Chapter 3- With him

2 1 0
                                    

     Hinihingal na binuksan ni Inno ang kanyang kwaderno. Hindi niya inaasahang matatakasan niya ang kambal kahit na nakabantay sarado sila sa kanya. Inilibot niya ang kanyang paningin. Nasa isang Garden siya na na naiilawan ng mga lanterns. Madilim na rin kasi at kakaunti nalang ang mga estudyante sa labas kaya bigla siyang nakaramdam ng kaba.

   Napalingon siya sa kanang bahagi nang may biglang kumaluskus. Wala siya nakita ngunit napaatras siya nang mula sa isang puno may dumaang anino ng isang tao.

“Si..si..no ka? MUlto? Naligaw ka ba?” KInakabahang tanong niya habang nakatingin sa madilim na bahagi ng puno.

“Innocent…” Napapitlag siya’t napaupo ng makita ang kanyang mukha. Hindi siya makapaniwala sa nakikita niya.

“Ate…Ate Elizabeth buhay ka?” Mangiyakngiyak na sabi niya. Tumayo siya’t sinubukang lapitan siya ngunit napaatras si Elizabeth.

“Huwag mo akong lapitan. I don’t know kung ano ang ginagawa mo rito pero umalis ka na dito. GET OUT OF HERE!” Nagulat siya sa inasta ni Elizabeth. May galit na nakaguhit sa kanyang mga mata ngunit ang nakapagtataka sa kanya ay kung paanong nabuhay siya sa sunog. BIglaang tumakbo siya palayo. SInubukan siyang habulin ni Inno subalit nawala na siya sa loob kagubatan. Napatulala siya sa kalangitan at pinahid ang kanyang mga luha. Naaalala niya parin ang nangyaring sunog tatlong taon na ang nakakaraan sa kanilang bahay. Akala niya wala na siya. Akala niya wala na ang kapatid niya ngunit mukhang nagkamali siya.

Hindi niya napansin na nasa gitna na pala siya ng kagubatan. Mukhang nakalimutan niya rin kung saan siya dumaan. Sinubukan niyang isipin ulit kung saan siya nanggaling kanina ngunit dahil sa dami ng puno mukhang naligaw siya.

“Naku ano ang gagawin ko?”

Sa ikalawang pagkakataon napaatras siya ulit ng may kumaluskus na naman. Maya-maya lang lumabas mula rito ang hinihingal na si Cleo.

“Innocent!?”

“Cleo?”

Magkasabay na sabi nila ng makita ang isa’t isa. Pawis na pawis si Cleo at parang pagod na pagod dahil sa kakatakbo. NIlapitan niya si Inno at hinawakan sa balikat.

“Anong ginagawa mo dito?” Nag-aalalang tanong niya habang nakaalerto parin

“Ha… eh naligaw kasi ako.”

 

“HANAPIN NIYO SIYA! Wag niyong patatakasin ang lalakeng yun!”

 

“Shit! Sundan mo ako. We need to get out of here.”  Mabilis na hinawakan ng binata ang kaliwang kamay ni Inno. Nagsimula na silang tumakbo ng napakabilis. Halos madapa na si Inno ngunit sa tingin niya hindi ito ang tamang oras para magreklamo. Hindi niya alam kung anong nangyayari. Hindi niya alam kung bakit sila tumatakbo o kung sino-sino ang tinatakbuhan nila ngunit isa lang ang alam niya. Hawak hawak ng isang lalake ang kanyang mga kamay. Sa unang pagkakataon pakiramdam niya nakaholding hands na siya.

Saglit na tumigil si Cleo nang makarating sila sa napakataas na fence ng paaralan. Alam niyang walang dapat na madamay sa gulo niya ngunit hindi niya hahayaang maiwan doon si Inno na nag-iisa lalong-lalo na’t nakapalibot doon ang mga humahabol sa kanya.

“Do you trust me?”  Tanong ni Cleo sa dalaga habang nakatingin parin sa fence. Nagtatakang ibinaling ni Inno ang kanyang tingin kay Cleo.

Trust him? I don’t know if I can trust you. Ngunit sa lagay natin for now pagkakatiwalaan kita.

 

“Yes”  Sagot ni Inno na nakapagpangiti kay Cleo. Walang pasabi-sabing hinila niya si Inno na nanlaki ang mga mata dahil mabubungo na sila sa pader ngunit diretso lang si Cleo. Sa pag-aakalang mababanga sila ipinikit niya ang kanyang mga mata ngunit nakaramdam siya ng biglang paglamig.

InnocentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon