Chapter 3..

13 0 0
                                    

Lessia's POV

Halos di ako makagalaw. Ni hindi nga ako nakapagsalita. Wala akong narinig na salita at tanging ang mga hikbi lang ng mga taong nandito ang naririnig ko. Pakiramdam ko gumuho ang mundo ko. Bumilis ang tibok ng puso ko. Kakaiba ang nararamdaman ko.

"ZACHARY!!!! HUHUHUHU ANAK!!"

Hindi na napigilan ng mommy ni Zach umiyak ng malakas. Nilapitan ko naman ito at inalalayan.. Hindi ko na rin mapigilan ang maiyak. Nag aalala ako na tumingin kay Zach, ngunit sa hindi inaasahan ay nag tama ang paningin namin..

"Zachary, di magandang biro to ah. Tigilan mo na yan. Umayos ka na." Sabi ko sa kanya

Nagsalubong naman ang kilay nya na parang sinusuri ako. Parang inaalala ang itsura ko. Ngumiti sya agad at nagsalita.

"Okay girlfriend!" Sumaludo pa sya sa akin habang malaki ang ngiti niya..

"Ha? Girlfriend kamo?"

"Oo!! Di ba girlfriend kita?" Kinuha naman niya agad ang phone nya at matapos yon ay iniharap sa akin..

"Oh tignan mo, ang dami dami nating picture na tayong dalawa lang. Girlfriend kita no? Aminin mo na, wag ka na mahiya sa kanila.." Ngiting ngiti at parang kilig na kilig si Zachary

Tinignan ko sila isa isa, nagulat ako nang sumenyas si Kuya Alex na lumabas. Sumunod naman ang lahat at naiwan ako. Nagpaalam ako kay Zach at sa mga magulang niya na susunod ako sa kanila..

Nakita ko sila na nasa information desk at animo'y may kausap. Doctor ito sa tingin ko. Nang makalapit ako ay hindi na nagulat ang mga kaibigan ko sa presensya ko..

"Yes, he has amnesia. Post-traumatic amnesia.. It will just take a weeks or a months, so make sure you'll monitor him. He is attacked hardly in his ahead and that is the cause of what happened. If you don't mind, I'll go." Sabi nung doctor.

Mga limang segundo bago may magsalita, parang nagpapakiramdaman pa. Hindi alam kung anong bubuksan na topic, hindi alam kung paano sisimulan.. Ngunit biglang nagsalita si Ales.

"Lessia. Let's talk outside."

Sumunod naman ako, at nakita kong nakasunod sila sa amin. Lessia nga lang di ba? Bakit nakasunod tong mga to? -__- mang chichismis lang. Tss

Tulad ng inaasahan ko, nang makalabas kami ay hindi na nagsayang ng panahon si Ales at sinabi na agad nya ang gusto niya..

...

"ANO!? Bigyan ng konsiderasyon si Zach kasi may sakit nga siya?! Paano naman ako? Ako ang kapatid mo, hindi mo ba ako bibigyan ng konsiderasyon!?"

Sinabi niya na sabihin ko kay Zach na, OO ako ang girlfriend niya, para hindi sumakit ang ulo niya.. Dahil may tendency daw na kapag sinabi kong hindi, ay baka mag wala daw ito..

"Hindi ko gusto to. Maniwala kayo. Pero sige, para kay Zachary! Pero ipangako nyong isasali nyo na ako sa plano nyo!"

Nagulat silang lahat.

"A-anong sinasabi mo Lessia?" Tanong ni Kuya Alex..

"Alam ko na may pinaplano kayo ngunit hindi ko alam kung ano. Kung sino man ang pinag paplanuhan nyo. Pero may idea ako na para kay Zach yan. Alam ko ring nag aalala kayo sakin dahil noong last time, na iginanti natin ang pagkamatay ni Shellace ay napuruhan ako. Pero pinapangako ko rin, na hindi na ako masasaktan ngayon. Pangako."

"H-hindi pwede Lessia! Tama na yung minsan ka lang masaktan. Wag kang mapilit! Kahit kambal tayo, kahit mas nauna kang lumabas kaysa sa akin, ako pa rin ang masusunod! Ako ang lalaki, kaya mas malakas ako sayo."

"Oh?! At sa tingin mo ba? Sa tingin nyo ba? Hindi ako nasasaktan dahil pinagtataguan nyo ako? Tapos ito naman, pinipilit nyo ako sa maling bagay!? Hindi ba ako nasasaktan?!"

Hindi sila nagsalita, magsasalita sana ulit ako ngunit naunahan ako ni Jailee.

"So? Kaya pala bigla kayong nawala lahat at naiwan kaming tatlong babae dahil may pinagpaplanuhan nanaman kayo? Ha? Alessandro!? Anong plano nanaman to? Dahil ba kami ang pinakabata at kami ang babae, ay iiwan nanaman kami?! At dahil mapipilit kayo ni Lessia, isasama nyo na sya. At kami ni Shamara ay maiiwan nanaman at parang tangang susunod sa mga laban na pupuntahan nyo. Magtatawag ng pulis pag nararamdaman namin na may mapapahamak at dehado na kayo!? Ganon ba yun? Ganon ba kami kahina sa tingin nyo?!"

"B-baby... Hindi naman sa ganon. Kaligtasan nyo lang naman ang iniisip namin. At limang buwan pa lang matapos ang pagkamatay ni Shellace.. Baka isa naman sa inyo ni Shamara ang mapahamak."

"Hindi! Hindi e! Kaya namin ang sarili namin. Kasi kaya din namin makipagbasag ulo! Ito nanaman kami na walang pakinabang sa barkada na to? Ayun nanaman ang tingin namin sa sarili namin!? Hindi! Kailangan makipagkooperasyon din kami. Kailangan! Kailangan!!!!"

Namuo ang tensyon nang sumagot pa ang iba kay Jailee. Hindi ko inaasahan na sumusunod pala sila, at sila ang nagsusumbong sa mga pulis pag napaparambol kami.. Tsk

"Okay! Tigil na. Tumahimik na kayo. Isasama namin kayo. Pagpaplanuhan natin yan! Sa ngayon, puntahan na muna natin si Zach. Bukas pag tapos ng mga klase nyo, dumirecho kayo sa tambayan, pag uusapan natin yan." Si Bianca, siya ang pinakamalakas sa lahat ng babae..

Tumungo at tumango na lamang sila Shamara at Jailee dahil bakas sa boses ni Bianca ang galit at ma awtoridad ito.. Isa isa na kaming pumasok at nag lakad. Nabigla naman ako nang tumabi sa paglalakad ko si Eija..

"Are you okay?"

Nag angat ako ng tingin at nakita ko si Eija. Pinakita ko talaga sa kanya na salubong ang kilay ko kaya halatang halata naman sigurado. Hindi ko siya pinansin at iniwan ko siya.. Nauna ako naglakad at sumabay kila Jailee at Shamara. Tinignan ako ng masama ni Jailee kaya di din ako nagpatinag..

"Talagang sasabay ka pa samin eh no?" Jailee

"Shut up Jai! Tss. Hmm Lessia, are you sure you're okay with that idea?"

"Not really."

Hindi ko na sila kinausap at nagmadali papunta sa room ni Zach. Huminga muna ako ng malalim bago buksan ang pinto.. Ngunit nagulat ako nang pihitin ito no Eija. Pshh epal talaga..

Pumasok na lang ako agad at kitang kita ko ang magandang ngiti ni Zach.. Gwapo sya, oo. Pero hindi siya yung tipo ko.

Lord, patawarin mo ako sa gagawin kong pagpapanggap. Para kay Zachary to..

Yan ang tanging nasa isipan ko..

"Kamusta na ang lagay mo?" Tanong ko sa kanya.

"Okay naman ako.. Lalo na ngayon, nakota kita ulit.  Hehehe!" Nakangiting sabi niya.

"Hmmm." Tatango tango kong sagot

"San ka nanggaling? Bakit ang tagal mo naman?" Parang naging iritado naman na tanong niya.

"Dyan lang sa labas. Kinausap ang doctor mo."

"Ahh! Sino pala sila?" Turo niya sa mga kaobigan namin. "Kaibigan ko ba sila?"

Tinignan ko naman ang barkada. Nakatingin ang iba sa amin pero ang mga kapatid ko ay kasama si tita Zen. Alam kong kinakausap na ng mga kapatid ko ang magulang ni Zach tungkol sa napagdesisyunan namin..

Sana Zach, gumaling ka agad.. Para hindi na ganito. Mahirap magpanggap. Pero para sayo to, sana naman maintindihan mo...

[A/N: HAHAHA feeling ko fail tong Update na to. Tsss. Pero may 10 reads naman na, sana ilagay nyo sa library nyo. Thankyouuuuuu!]

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 04, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Until You Are Mine AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon