Chapter 1: Z

12 0 0
                                    

Alessia's POV

Second day ng klase, ganun pa rin. One week to, 3 ang subjects ko ngayon at minor subjects lang. 9am-4pm ang class ko ngayon, 30mins break kada dismissal tapos ko na ang dalawa at last subject ko na.

[A/N: Yung mga minor subjects, two times a week yung meeting.. At one and a half hour lang. Yung major subjects naman ay four hours ag once a week lang yung meeting.. Basta ganyan ganyan. Hehe! ^_^V]

Habang nakikinig sa mga pagpapakilala nila dahil hindi ako interesado, tapos hindi ko pa maiwasang isipin yung inasta ni Elija kahapon. Di ko trip yung ginawa niyang yun. Anong akala nya sa akin? Free makipag kwentuhan sa kanya? Hello! 2 years na akong di tumitingin sa iba dahil may nararamdaman pa ako sa kanya. Tapos kung umasta siya parang wala manlang nangyari? Iniwan niya kaya ako. Ano gusto niya ma feel ko? Miss ko siya? Oo miss ko siya, pero hindi yun ang magiginh dahilan para pansinin ko siya na parang walang nagyaring iwanan!

Nang mag dismiss ang nag diretso ako sa tambayan at nag sindi ng sigarilyo. Wala akong pasok bukas at sakto naman na tinext ako ng mga kaibigan kong DotA players na mag bar. Pumayag naman ako.. Kaya umuwi na rin ako pag tapos manigarilyo.. Naligo at nagbihis lang ako dahil 7pm ang usapan.

Nang makarating ako sa Pivs, isang sikat na bar dito sa lugar namin ay agad kong tinawagan sila Stella.

Ring... Ring...

"Hello? Nasan ka na girl?" Tanong ni Ste

"Labas"

"Ah sige labasin ka namin ni Margaux dyan. Waits!"

Wala pang minuto ay nakita ko na sila. Nakangiti sila kaya nginitian ko rin sila.. Hehe

"Long time no see bebe! Miss ka na ng tropa! Huhuhu"

"Abnoy. Tara na!"

At pumasok na kami pag dating ko ay nandun ang anim pa naming kaibigan, sila ate Jen, Rhonna, Ronell, Martin, Lucky at Arar.

"Omg! Dumating ang prinsesa! Halos tatlong buwan ka rin hindi nagpakita no. Grabe to, natitiis kami!" Si ate Jen..

"Churi na teh! Hihi. Busy busyhan ang peg ko no. Hayaan nyo next time laro tayo pag may time ako hehe!"

At nagkwentuhan pa kami ng kung anu ano hanggang inabot kami ng ala uno ng madaling araw. Namiss ko rin sila syempre. Pero kailangan ko na rin umuwi, di ako nag sabi kay Ales na mag babar ako e.. Nagpaalam ako sa kanila. At pumayag rin naman sila na umuwi na ako.

Nang makalabas ako ay nagulat ako sa mga text! 43 unread messages! 55 missed calls! Agad kong tinignan kung sino yun..

Shyna. Zach. Anica. Jailee. Kuya Alex. At ALES! Yari na. Tsk. Mas takot ako kay Ales kesa kay kuya. Tss!

Agad kong tinawagan sila Ales..

"Hmmm.." Halatang nagising sa tawag ko

"Ales...."

"Punyeta! Nasan ka!? Kanina pa kami nag aalala sayo! Di mo ba naisip yun! Hala sige umuwi ka na at dito na kita gigisahin sa bahay! Mag ingat ka. Labyu." Psh sanay na ko dyan phew. Galit biglang sweet. Abnoy nga kasi! Hahahaha

"Sige. Sorry na labyu2! Pweh! Hahahaha" sabi ko

Pasakay na sana ako ng kotse nang magulat ako dahil sa nakita ko. Omg omg!!

Si Zach! Nakikipagsapakan! Nandito pala to. Mabuti na lang at dumating agad yung mga bouncer at nagtakbuhan naman yung mga nambugbog sa kanya. Tatlo yun! Jusko!! Tsk. Tsk. Tsk.

Agad akong lumapit sa kanya at nagulat siya nang makita ako..

"L-lessia.." Bulong niya, tama na para marinig ko. Pinilit niyang tumayo kaya inalalayan ko siya.

Until You Are Mine AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon