Chapter 22

27 2 2
                                    

(AFTER 4 WEEKS)

Tapos na ang napakaiksing vacation namin. Second Semmester na. Haaay kunting push pa at mag-eend na ang 1st year in college namin. 3 more years.. fight fight!

Bukas ay magkikita kita na ulit kaming lahat. Namiss ko din sila kahit papano. chos. Nakapagtataka lang dahil hindi ata nagpaparamdam sakin si Ruth. Kamusta na kaya yun? Malamang nag-aaral na kagad yun para sa second sem. Masipag yun eh. Ehh ako? tamad? Yeah. i'm a lazy girl. Syempwe siyempwe kelangan sulitin tong vacation noh. Para naman magka-energy ako sa pag-aaral. wehehe ^-^

At dahil nga tamad ako.... Hindi pa ako nag-aayos ng mga gamit ko. Bukas na lang. ^_^

Excited na kong makita ulit yung mga loko loko kong mga kaklase. Wait. Matawagan na nga si Ruth. Iistorbohin ko muna siya ;)

*calling Ruth*

. . . . . . . . . . .

Naku busy. Ayaw talaga magpaistorbo nento.

___________________________________________________________________

 *yawning*

HAAAAAYY nakakatamad bumangon. Hate na hate ko talaga ang Monday -__-

Bumangon na ako at ginawa ang morning ritual ko. And then sinimulan ko nang ayusin mga gamit ko. O_O Owwwww Wait A minute kapeng mainit. Teka Teka Teka. Bakit ayos natong mga gamit ko? Parang kagabi lang napanaginipan ko na nag-aayos ako tapos eto... nagkatotoo? Nice.

"Ehem ehem"   Nagulat ako ng slight nang biglang dumating si Mama.

"Po?"

"Nagtataka ka ba ?"

"Po?"

"Ako nag-ayos niyan."

"Po?"

"Hoy anak. Anong nangyari sayo at puro ganyan ang reaksyion mo?"

"Po?... Ay sorry po. Ah Eh. Kayo po nag-ayos?"

"OPO. Nakakahiya naman PO kasi sa inyo. Mamaya sa sobrang pagmamadali mo ay may makalimutan ka pa diyan."

"Ayy. thank you po ma"

"Oh shasha. Gumora ka na at baka malate ka pa."

Si Mama talaga. Hahaha. Nagpaalam na ako at nagkiss.

**********************************************************

As usual sabay ulit kami ni Zoey pumasok. Hindi ko siya namiss. Eh pano araw araw naman kaming nagkikita eh. Naiinis na nga ako eh. Dejk lang ^^

"Anong nafe-feel mo ngayon?"

Ang kulit talaga niya noh? Eto na naman siya. Magtatanong nang magtatanong. Haay buhay -_- wala na kong magagawa kundi sagutin ang walang kwenta niyang mga tanong.

"Hmmm. Anong nafe-feel ko ngayon? Naiinis."

"Ha? bakit naman?"

"Secret"

"Eto naman ang daming secrets. Bakit nga?"

"Eto naman ang daming tanong. tama na nga. Pwede?"

"Gusto ko lang naman malaman eh."

"Wag na. Masasaktan ka lang."

"Ay ganun? Osige."

May tama ata tong si Zoey eh. Bangag ata.

Pero ang totoo ko talagang nafe-feel ngayon ay... Hindi ko alam. Alam mo yung feeling na ganun? Hindi mo alam na feeling. Ewan ko ba.

"Oh bye na. See you later."   Nagpaalam na kami sa isa't isa. Papunta na ngayon ako sa classroom ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 21, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fear of Falling In Love Again [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon