Chapter 10

85 2 0
                                    

"After all the transactions have been posted to their leger accounts and the balances for each of the accounts determined, a trial balance is prepared. A trial balance is a list of accounts with balances. It provides a check on how accurate the recordings and postings are. Kapag ito ay out of balance, there are guidelines na pwede mong gamitin."

"Okay."

Nandito kami sa library. Buti na lang ay maaga kaming pinauwi kaya mejo mahaba pa ang oras namin para mag-aral. Este para turuan ako ni Ranz. Ang galing nya talaga magturo. Kahit mahirap ung lesson ay naiintindihan ko pa din dahil sa pagtuturo niya.

"Thank you sa pagtuturo. Ang galing mo pala magturo eh. Sa totoo lng mas naiintindihan ko ung mga sinasabi mo kesa sa professor natin ." hindi ko alam kung bakit ko nasabi un.

Bigla siyang napatawa nang onti.

"Hmm.. Welcome." Sabay ngiti sakin "Alam mo.. hindi nmn tlga ito ung gusto ko eh."

?

"Anong hindi mo gusto?" pagtatanong ko.

"Itong course ko. Itong accounting."

Nagulat ako sa sinabi niya.

"Eh magaling ka nmn eh. Matataas naman ung mga grades mo diba?"

"Hindi ko alam. Pero hindi talaga ito ung gusto ko. Pagtuturo. Maging isang teacher ang gusto ko."

Kaya pala....

"Eh bat ito ung pinili mo?"

"Hindi ako ung pumili."

Hindi siya ung pumili?? 

"Ung parents ko." Nakita kong biglang lumungkot ang muka niya. 

"Eh bat hindi mo sinabi na ayaw mo nun.?"

Ngayon lang kami nakapag-usap ng ganito. Ung seryoso. Walang asaran, wlang kulitan, walang barahan.

Matagal siya bago nakasagot.

"Pag sinabi ni papa, sinabi niya. Ganun sa pamilya namin. Siya ang nasusunod sa lahat."

Ngumiti siya sa akin. "Tama na ang mga tanong. Hindi pa tayo tapos."

Hindi pa tapos?? Eh ang tagal na niya kong tinuruan ahh. Pwede bang bukas na lng? -_-

May inabot siya saking papel.

"Ano to?"

"Test"

"Test?"

"Hindi. Exam" -__- "Titingnan ko lang kung may natutunan ka sa mga tinuro ko."

"Ahh."

Tiningnan ko ung papel. Hmm.. parang ang dali nmn. Chos .

Sinasagutan ko na ung mga tanong na ibinigay niya. Minsan ay napapatingin ako sa kanya. Nagbabasa lng siya.

"Diyan ka magfocus sa test paper. Wag sakin." --Ranz

Tinaas ko lang ang kilay ko.

"Friend.!"   Napalingon ako sa likod ko.

"Zoey? .. akala ko kanina pa ang uwian niyo."

"Ahh.. oo . Pero may ginawa pa kasi kami." Umupo siya sa tabi ko. "Hi.. Ra--anz? Am i right?"

Ngumiti lang si Ranz.

"Anong ginagawa niyo? Nag ggroup study? Kayong dalawa lng?"

"HIndi. Tinuturuan niya ko. Diba ang tagal kong absent. Humahabol lang ako sa mga lessons."

Fear of Falling In Love Again [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon