Angel
"You have an advanced Ocular Melanoma, I'm sorry." Malungkot na sabi ng doctor. Napakunot yung noo ko. Hindi ko kasi naintindihan.
Ano daw? Advanced... Ocular Melamin?
"Po?" Tanging sagot ko. Anong sakit yun? Hindi naman siguro nakamamatay yun diba? Malayo sa bituka?
"Eye Cancer, Iha." Napahawak ako sa bibig ko.
"Malala na po ba?" Takot na tanong ko.
Dahan dahan siyang tumango kaya bumagsak yung balikat ko.
Oh my God. Mamamatay na ako?
"Kumakalat na ang cancer sa katawan mo, kung hindi maaagapan, tatamaan ang liver or lungs mo."
Napayuko ako.
"Pero wala po akong panggamot, Doc."
Atsaka hindi ba masasayang lang yun?
Paano kung gumastos ako ng malaki tapos mamamatay lang din ako sa huli?
Edi mas mabuti pang ibigay ko nalang sa pamilya ko ang pera ko, mas makakatulong pa ako.
Malungkot akong lumabas ng Clinic. 2 months nalang daw ang itatagal ko. Nakakaiyak, binigyan na ng taning ang buhay ko.
Hindi pa nga nagsisimula yung kwento ko, mamamatay na agad ako. Hindi ba sobra naman yun?
Sumakay lang ako ng jeep at bumaba sa tapat ng village namin. Hindi na ako sumakay ng tricycle, gusto ko munang mag isip.
Kaya naman pala nanlalabo ang mga mata ko. Akala ko simpleng panlalabo lang, sakit na pala. Cancer pa.
Paano kapag namatay ako? Paano na yung pangarap ko? Paano na yung pamilya ko? Paano ko sila mapapayaman kung magiging kaluluwa nalang ako?
BINABASA MO ANG
The Angel of Death has Fallen
FantasyAzrael is an angel of death who guide spirits to another life. He was sent to mortal world to look after Angel, a mortal who is terminally ill, until an accident changed everything. ©IzaBagamasbad