Chapter 2: Zesto box

49 8 14
                                    

A/n:

Sorry for the wrong spellings and grammatical errors~ tehee

**

"Sayonara, class! Enjoy your day!" Lumabas na ng classroom si Sir Lorence kasabay nito ang sunod sunod na hikab, sigaw, at pagwawala ng mga classmates ko.

Woooh buti nalang talaga mabait si Sir Lorence! 15 mins. ahead from the official dismissal time na nga kami dinismiss, wala pang assignment!! Oh diba da best! Inshort, tinatamad siya magturo ngayong araw. HAHAHAHA saya.

Nililigpit ko na yung mga gamit ko nang bigla akong dambahan ni Jai.

"Uy!! Cath!!"

"Aray ha! Kaylangan talagang dambahan ako tsaka sumigaw? Magkatabi lang tayo oh! Tsaka ang bigat mo friend!" Reklamo ko sakanya.

"Oy di kaya ako mabigat! Sadyang malambot ka lang talaga! Tab--"

"Sige ituloy mo. Makakatikim ka sakin!" Inambahan ko siya ng hampas.

"Uy uy uy! Malambot kasi heart mo! You're so kind kaya hihi"

"You're so kind you're so kind ka dyan! Di kita pakopyahin sa drafting eh!" Sakin kasi lagi nangongopkya si Jai pag sa drafting since ayaw niya ng rulers, numbers, and such.

"Eto naman ang seryo-seryoso! Syempre mabait ka talaga! Maganda ka din! Tsaka hindi moko hahayaang bumagsak sa drafting diba?? Ahehe pakopya ha!" Sabay akbag sakin.

Inirapan ko lang siya at muling pinagpatuloy yung pagaayos ng gamit ko.

Tumayo ako at pumunta sa locker para ilagay dun yung mga books at ntbks ko. Naririnig ko yung tawa ni Jai sa tabi.

Abnormal amp.

Pustahan, may pinaplano nanamang malagim 'tong bruhang 'to.

"Ahehehahahahuahuahihi" nakatitig siya sa papel na hawak niya kanina pa. Pinaxerox kasi siya kanina ni Sir Lorence at pinatago na muna sakanya.

May plus points kaya siya? Activity para bukas? Reviewer para sa exam next next week?? O baka naman.. FORMAT NG EXAM??? O BAKA NAMAN YUNG ANSWER SHEETS?!??

Hala madugaaa!

Kukunin ko sana yung papel na hawak niya kaso nilingon niya ako at tinitigan ng masama.

What the hell. Ang creepy niya! Tatawa tas titingin sakin tas tatawa ulit tas ughh bala nga siya mabaliw.

"Arghh! Ano ba kasi yan???"

"Yiee curious siya!" Pang aasar ni Jai.

"Ano nga kasi?? Sumbong kita kay T. Imee! Sabihin ko cheating ka. Major offense pa naman yun tsk!!" Pananakot ko sakanya na hindi umubra.

"Si sir Lorence naman nagutos sakin eh! Tsaka kanina kinakausap kita ng maayos bago mo ko tarayan tas gaganyan ganyan ka ngayon? Aba dont me nga!" Pangangatwiran ni Jai sabay takip ng papel.

Eeeh! Ano ba kasi yung laman nun? Aish! Bala na nga.

Nilagay ko sa bag ko yung envelope ko para sa drafting then sinuot ko na yung bag ko at binuhat yung mga research papers na inassign sakin kahit hindi ko trabaho pero eym mebeit keye keri!

Member kasi ako ng Journalism Club. Photo Journalist ako actually and slight na Cartoonist since medyo passion ko rin ang pagd-drawing.

Tinapik ko si Jai kaya napatayo siya bigla. Nilalagay niya yung mga gamit niya sa bag niya habang sumusunod sakin. Tsk yan kasi tawa pa more.

Ilang hakbang nalang ako sa pintuan nang makarinig ako ng mga bola na gumagawa ng ingay sa hallway kasabay ng mga yapak at "eek!" ng mga sapatos.

O
M
G

All About Us (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon