PROLOGUE

37 0 0
                                    

Isa lang naman akong babae, medyo mabait, medyo magalang, medyo masipag, medyo matalino pero medyo tanga. Party-goer ako at happy-go-lucky kaya kung titignan mo ang grades ko, karamihan ay tres, may dos rin syempre. Pero nakakabawi pa rin naman!

Malakas ang topak ko, mabilis uminit ang ulo ako at prangka ako. Pero depende sa sitwasyon kung kailan ako mapuno sa isang tao.

Ganyan ako ngayon... Nang dahil lang sa lalaking nagngangalang Eija Bill. My firsts! Lahat ng first ay sa kanya, maliban lang sa alam mo na yun!

Pero kung ako yung tatanungin? Aminado akong sobrang laki ng pinagbago ko simula nung araw na yun.. Yung araw na hindi ko na alam yung gagawin ko. Basta pag gising ko kinabukasan, nag iba ako bigla.

Kung dati, tahimik lang ako. Kung dati, halos lahat ng itanong ng mga lecturer ay nasasagot ko. Kung dati, hinding hindi ko hahayaan na magkaroon ako ng 89 pababa na grades. Kung dati, sobrang marespeto ako sa matatanda na kilala ko, sa mga nakatatanda na di ko kilala ay iba na ngayon. Lahat na ay iba ngayon...

Naging sobrang daldal ko na. Lagi na ako sa bar. Lagi na akong nagkakaroon ng tres at laging binubungangaan ng professor. Lagi pinapagalitan ng professor dahil sa pabalang na mga sagot ko. Kinakailangan ko na talaga ng on call na katulong dahil wala na akong oras para ayusin ang mga gamit ko sa bahay ko. Ibang iba ako ngayon...

Noong highschool ako ay kilalang kilala ako dahil sa natatangi kong katalinuhan, ngayong college naman ay kilalang kilala naman talaga ako oo.. Kilalang kilala bilang Least student sa University na pinapasukan ko.. Namin...

Ewan ko ba. Simula noon. Simula nung naghiwalay kami. Naghiwalay kami? Hindi kami nag hiwalay. Lumipat siya ng school. Iniwan nya ako at sumama sa iba. Muntik na akong hindi makagraduate noong highschool. Muntik na akong hindi makahawak ng diploma at muntik ko nang maranasan makasuot ng toga.

"Jusme Alessia! Pwede ba tumingin ka sa dinadaanan mo?" Sabi sa akin ni Anica

"Kingina. Sila tumingin sa dinadaanan! Alam na nga tatama sakin, di pa iiwas. Tss" pabalang na sabi ko

Naglalakad kami papunta sa room dahil kaming dalawa lang ang sabay ang schedule ng pagpasok. Huminto na siya sa labas ng room nya, nagpaalam, tumango at pumasok na. Naglakad naman ako papunta sa room ko...

Ting!

"Guys kita kita nalang tayo dito sa tambayan. 3:30 ng out ko. Kayo ba?"

Nagpop ang messenger ko at nakita ko ang chat ni Bianca. Halos lahat kami ay cow boy. Iilan lang ang girlish. Marami rami kaming magbabarkada.

Hindi muna ako pumasok sa room. Nag ikot ikot sa mga room at di ko namalayan na 10:15 na. Late na ako..

9:30 na at monday ngayon kaya dalawa lang ang subjects ko. Hanggang 4:00 ako dahil major subject ako isa.

*door opens*

May nagsasalita na at nag papakilala sa harap, psh. Nasa pangalawang row pa lang. Since walang nakaupo sa harap, nag direcho akong umupo doon..

Nagulat ako dahil ang sama ng tingin ng professor na yun sa akin. Naupo ako ng maayos at lumingon sa likod. Iilan lang kilala ko. Tsk. Hirap maging irregular, bwisit.

"Excuse me? Are you belong in this class?" Tanong niya in sarcastic way

"Oh, yes ofcourse. Why?"

"Then why are you late? Are you not aware that being late is strictly not allowed in this school?"

"Ha!? Ofcourse I know that!"

"You rude! Stand up! Tell me your name, age, expectation about this subject, class and ofcourse about me! Stand up!" Tumayo naman ako ng walang gana..

Until You Are Mine AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon