Chapter 9

78 3 0
                                    

"Ranz...."

Lumingon siya sakin at lumapit.

"Yna... Sorry .. pero .. hindi talga ki.."

"Ok.. alam ko na. Sana maging masaya ka. Kayong dalawa.."

"Sorry talaga."

Umalis na ako at lumayo sa kanya. Habang tumatakbo ay nararamdaman ko na pumapatak ang mga luha ko. 

O_O 

Anung klaseng panaginip un?

Saka.. bat lumuluha ako?

Urgh!

Tumayo na ako sa pagkakahiga ko at pinunasan ang mga luha sa mga mata ko. Nagdiretso ako sa banyo at naghilamos.

*****************

"Oh anak bat parang namamaga yang mga mata mo?"

Napatigil ako sa pagsubo ng kinakain ko. Napansin pala ni mama.

"Ahh.. wala po. Pagkagising ko po kasi lumuluha na ko."

"Eh anu ba ung napanaginipan mo?"

"Hmm... di ko po maalala eh."  Kahit alam ko ay hindi ko pa din sinabi.

"Ahh.. sige . Oh bilisan mu na jan malalate ka na."

Niligpit ko na ang pinagkainan ko at dumiretso sa banyo para maligo.

**********************

"Yna."

Lumingon ako sa likod ko at nakita ko ang napakagandang anghel. Chos

"Oh Ruth. Morning"

"Morning din. Uy sorry pala ahh hindi ako nakapunta sa debut mo. Sayang. Bawal talaga ako tuwing Sunday eh."

"Ano ka ba. Okay lng un. Naiintindihan kita."  Ngumiti ako sa kanya.

"Sensya na tlga.. Eto pla oh."

May inabot siya saking maliit na box. 

"Nag-abala ka pa. Sige Thank you."

"Welcome =) .. Teka bat parang puyat na puyat ka? Saka parang namumula ung mga mata mo."

Haayy.. Bat ko pa kasi napanaginipan yun. Tanong tuloy sila ng tanong -_-

"Ahh.. wala . Napagod lang siguro kahapon."

Hindi na siya sumagot at pumasok na kami sa classroom.

Yung iba na hindi nakpunta sa birthday ko ay binati ako. Tumingin tingin ako sa paligid. Parang may hinahanp lang. At nakita ko si Ranz. Gusto ko sana siyang kausapin.. para mag thank you sa regalo niya. Pero busy ata siya. Nag-aaral. Teka... baka may exam kami!

"Test ba natin ngayon?" Tanong ko sa isa kong kaklase.

"Hmm.. hindi .. may quiz lang mamaya."

What? Oh My. Di pa ako nag-aaral. Ang hirap tlga pag absent -_-

"Ok Class Good Morning."

"Good Morning Ma'am."

"Oh.. Yna's here. Are you okay now?"

Nawala ako sa iniisip ko nang marinig ko ang pangalan ko.

"Ahh.. po?.. Ahh opo."

"Hmm.. okay .. I'm glad na nandito ka na. Sana nga ay okay ka na para makahbol ka rin sa last lessons natin."

"Opo ma'am"

Tumingin ako sa likod ko. At nakita ko si Ranz. Nakatingin sakin. UrgH! Bat pa kasi ako tumingin dun.

Fear of Falling In Love Again [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon