Prologue

538 10 0
                                    

Prologue
↭†↭


'John Mico Fuentes'


Nakita ko ang unti unting pagbura ng pangalan niya sa Book of Life and Death na nasa harapan ko.


Isa na namang mortal ang namatay.


Kinuha ko ang Book of Life and Death atsaka pumikit. Ramdam ko ang paglutang ng katawan ko mula sa lupang kinatatayuan ko.


At pagdilat ko, nasa ikatlong mundo na ako, sa mundo kung saan napupunta ang mga kaluluwa galing Golden Planet. Iyon ang lugar kung saan tinitingnan ang buhay ng tao sa lupa bago pagdesisyunan kung saan siya ihahatid.


Nakita ko ang isang lalaking nag iikot ng paningin niya sa paligid.


"John Mico." Tawag ko.


Bumalot ang takot sa kanyang mga mata nang makita niya ako.


"Sino ka?!" Sigaw niya sa akin.


Binigyan ko siya ng isang nakakakilabot na ngiti.


"Ako ang maghahatid sa iyo."


"Saan? Sa langit?"


Napatawa ako nang malakas.


"Hindi sa langit ang punta natin."


Dahan dahan akong naglakad palapit sa kanya suot ang ngiti sa aking labi.


Ang mga katulad niyang makasalanan ay hindi nararapat sa langit kundi sa impyerno.


Hinawakan ko siya sa braso at unti unting nagdilim ang paligid.


* * *


"May naihatid ka na naman sa impyerno?" Tanong ng aking kaibigan na si Abaddon. Nginitian ko siya.


"Oo, isang magnanakaw na pumapatay ng tao ang aking sinundo."


Nakakalungkot man, wala akong magagawa. Mas marami ang nagawa niyang masama kaysa sa nagawa niyang mabuti noong siya'y nabubuhay pa.


"Wag mong sabihing nanakot ka na naman ng isang makasalanang mortal?" Iiling iling na sabi niya.


"Hindi ko naman sila sinasaktan."


"Pasaway ka talaga, Azrael." Natatawang sabi niya sa akin.


Napatingin kami sa sahig nang may malaglag na dahon. Narito kami sa ilalim ng puno, ang punong may pangalan ng mga mortal sa bawat dahon. Ang Tree Life.


Kapag may tumubong dahon, ibig sabihin ay may bagong silang. Kapag naman ito ay nalaglag, senyales ito na malapit ng mamatay ang mortal na may pangalang nakasulat doon. 40 na araw nalang ang nalalabi para sa kanyang buhay.


"May bibisitahin ka na naman." Dinig kong sabi ni Abaddon. Napabuntong hininga ako.


Isang mortal na naman ang mawawalan ng buhay.


Pinulot ko ang dahon at binasa ang pangalan na nakasulat doon.


"Angel Maxine Fajardo."

-

NOTE: This story is a work of fiction and made by author's imagination. I repeat, imagination ko lang. Kung may kapareho man ang story na to, it was just a coincidence. I gathered information bago ko magawa ang story na to, so if ever na may mali sa names and some details, gawa gawa ko nalang yun. This is just a fiction, guys. Just enjoy reading. :)

The Angel of Death has FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon