PRETENSIONS
Meg’s POV
Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa ng palda ko. 7:27 am na. 3 minutes nalang, bell na. Nagtype ako sa cellphone ko.
To: Bhext
| May balak ka ba talagang balikan ako dito sa room? Oras na oh? |
Nakakainis lang. Bumaba kanina ang bestfriend ko para samahan yung bwisit na panira ng friendship namin na si Cherry Jane Andrada. Sinabihan kasi ng mama ni Cherry ang bestfriend ko na sana, samahan niya ito lagi.
Nagvibrate naman ang phone ko.
From: Bhext
| Teka lang. Paakyat na po. |
Ibinulsa ko na ang cellphone ko.
Ako si Meg Meneses, short for Megan Andrea Kelly Meneses. Haba ano? Ewan ko ba sa parents ko.
Mandy Viell Bern naman ang name ng bestfriend ko.
Speaking of the angel who accompanied a devious monster, heto at papalapit na sya sakin. Pagtingin ko naman sa harap, ayun at nakaupo na yung monster.
“Alam mo, minsan iniisip ko kung tayo pa ba talaga yung magbestfriend.” Sabi ko kay Mandy. Nakakapagtampo kasi. Lagi silang magkasama.
Binatukan ako ng bruha. “Sira! Eh alam mo naman sitwasyon nya di ba?”
“Whatever Bhext!” naiiritang sabi ko.
**
“Hi Andrea!” nakangiting bati ni Kurt.
May itsura naman tong si Kurt eh. Pero hindi ko siya type. Actually, wala pa akong crush dito sa campus. Wala lang. Hehe.
“Oh bakit nanaman?!” iritang tanong ko sakanya.
“Masamang bumati? Psh.” Ganti niya. Aba lokong to ah.
Paanong di ako maiirita eh lagi siyang nagpapacute sakin. Buti sana kung crush ko siya eh. Why not di ba? Pero hindi eh. At isa pa, ANDREA ang tawag niya sakin. Eh mas prefer ko ang Meg or Megan.
Bigla siyang umalis sa harap ko at napalitan ng isang babaeng malawak ang ngiti, si Mandy.
“Ngini-ngiti mo dyan?” ako.
“Crush ka non no?” Mandy.
“Baliw! Hindi no. Nakatrip lang yun.” Ako.
“Crush mo?” tanong niya at mas lumawak pa ang ngiti niya.
Ako? Crush yung si Kurt? Eh sabi ko nga hindi ko type di ba? At wala pa akong crush dito sa campus.
“Hindi no!” depensa ko.
Ngumisi lang si Mandy at naupo na sa upuan. Kanina kasi nakaupo kami sa table. Hehe. Wag tutularan guys.
May bigla akong naisip. Gagawa ako ng plano para matigil itong si Kurt sa pagpapacute niya sakin.
Tinawag ko si Jas at pinaupo sa tabi ko. Nanonood kami ng movie sa room. May computer kasi dito na intended for reporting purposes at film viewing. Yung monitor is TV kaya malaki ang screen. Kapag film viewing lang ang ginagawa, pumepwesto ako sa pinakalikod, pinakadulo at pinakasulok na pwesto ng room. Sinabi ko na kay Jas ang plano ko.
“Jas, favor? Tulungan mo ako para tigilan na ako ni Kurt.” Bungad ko sakanya.
“Ha? Oh anong gusto mong gawin?” tanong niya.
BINABASA MO ANG
The Magic of Love
Teen FictionA story how a girl fell in love, fell out of love and found her way back into love.♥