Carlo ay isang Closet Queen… at nagiging Luisa Carla sa gabi.
Peroho kaming eba. In short parehas na lalaki ang gusto namin.
“…kung hindi kayo magkadugo mapapanatag ang kalooban mo at lalo na ako na pag nagkaanak ka na, syempre magiging inaanak ko na rin dahil let’s face it, ako lang ang nag-iisang kaibigan mo at wala ka ng mahahanap na kasing ganda ko… uy bakla pahingi nga ng tubig, nauuhawa ako bigla!”
Natatawa akong inabot ang isang baso ng tubig sa kanya. Walang paki-alam na inagaw nito iyon sa akin at walang ka poise poise na inisang lagok iyon.
“Saan na ba tayo? Ah!” Hinampas nito ang kaawa-awang pechay sa tadtaran. “Tama! Nasa kalandiang nakakahawa na tayo.”
“Mali… nasa kung gaano ka kaganda at ka perfect na ninang sa magiging future inaanak mo.” Pagko-correct ko sa kanya.
“Doon na ba tayo?”
Parang timang na pagko-confirm nito kung kaya’t tumango ako bilang pag-sang ayon sa kanya. Nagkibit balikat na lamang ito at tuloy-tuloy ng nagsalita.
Halos wala na akong maintindihan sa mga pinagsasabi niya. Tumatango na lang ako kapag tinatanong niya ako. Nagri-react kung may dapat ika-react.
“Alam mo bakla… sa totoo lang… kung tunay lang akong lalaki… liligawan talaga kita.”
Natigilan ako sa paghihiwa ng kamatis dahil sa seryosong boses nito. Tiningnan ko siya habang tahimik itong naghihiwa ng carrots.
“Buti na lang at hindi ka lalaki… dahil iniisip ko pa lang ngayon… kinikilabutan na ako.”
At para itago ang kakaibang kaba na nararamdaman ko at saya sa pag-amin nito, kahit na alam kong pa-cute lang sa kanya, kung kaya’t tumawa ako sa sinabi niya at ipinagpatuloy ang paghihiwa.
“Oo nga… buti na lang.”
Walang gana at tila malungkot na sang-ayon niya sa akin.
Ipinilig ko ang ulo ko. Pilit na inaalis sa utak ko ang sinabi niya.
Dahil imposible… bakla ang kaibigan ko.
Bakla si Luis Carlo a.k.a Luisa Carla sa gabi.
Hay buhay… tunay ngang life is unfair!
-)
Gusto ko lang ipaalam sa lahat na ang story na ito ay short story lang. Mga ten to 15 chapters lang ata tapos… tapos na. This story is just a spur of the moment story. Bigla ko lang naisip kaya isinulat ko.
Vote, Comment, Share and Follow me for more updates. Spread the love pretties.
- Amy Lin
BINABASA MO ANG
Life is unfair, and so is Love
RomansaWala kang karapatang mag-inarte. Wala kang karapatang magreklamo. Hindi lang ikaw ang tao sa mundo. Lfe is unfair... and so is Love.