MALLING & ARCADE
Meg’s POV
Napagkasunduan naming lahat na sa entrance nalang ng mall magkita-kita. 10:30am ang usapan kaya 10am palang pumunta na ako doon. Naka maong shorts ako ako loose sando na medyo mahaba na may print na batman logo. Nagsuot ng bling na bracelet, at saka ako nagponytail. Simple pero maganda! ^__^
Nakita ko namang nandun na sina Vince, Eric at Jas.
Nagtext naman ako sa girls.
To: Bhext; Mona; Deana
| Girls, where you at na? bawal late ha? Dito na ako. As usual, always ahead of time. Waiting for ya. With Jas, Eric & Vince. Take care. XOXO |
“Huy Meg! Madapa ka diyan kakatext!” sinigawan ako ni Vince. Buti nalang di ako masyadong nagulat at prepared ako.
“Baliw kang tunay Vicente!” pang-aasar ko sakanya.
“Ganda ng porma ah? Hindi ka mukhang nerd!” binatukan ko si Vince.
“Hindi ako nerd! Unggoy ka!” sabi ko sakanya.
“Text pa kasi ng text eh nandito naman si Ja—” pinutol ni Jasper ang sasabihin sana ni Eric.
“Oh Meg! Aga mo? Haha” pagbati sakin ni Jas.
“Epal ka naman Jasperico? May sinasabi si Eric eh.” Bumaling ako ng tingin kay Eric. “Ano yun, Eric?”
“Ah wala. Bumabawi lang ako sa kasalanan sakin ni Jas kahapon.” At ngumiti siya sakin.
“Ah, okay.” Naalala ko bigla yung reaction niya kahapon nung linoko siya ni Jas. “Eric! May gusto ka ba kay Mona?”
Namula siya bigla. “H-ha? A-ano?” hindi siya mapakali sa sinabi ko. Hahaha.
“Tulungan kita gusto mo? ^__^” alok ko sakanya.
“Tutulong ka sa lovelife ng iba, eh ikaw nga walang lovelife? Hahahaha” pang-aasar na sabi sakin ng bwisit na Jas na to.
Eh kung linigawan mo lang sana ako, edi may lovelife na ako ngayon! Hmp!
“Pake mo?” at inirapan ko siya.
“Talaga Meg? T-tutulungan mo ako kay Mona?” at kumislap ang mga mata ni Eric.
“Oo naman. Alam ko namang walang kwenta yang mga kaibigan mo at di ka tutulungan eh.” Sabi ko sakanya.
“Osige! Salamat Meg!” hinawakan niya ang kamay ko na bigla namang pinalo ni Jas.
“Hoy Jasper Cyrus Jingco, ano bang problema mo ha? May period ka ba ngayon?” pang-iinis ko sakanya.
“Sira ka talaga! Wala no! Lalaki ako, hindi Babae! Psh!” inis na saad niya.
“Joke lang naman! Hahaha. ^___^V Smile ka na.” paglalambing ko sakanya.
“Mukha mo! Hindi na kita ililibre!” Aba! Walanjong to! Hindi pwede yan.
“Kfine.” Pagtatampo ko. Hindi naman ako matitiis ng unggoy na to eh.
“Talaga!” Hala? O.O Galit talaga?
“Uy, Sorry medyo natagalan kami.” Sabi ni Deana.
“Eto kasing si Deana, ang tagal magbihis eh.” Sabi naman ni JM.

BINABASA MO ANG
The Magic of Love
Teen FictionA story how a girl fell in love, fell out of love and found her way back into love.♥