WHAT SHE WANTS, SHE GETS...
Meg's POV
Today is December 27. It's my King's birthday. Our king.
Alas-sais palang ay gumising na ako. Pagod sa trabaho si Jas kaya hindi na niya napansing wala ako sa tabi niya.
Apat na taon narin kaming kasal.
Busy ako sa pagbe-bake ng cake ni Jas nang may humila sa apron ko.
"Wait lang baby." Sabi ko habang linalagyan ng icing ang cake.
"What do you want to put sa cake ni daddy?" Tanong ko sa bulilit na kanina pa hila ng hila sa apron ko at excited na para isurpresa ang ama.
"Put, we love you Daddy King. From Mommy Queen and Baby Princess." Sabi ng makulit at bibo naming anak na si Cyril. She is now 3 years old.
"Okay, wait lang baby ha?" And I kissed her cheek.
After I finished the cake and put one candle, tumakbo na si Cyril papunta sa kwarto namin ni Jas.
"Baby, don't run! And don't be maingay. Daddy will wake up na nyan, sige ka."
She giggled. "Hihi. Sorry mommy!"
Awwww. So cute and adorable!
Binuksan ni Cyril ng dahan-dahan ang pinto at nagtiptoe papunta sa gilid ng kama kung nasaan si Jas. Sinindihan ko naman ang kandila. Lumapit narin ako sa gilid ng kama.
I whispered, "1... 2... 3..."
"HAPPY BIRTHDAY DADDY!" We both shouted.
Napagising naman ng wala sa oras si Jas at nanlaki ang mata. Haha!
"Happy birthday daddy. Happy birthday daddy. Happy birthday, happy birthday, happy birthday daddy!!" Pagkanta ni Cyril habang tumatalon-talon sa kama sa gilid ni Jas.
Bigla namang na-out balance si Cyril.
"Baby!" Napasigaw ako at inilapag ang cake sa side table.
Muntik na kasing malaglag sa kama si Cyril dahil paatras siya ng paatras. Buti nalang nahila siya ni Jas.
"Careful, princess." Sabi naman ni Jas.
Again, she giggled. "Hihi. Sorry po." At nagpacute pa ang aming baby.
"Oh blow the candle na daddy." Sabi ko at linapit ang cake kay Jas.
"But make a wish first daddy." Sabi naman ni Cyril na nakaupo na sa tiyan ng daddy niya.
Pinikit ni Jas ang mata niya at nagwish. Pinikit din ni Cyril ang mata nya. Pati kasi siya nagwiwish kapag merong may birthday samin.
"I wish mommy would have another me." Sabi ni Cyril habang nakapikit.
Napatingin naman ako kay Jas na gulat na napalingon din sa akin.
Napangiti na lang kaming dalawa sa wish ng anak namin.
Cyril opened her eyes and they both blew the candle.
Inilapag ko ang cake sa side table at nakihiga na sakanila sa kama.
"I want a baby me daddy. When will my wish be granted?" Sabi ni Cyril ng lumipat siya sakin at humiga sa dibdib ko.
"A-ah... eh..." Pautal na sagot ni Jas dito.
"Soon baby. Soon." Sabi ko. Napalingon naman sakin si Jas at nginitian ko ito.
I think he got what I meant.
Yinakap niya kaming dalawa ni Cyril.
"Ano bang gusto mo baby? Girl or boy?" Tanong ni Jas.
"I want a girl para may kalaro ako at isheshare ko sakanya mga barbies ko."
"Wow, ang bait naman ni ate." Sabi ko.
"Ate?" Tanong ni Cyril.
Nginitian ko lang sya.
**
Nandito kami ngayon sa isang amusement park. Dito namin icecelebrate ang birthday ni Jas.
Buhat-buhat ni Jas si Cyril ngayon. Wala eh, daddy's girl.
"Mommy, I want that!" Sabay turo niya sa manequin na may suot na shirt.
'Tong batang 'to, puro I want. Haha. Sinusunod naman namin. Lol!
Lumapit kami sa shop at pumasok.
Namili kami ng design ng shirt at sinukat ang mga iyon.
Yun kasing tinuro ni Cyril is baby manequin na may kasamang mommy at daddy sa magkabilang gilid at nakasuot sila ng family shirt.
Pinili namin yung white shirt na sakto eh ang print ay King, Queen at Princess.
"Yehey! We will wear this sa New Year's Eve mommy ha? I will show Lolo and Lola this. Pati narin sina Grandma at Grandpa."
She calls my parents Lolo and Lola while Jasper's parents as Grandpa and Grandma.
Sumakay si Cyril sa lahat ng rides na magustuhan niya. Siya nang spoiled. Haha.
Nang mapagod siya ay nagyaya na ring umuwi.
Pagpasok sa bahay ay tumakbo na ito sa kwato niya. Yeah, right. Sa edad na tatlong taon, nagsasarili na sya ng kwarto. She's very independent.
Inayos ko lahat ng mga napamili namin sa kwarto namin at sinilip si Cyril sa kwarto niya.
Nakahiga na siya sa kama niya at mukhang kahihilamos lang.
"Nagtoothbrush ka na ba, baby?"
"Yes, mommy."
"Talaga? Paamoy nga?" Pinaamoy naman niya sakin ang hininga niya.
"Oo nga. Oh, kiss mo na si mommy." And she kissed my cheek.
"Where's daddy? I have to kiss him, too."
"Osige, tawagin natin." Hindi nako lumabas ng kwarto. I just shouted. "Daddy! Cyril wants her goodnight kiss!"
Agad naman kaming pinuntahan ni Jas sa kwarto, na halata mong nakaligo na, at kiniss na siya ni Cyril sa cheeks.
"Okay, sleep well princess." Sabi ni Jas.
Hinalikan ko naman sa pisngi ang baby ko.
"Sweet dreams baby. Goodnight. Pray muna ha?"
"Yes mommy. Goodnight. Goodnight din daddy."
At lumabas na kami ng kwarto niya.
Nauna ako kay Jas sa pagpasok sa kwarto namin at dumiretso ako sa banyo para maligo.
Paglabas ko ay nagbihis na ako at tinabihan si Jas sa kama.
Agad naman niya akong yinakap.
"Mmmmm. Bango naman."
Tinapik ko naman sya sa braso.
"Babe, sabi ni Cyril, gusto daw niya ng kapatid. So ano na, hm?" Sabi nito sakin at inamoy-amoy ang leeg ko.
"Babe, tigilan moko." Sabi ko naman at linalayo ko siya sakin.
"Bakit naman? Di ba dapat ibigay kay Cyril lahat ng gusto niya?" And the great Jasper Cyrus Jingco smirked.
"Ayok-..." Hindi ko natuloy ang sasabihin ko sana dahil hinalikan na niya ako.
Bawat halik niya sakin ay tulad ng pakiramdam ko nung unang beses niya akong halikan, way back highschool.
Naramdaman ko naman ang pagbaba ng kamay niya mula sa leeg ko papunta sa tiyan ko at pinasok niya ito sa damit pantulog ko.
Hindi ko na siya napigilan pa.
As what he said, lagi dapat sinusunod ang mga wants ni Cyril.
***************************
**End**

BINABASA MO ANG
The Magic of Love
Teen FictionA story how a girl fell in love, fell out of love and found her way back into love.♥