"Ito na pangalawang kabanata ng kapeng itim. Baka may maisingit ulit na random shits ay random stuffs(sorry). Malas ka kung malas ka talaga, at swerte ka kung swerte ka talaga. Ano ibig kong sabihin dito? Simple lang. Una, di lahat ng paghihirap o di porket hirap ka, may magandang naghihintay sayo. Malas ka kung sarili mo nalang nakakaintindi sayo. Kadalasan, ang porsyento ng tagumpay mo ay 50-50, sugal ito. Iba binabase sa FAITH sa "Diyos", iba binabase sa ratio ng hirap nila meaning kung ano ang dinanas nilang hirap dapat palit din nito ay parehas na biyaya ng kabutihan. At kung tatanungin mo ako, dati akong nakabase sa "Diyos" pero kahit anong kabutihang gawin ko walang nagyayari malas pa rin ako kaya nagswitch ako sa "hirap:saya" at kahit paano umangat ang porsyento ko ng pagkamit ng kasiyahan(di ako mayaman, still a student). Pero kung ikaw, ano pipiliin mo? Sabihin mo nalang sa isip mo dahil di lahat tayo ay pareho ng pag-iisip. Pangalawa, swerte ka pag meron ka nito: Yaman, trabaho,kaibigan,pamilya. Bale pareho din gaya ng una, may Diyos at Wala. Kasi karamihan sa taong walang at merong "problema" ay dahil malakas ang kapit sa Diyos, at karamihan din ay malakas ang paniniwala sa kanilang kakayahan. At ang iba parehas ang pinaninindigan. Ako, ulit, ay nakabase sa kakayahan dahil wala na akong pananamplataya sa Diyos(pero di ako "Atheist" kasi I respect what you believe in and I don't plan to disturb it). So para sa akin, kung ano man maging bunga ng buhay mo sa hinaharap, mapait man ito o matamis, ay nakasalalay na sa iyong sariling pananaw at pamamaraan. Namulat man ako o hindi, may kabutihan pa rin ako dahil tao pa rin ako, may emosyon. FYI, This is all my personal experiences and opinions about dealing with life. Bear with it, again."
-From Czero

YOU ARE READING
Magenta
AcakDon't just look at the cover, discover its contents. Kaya di ka natututo eh. :D Joke.