Start

74 6 6
                                    


"Let us pray with confidence to the Father in the words our Savior gave us."

Dali-dali akong tumakbo papunta sa bestfriend ko. Buti nalang sa malapit sa entrance yung pinwestuhan niya at sa may bandang likod pa kundi pahiya talaga ako.

Maliit lang kasi yung church dito sa village nila Jai kaya kitang kita yung mga lumalabas at yung mga late, tulad ko.

Second to the last na 'tong simbang gabi. Nakatulog ako kaya late na ako pagkagising ko kanina. Dagdag mo pa yung jacket ko na ayaw magpakita! Kaya di na ako nag gulat na 'Our Father' na pagkadating ko.

Lord, okay lang naman diba? Pwede pa naman akong magwish bukas diba? Sorry po! Wala pa naman po akong nami-miss na simbang gabi eh! Exempted na po ba yung late ko ngayon? Pinapatawad niyo naman po ako diba? Huhu

"Our father who art in Heaven.."

Nakahinga ako ng maluwag nang marating ko ang lugar kung saan nakapwesto si Jaira. Agad niyang kinuha yung kamay ko at diniinan ng sobra.

"Aww!" Pabulong kong sigaw sakanya. Tinaasan niya ako ng isang kilay. Tinignan ko lang siya.

Bakit? Pasmado ba kamay ko? May dumi ba sa mukha ko?

Mas lalo niya itong diniinan at hindi ko naman napigilan na mapa "Aray!". Tinignan niya lang akong habang nakataas parin yung kilay niya.

Wait..

AAAAAHH Siguro tinatanong niya kung bakit ako nakastripes na red imbis na checkered black!

"Maya ko na kwento kung bakit ako nakastripes." Bulong ko sakanya. Kinunotan niya ako ng noo. Ha? Bakit? Hindi ba yun yung tanong niya?

Umiling nalang siya at binaling ang atensyon sa choir.

Nagulat ako nang may humawak sa kaliwa kong kamay. Wala akong katabi kanina kaya, who would that be?

Nilingon ko ito at laking gulat ko nang may isang matangkad na lalaki na may glasses ang humawak sa kamay ko.

Di ko mapigilang mapatitig sa mukha niya. Dark messy hair, dark demon eyes that sinks you in just like a black hole, dark fair skin, pink lips, thick eyebrows, and thin glasses that made him even more attractive. Napatingin ako sa ilong niya.

Okay na sana eh kundi lang sana siya pango! Pero okay lang, pango rin naman ako hihi

Nadiinan ko ng kaunti yung hawak ko sa kamay niya. Napatingin siya sakin. Nanlaki ang mga mata ko. Pinagpawisan at kinabahan ako sa hindi malamang dahilan.

Sheteee pinagpawisan kamay ko! Baka mandiri siya sakin! Halaa first impression niya sakin nasa panganib!

Pabalik balik ang tingin ko sa kamay naming magkahawak at sakanya na nakatitig sakin.

Anong nangyayari sakin?!

"Psst! Cath!"

Bakit ganyan siya makatingin sakin?!

"Cath!!"

Bakit ko ba kasi diniinan yung kamay niya??

"CATHREENA!" Natauhan ako ng kurotin ako ni Jaira sa tagiliran.

"Baba mo na kamay mo! Kanina pa tapos yung Ama namin!" Pabulong niyang sigaw sa akin. Kung malaki na yung mata ko kanina MAS malaki yung mata ko ngayon. Kulang nalang lumuwa ito sa gulat.

Dali-dali kong tinanggal ang pagkakahawak sa kamay niya at hindi na siya nilingon buong misa.

KAHIHIYAN LVL 666

All About Us (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon