Angel
"Sigurado kang hindi ka sasama?" Malungkot na sabi ni Mia habang naglilipstick. Tumingin ako sa salamin para ayusin yung glasses ko.
"Hindi na, may trabaho pa ako eh." Katwiran ko. Atsaka puro varsity at cheerleaders ang kasama niya, alam kong ma-o-op lang ako dun. Sino ba naman kasing makikipagclose sa isang nerd diba?
"Ay, sayang naman. Chance mo na sanang mapalapit kay Theo." Napangiti ako ng pilit.
"Kung paglalapitin talaga, hindi na kailangan ng chance."
"Ang KJ mo talaga ano? Kaya hindi ka nagkakaboyfriend eh." Pang aasar niya sakin, napalingon naman ako sa kanya.
"Ikaw ba? Kailan mo ipapakilala yung boyfriend mo?" Takang tanong ko.
"Busy kasi siya sa school, wala na nga rin siyang gaanong time sakin eh." Inakbayan ko siya.
"Kapag sinaktan ka nun, sumbong mo sakin ha?"
"Oo naman!"
Nagpaalam na sakin si Mia dahil nagtext na raw sa kanya yung mga kasama niya. Sinabi ko namang dadaan pa ako ng locker ko.
Kailangan ko kasing kunin yung uniform ko mamaya para sa trabaho. Sayang naman sa pamasahe kung uuwi pa ako diba?
"Oops, sorry." Dinig kong sabi ng lalaking nabangga ko. Yumuko ako para pulutin yung mga gamit kong nalaglag.
"T-thank you." Nagulat ako nang makita ko si Theo na nasa harapan ko. Tumayo naman ako ng ayos.
"Ikaw yung kaibigan ni Mia, diba?" Napalunok ako. Kilala niya ako?
"Ah, o-oo." Nahihiya kong sabi.
"May dinner kami, hindi ka sasama?" Huh? Niyayaya ba ako ni Theo na sumama sa kanila? Totoo ba to?
"Uhm, kasi.. May trabaho ako eh." Nakayukong sabi ko habang inaayos ang salamin ko.
"Nagpa-part time ka?"
BINABASA MO ANG
The Angel of Death has Fallen
FantasyAzrael is an angel of death who guide spirits to another life. He was sent to mortal world to look after Angel, a mortal who is terminally ill, until an accident changed everything. ©IzaBagamasbad