Chapter 4- lost

5 0 0
                                    

July 14, 2016

"Inno, anong pipiliin mong club?" Ang tanong ni yola habang naghahanda silang tatlo sa pagpasok sa unang asignatura nila. "Gusto kong kumuha ng mga litrato kaya sa photographers club ako."

"Sabi ko na eh. naku inno tiyak na masisiyahan sila dahil magkakaroon ang club ng magaling na photographer. Sasamahan ka namin sa club."

"Sigurado ba kayo? Kilala ko kayong dalawa ha. Sa loob ng five years nating pagsasama akala niyo ba Hindi ko alam ang mga hilig niyo? Ikaw Yola Doon ka na sa judo club at yoli sa gymnastic club ka." Nagkatinginan ang kambal.

"Pero..."

"Uh..uh... That is an order." Malumanay na usal ni Inno at ngumiti sa dalawa. Hindi na sila nakaangal dahil biglang tumunog na ang school bell na hudyat ng pagsisimula ng klase. Kaagad rin namang tumayo si Inno at lumabas ng kwarto.

"So?" Tiningnan ni yola ang kambal na nagkibit balikat na lamang at sinundan ang dalagang amo.

"Room 104" ang basa ni Inno sa mga numerong nakaukit sa pinto. "Nandito na pala tayo Tara na." Pag-aaya ni yoli Sabay pihit ng doorknob at binuksan ang pinto.

"Ayun Kay socrates..." Napatigil sa pagsasalita ang babaeng guro na nanlisik ang mga mata nang makita ang tatlong dilag.

"Patay. Late tayo" mahinang usal ni yoli.

"Your late."

Nabaling ang pansin ng lahat sa kanila habang si yoli naman ay hindi mapigilang busisiin ang guro. Sa tindig at kilos palang kasi nito ay Hindi makakailang strikto ang may katandaang guro na NASA harap nila.

"Go yo your seats now. Palalagpasin ko kayo this time. Sa susunod na mahuli kayo sa klase. You will be punished."

"Ye ma'am"

Pupunta na sana sa kanyang upuan si Inno nang Hindi inaasahang maaapakan niya ang isang bola sa sahig. Dahan dahang natumba.napapikit nalang siya at hinintay na tatama ang katawan sa sahig subalit isang main it na kamay ang biglang kumalong sa kanya. Iminulat niya ang kanyang mata. Making gulat nalang ng dalaga nang makita ang gwapong mukha ng kanilang school council president.

"Ooooohhh" reaksyon ng mga estudyante nang makitang napahiga sa mga bisig ni grey si inno na bahagyang natulala sa binata. Ngumiti si grey. Namula ang mga pisngi ni inno. Napatayo siya nang mapagtanto ang sitwasyon. "Are you okay?"

Tumango si inno. "Sa-salamat" nakayukong sambit nito at dali-daling pumunta sa upuan."

"Ayos ka lang?" Tanong ni yola sa kaibigan. Tumango ulit si inno.

"   Mr. Grey anong. Maipaglilingkod ko sa iyo"

" good morning ma'am. Maaari po ba kayong makausap sa labas?" Tumakaw ng tingin si inno sa binata na inilihis agad ang mata sa kabila nang makitang sandaling tumitig sa kanya ang binata naglakad palabas ng claasroom. Nang lumabas ang guro at si grey ay nagsimula nang Mag-ingay ang klase. Nilapitan naman ng kambal si inno.

"Inno... Oh my gosh! Hindi ko yun inaaasahan! Akalain mo yun sinalo ka nang napakagwapong si grey!"

"Alam mo yoli ang over mo."

"Kambal ang kj mo. Kinikilig ako dito eh."

"So ano ang feeling?"

Ano ang feeling ng NASA bisig ng heartthrob at model student ng school? Siyempre kinilig ako. Ang pula pula ko nga nun. Sa gabi naman hindi ako makatulog sa kakaisip sa kanya. Yung ngiti niya kasi parang... Parang...kakaiba. Young mga titig niya ang Parang pianpana ako ng kilig. Kasabwat niya at a si kupido. Hanggang ngayon nga Hindi ko parin siya maalis sa aking isipan. Tun ang unang pagkakataoon na nakalapit ako sa kanya. Hay makakausap ko kaya siya ulit? Sana.

Hindi mapigilang mapangiti ni grey habang binabasa ang diary. Maski siya kasi nabighani sa ganda ng dlaga nang una silang magkakilala. Hindi niya tun makakalimutan.

Nakaramdam siya ng lungkot. Nagising na si inno. Hindi, nabuhay siyang muli mula sa kamatayan nang dahil sa siyensiya. Ngunit hindi niya magawang pumunta sa kinaroroonan ng dalaga. Natatakot siya sa kahihinatnan ng lahat. Alam niyang ginagawa ni Cleo ang lahat para Kay inno ngunit para sa kanya wala na siya.  Matagal niya nang tanggap na ang babaeng minsan niyang minahal at...

nasaktan

ay hindi na maibababalik pa.

Mabilis niyang itinago ang diary nang biglang bumukas ang pinto. "Grey" lakking gulat niya nang makita ang duguang si Cleo. Nakaranig rin siya ng pagsabog. Mabilis niyang sinalo si Cleo nang matumba ito.

"Anong nangyari?"

"Si Inno..." Hinihingal ba sambit nito.

"Cleo!" Nahimatay siya. Kinuha niya ang kamay ni Cleo at pinakiramdamn ang pulso. Napahinga siya ng maluwag nang maramdamang buhay pa ito.

May mga yabag na papalapit sa kinaroroonan nila. Dahan-dahan niyang inhiga ang kaibigan. Sa likod ng manipis na pinto ay may anino ng isang babae. Dahan dahan niya itong binuksan.

Napatulala siya. Hindi makapaniwala sa nakikita parang napako siya sa kanyang kinatatayuan. Mahaba ang kanyang buhok. Balingkinitan ang katawan. May maputing kutis. Si inno ay nasa harap niya at pinatutukan siya ng baril.  Hindi siya makapaniwala. Sa kabila ng pangkalahatang pisikal na anyo nito ay nangibabaw ang malalamig na mga mata ni Inno na ikinatakot ni Grey.

"Umalis ka sa dinaraanan ko."

"I-- inno. Ako to. Si Grey..."

"Alis!" Napadaing sa sakit si grey nang tumama ang kanyang likod sa pader. Sa lamas ng pagkakahagis sa kanya halos mabali ang kanyang boto. Sinubukan niya lasing agawin ang baril subalit nakakagulat ang pinakitang lamas ni Inno. Hindi makapaniwala ng tiningnan niya ang dalaga na kasalukuyang pinagbabaril ang main door ng building. Nang mabuksan ay lumabas ng pinto ang dalaga at mabilis na tumakbo paalis.

"Inno" mahinang sambit niya bago mawalan ng Malay.












Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 17, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

InnocentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon