CHAPTER 2

162 5 1
                                    

"Ok Class.. Good Morning."

"Good Morning Ma'am." sabay sabay naming bati.

"Ako nga pla si Mrs. Velenueva. May listahan ako dito ng mga names nyo. Magtaas na lang kayo ng kamay pag tinawag ko kayo. Hindi nyo na kailangan pang magpakilala dito sa harap isa isa. College na kayo, ndi na kayo highschool. Nagkakaintindihan ba?"

"Yes Ma'am"

Isa-isang tinawag ang mga pangalan namin. At nang marinig ko ang pangalan ko ay tinaas ko naman ang kamay ko.

Accounting ang course na kinuha ko. Nakakalungkot nga dahil magkaiba kami ng course ni Zoey. Medicine naman ang kinuha niya . Pero buti na lang ay medyo parehas kami ng schedule, kaya okay na rin.

Dito nga pala kami sa Angel's Dream Academy nag-aaral. Medyo malaki rin tong school na to, may swimming pool pa nga. hahaha

"Hi."

Nagulat ako nang may mag Hi sa akin. Nakikinig kasi ako sa professor namin. Napalingon ako sa tabi ko. Nakita ko ang isang napakagandang babae. Parang isang anghel... sabagay dito ako sa Angel's Dream Academy nag-aaral kya may anghel. Natotomboy na ata ako. As in sobrang ganda niya talaga. Nag-Hi naman din ako sa kanya. Sinabi nya ang kanyang pangalan. Siya si Ruth Ann Samaniego...(pati pangalan ang ganda din <3) .Nagpakilala din ako sa kanya. Maya maya pa'y lumapit sa amin ang professor namin.

"What are you guys talking about?"

Bigla kaming nagtinginan ni Ruth.

"Nothing Ma'am. We apologize." sabi ni Ruth na nakangiti sa akin.

"Okay." medyo galit na sabi ni ma'am ..(ang taray nmn nya)

"Mamaya na lang." pabulong na sabi ni Ruth sa akin. Ngumiti namn ako sa kanya.

Nag ring na ang bell at time na para mag recess. Nagugutom na rin ako. Sumakit ang ulo ko sa first lesson namin. 

"Uy, sabay na tayong kumain." Pagyayaya ni Ruth.

"Sige."

Nakakatuwa dahil mababait naman ang mga kaklase ko. Mejo marami na ring akong kilala at unang una na don si Ruth. Sobrang Bait nya at thankful ako na meron na akong kaibigan kahit isa lang. Napakabait nya sa akin at napakaganda nya pa. Nasa cafeteria na kami ngayon at nakabili na rin kami ng makakain. Nagkwentuhan lang kami tungkol sa mga buhay namin.

"Ang ganda din dito sa school natin no?" sabi ni Ruth habang ngumunguya.

"Oo nga eh. Malaki rin siya tas ang ayos ayos at ang linis linis pa."

Maya maya ay may umupo sa tabi namin ng mga grupo ng mga lalaki.

"Hi mga miss."

Hindi namin sila pinansin. Pinagpatuloy lang namin ang mga kinakain namin.

"Ang susuplada namn nito. Halika na nga." sabi ng isang lalaki na kasama nila.

Nakita ko naman na tinarayan ni Ruth ang mga lalaking un. 

"Alam mo, mali ka sa sinabi mong maayos at malinis dito. Nagkalat kasi ang mga impakto at insekto."

Nagtawanan kami ni Ruth at ngumuya na ng kinakain namin.

Natapos ang klase at sobrang na stress na agad ako, first day pa lang. Pero keri lng. 

Nagpaalam na si Ruth at andito namn ako ngayon sa labas at hinihintay si Zoey. Sabay na kasi kaming uuwi.

"Uy, Friend! Na miss kita!"

Narinig ko na sabi ni Zoey habang papalapit sa akin at akmang yayakapin ako.

Fear of Falling In Love Again [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon