Inayos ko yung buhok ko at bumaba na ako ng hagdanan. Nakita ko si Rhianne at babaeng-babae yung itsura niya. Bagay na bagay...saakin.
"Hi." Greeting niya saakin, that came with an elegant smile.
Kumaway ng mabagal yung kanang kamay ko at nakanganga ako ng 45 seconds. Napakaganda niya talaga ngayong gabi. Kung papaano nag-show off yung curves niya at yung texture ng legs niya. Yung make-up niya just right lang. Hindi mukhang mabigat.
Yung dress niya bagay na bagay sa kanya. Kapag hindi pa nakasuot sa kanya, sasabihin mo na mas bagay ito sa ibang tao. Pero kapag sinuot niya na, magsisisi ka sa sinabi mo.
"Helloooo? Nandito pa akech..?" sabi niya, waving her arms around my face.
Bango niya, in fairness.
Nag-snap na ako out of trance at napatawa nalang. "Okay ka lang?" tanong niya, habang umuupo kami sa sofa. Tumango ako ng medyo mabilis kaysa sa normal kong pagtango.
"Bakit hindi ka pa nakabihis?" tanong niya ulit, nagtataka na nagagalit. Parang ayoko kasi pumunta. Senyas ko, awkwardly paced. Parang patanong kamo.
"Hay nako. Tara. Ako pipili ng susuotin mo." Sabi niya saakin, hinahatak ako papuntang kwarto ko. Stalker. Alam na alam kung anong pinto.
Linabas niya lahat ng formal clothes ko na naka-hanger at linapag ito sa kama ko. "Hmmmm. Ito suotin mo." Sabi niya, habang tinuturo yung black polo ko. Tapos? Senyas ko. "Black pants, black shoes, white tie." respond niya, isang diretso.
Rhi, hindi ako ganun kaputi para magsuot ako ng majority of black. Senyas ko.
"Tsk. Basta! Lahat naman ng damit na suotin mo gwapo ka, kaya, GO!" sabi niya, habang pinatatalikod niya ako. Nakaupo siya sa kama ko, "nakapikit" daw.
After getting dressed (kasama na rin yung sapatos), "tinanggal" na ni Rhianne yung kamay niya sa mga mata niya at nakita ko na pulang-pula yung mukha niya.
"Looking good!" inexclaim niya. Kinindatan ko siya and snapped my fingers at her.
"Shall we go?" tanong niya, kinukuha yung purse niya. Yes, we shall. Ang reply ko sa kanya through sign language.
10:30PM. 1 and a half hour until 12AM.
Until I get to kiss her.
BINABASA MO ANG
verb ☺ a short love story
Romance(the second book of the Parts of Speech series) "Sa kalagayan nating dalawa, matindi dapat ang impact ng verb." "Bakit naman?" "Kasi actions speak louder than words."