HALLOWEEN PARTY
Meg's POV
Four months have passed mula nung ikasal sina Mandy at Troy.
Troy is still the jerk I knew. Lol! Eh di mapigilang lumingon sa ibang chix eh. Haha.
Pero, hanggang lingon lang naman siya. Eh susunod at susunod siya kay Mandy syempre, kung ayaw niyang matanggalan ng tenga. Hahaha. Palagi kasi siyang pinipingot ni Mandy.
Well, lalo na siyang hindi makalingon sa ibang mga babae ngayon kasi, 2 months pregnant na si Bhext.
Ang saya lang! Kasi magkakaroon na ng baby ang grupo. Haha. Sana kambal tapos babae't lalaki.
End of October na at naisipan naming maghalloween party. May nakita daw na venue si Jasper at dun namin gagawin ang party. Kasama din namin sina Drew at Chai.
Kasalukuyan akong nasa harap ng salamin ngayon at nagpapaganda ng tumunog ang phone ko.
*tiit*
Fr: KingJas
| Babe, I can't pick you up right now. I'm sorry. See you there. I love you. :* |
What the?
To: KingJas
| I hate you babe. Bigtime! I love you your face! |
Paano ba namang hindi ako maiinis? Eh pinauna ko na sina Drew at Chai sa venue kasi akala ko susunduin niya ako. Tss. I hate you Jasper Cyrus Jingco!
Nagreply naman ito.
Fr: KingJas
| Babe naman. :( I'll just send you a cab. Wait for it ok? |
To: KingJas
| Whatever. K. |
Nakakabadtrip lang.
After waiting for 10 long minutes, dumating na rin ang taxi na pinadala ni Jas.
"Kayo po ba si Miss Megan Meneses?" Tanong sakin nung driver pagbaba niya ng taxi.
"Opo." Tipid kong sagot.
"Ah, mam. Sakay na ho kayo." At pinagbuksan niya pa ako ng pinto.
Yung totoo? May taxi driver ba talagang ganito?
Sumakay nalang ako.
Pinaandar na ni manong ang taxi. After 30 minutes, itinigil na niya ang taxi sa tapat ng isang bahay sa loob ng isang subdivision.
Bakit parang familiar tong bahay na to?
I have never been in this subdivision pero familiar ang bahay.
Two-storey house, painted pink outside, door at the right side facing the garage.
Teka nga?
Parang ito yung simple dream house ko ah?
"Oh my gosh!" Biglang nasambit ko at napatakip nalang ng bibig.
Umalis na si manong taxi driver. Mag-isa nalang ako ngayon.
Nakita ko namang nakapark ang mga kotse ng barkada at ang kotse ng walanghiya kong boyfriend na nandito na pala.
Nakapark na rin ang kotse ni Drew sa gilid.
Lumapit na ako sa door, tutal, bukas na rin naman yung mini gate.
Nagdoorbell ako pero walang sumagot.
Pinihit ko ang door knob at binuksan ang pinto. Walang ilaw. Kinapa ko ang switch sa pader. Pinindot ko ito at...
"AAAAAAAAHHHHHHH!!" Oh my gosh oh my gosh!!! May nakatayong manequin na zombie sa harapan ko.
Dim light. Tinakpan nila ng red cellophane ang mga ilaw.
Taeness!! Ang creepy!
"Guys, nasan kayo?" Sabi ko tapos parang may naramdaman akong dumaan sa likod ko at biglang sumara ang pinto.
"AAAAAAAAHHHHHH! F*CK F*CK F*CK!!! GUYYYYS! GET OUT NOW! IT'S NOT F*CKING FUNNY!!"
Patuloy lang akong naglalakad. Following the glow-in-the-dark arrows sticked on the floor.
Biglang may humawak sa paa ko kaya napaiyak na ako.
"WAAAAAAAAAHHHHH!! AYOKO NAAAAAAAAAA!!" Napatakbo na ako.
Then I remembered something. About a horror house incident nung highschool kami.
Nung may humawak sa paa ko, kay Jasper ako kumapit and he secured me.
Waaah!! Babe, di nako galit. Magpakita ka lang sakin dahil takot na takot nako!
I saw the back door kaya lumabas na ako doon.
Paglabas ko...
"From the moment I saw you
From the moment I looked into your eyes
There was something about you
I knew, I knew."
Napatakip ako ng bibig ko.
The great Jasper Cyrus Jingco was singing. Nasa likod naman niya ang barkada na kilig na kilig. Pati sina Drew at Chai.
May mga rose petals na rin sa floor.
Hindi ko alam pero bigla nalang akong naiyak.
"Cause I've seen rainbows that could take your breath away
The beauty of the setting sun on any given day
And when it comes to shooting stars, I have seen a few
But I've never seen anything as beautiful as you."
Lumapit ito sakin. Background music parin ang instrumentals ng Beautiful As You.
"Nagsimula tayo sa horror house, babe." Napatango nalang ako. Hinawakan naman niya ang kamay ko.
"Alam ko, babe, takot na takot ka kanina. Haha. Sorry." Hinampas ko naman ito sa braso.
"Sira ka!" Sabi ko.
"Pero ito ang tatandaan mo, babe. Hinding-hindi na kita iiwan sa mga oras na kailangan mo ako. Palagi lang akong sa tabi mo. Aalis lang ako kapag pinagtulakan mo na ako paalis. Hinding-hindi kita sasaktan kailanman. Hinding-hindi kita ipagpapalit. Hin-..."
"Wait. Lahat naman yan mga HINDI mo gagawin eh. Sabihin mo naman yung mga gagawin mo." Sabi ko. Natawa naman silang lahat. Napakamot nalang si Jas sa batok niya.
"Oo nga naman 'tol." Sabat ni Troy.
"Okay, okay. Babe, mamahalin kita ng buong-buo buong buhay ko. Ibibigay ko sayo lahat ng kailangan at gusto mo. Itong bahay na to, sa atin to." Lalu akong naiyak sa sinabi niyang iyon. Pinunasan naman niya ang mga luha ko. May kinuha siya sa bulsa niya.
"I promise to love you forever." Lumuhod siya at, "Please, Meg. Will you be my Mrs. Jasper Cyrus Jingco?" Sabay pakita ng singsing sa akin.
Naiyak na ako ng sobra.
Bahagya akong napatango sakanya.
Sinuot niya sakin ang singsing. Tumayo siya at hinalikan ako.
"I love you Jasper. And yes, I am more than willing to be your Mrs. Jingco." Hinalikan ko siyang muli at yinakap ng mahigpit.
Nagpalakpakan naman ang lahat.
"Congrats!" Bati naman nilang lahat sa amin.
Pumasok na kaming lahat sa bahay namin ni Jasper at kumain.
Ang sarap lang sabihin. Bahay namin.
Soon, I will officially be his wife!
Nasira man kami noon at naghiwalay, heto kami ngayon at bubuuing muli ang isa't-isa. Hindi lang iyon, bubuo na rin ng sariling pamilya. How magical this love is. It will make you feel complete, it will break you into tiny pieces and after all the hardships, it will reward you with much joy, happiness and completeness. That's the magic of love.
**
BINABASA MO ANG
The Magic of Love
Teen FictionA story how a girl fell in love, fell out of love and found her way back into love.♥