Cytus 1: Academy

102 1 0
                                    

Cytus Academy

Basa ko sa malaking gintong gate. Hindi ko alam kung paano ako napadpad dito at hindi ko alam kung saang parte na ako ng mundo.

"Tratus, welcome to Cytus Academy." Tratus? What the hell is that? what's with Cytus Academy? Hindi ako umalis sa bahay para mag aral, umalis ako para hanapin ang sarili ko. This is just a waste of time kaya kailangan ko ng umalis.

Bago pa ako tumalikod bumukas na ang malaking gate, namangha ako sa karangyaan na makikita sa loob. Gusto kong pumasok at nakawin mga kagamitan nila, kaso lang wag na. Mahatulan pa ako ng kamatayan, hindi ko pa naman alam kung nasan ako at hindi ko kilala makakalaban pag ginawa ko yon.

Kahit na may nagtutulak sa akin na pumasok ako, pinigilan ko sarili kong umabante at nagsimula ng umatras. Hindi ako nararapat dito, baka makasakit pa ko, tsaka isa pa hindi ako tao.

"Where do you think you're going tratus?" Napakunot noo ako sa inaasta ng babaeng to. Who does she think she is?

"You don't care." Nakataas kilay na sabi ko bago magsimulang maglakad at binangga ko pa siya sa balikat. Hindi niya ko matatakot.

"You don't talk to me like that" Pagkatapos niyang sabihin yon may naramdaman akong tumama sa batok ko at nandilim ang paningin ko.

"What the hell did you do?" Nagtagumpay naman akong magsalita ng hindi nauutal. Nilibot ko ang paningin ko sa kwarto, at parang dinala niya ko dito sa opisina.

"What are you doing here, Yna?" May lumabas na lalaking medyo may katandaan at umupo sa sweivel chair.
"This girl was about to leave. I think she's a spy, Sir." Matapang nasabi ng babaeng pakielamera sa pag alis ko kanina. Tsaka anong sabi niya? Spy? This girl is crazy dude. I wanna laugh my ass out, but i still kept my cool.

"Is that true?" Naparoll eyes ako ng wala sa oras.

"Yes sir, but the spy thingy is not. Look, kung kayong lahat ay nababaliw, wag niyo kong idamay." I said not minding the intimidating look and aura of this two. I don't care anyways.

"Nababaliw? How'd you say that Ms?" Sabi netong matandang to.

"Look, I'm not here for school, I'm here to find myself. So if you'll excuse me, i have to go. At pwede bang pakisabi sakin kung saang parte to ng mundo ng makapag book na ako ng flight ko." Sabi ko habang tinitignan ko ang cellphone kong walang signal. Nagulat naman ako ng tumawa silang dalawa. May nakakatawa ba sa sinabi ko? O nababaliw lang talaga sila?

"Prosopo, What's your name?" Sabi sakin ng matandang to.

"Vannessa Loom." Plain and flat nasabi ko. And what is prosopo? Kanina tratus ngayon prosopo?

"Nice meeting you, but dear, you can't go out here. Unless I say so." Nanlaki naman mata ko sa sinabi niya, but after that I still kept my cool and look at him emotionless.

"Yna, both of you will stay in one dorm and same class. Also same group, protect this prosopo hangga't hindi natin alam kung paano siya napadpad dito. Ako na ang magsasabi sa mga kasamahan mo." Tumingin naman sakin itong babaeng nagngangalang yna ng masama, what the hell did i do? Tsaka kung hindi siya nangeelam kanina edi sana she wouldn't stuck with me. Stupid bitch. Hinawakan niya ako at nagteleport kami sa isang kwarto. I think this is the dorm that the old man was saying.

"White door, my room. Pick yours." Sabi niya lang sakin at pumasok na sa kanyang kwarto. Kita mo yon, may saltik talaga yung babaeng yon.

Sinubukan ko naman buksan yung pintong kulay asul, ngunit hindi ko mabuksan. Sinunod ko ang kulay green, ayaw rin, kulay pula, ayaw rin, kulay black ayaw rin. Bat ba ang daming pinto dito? Sinubukan ko rin yung gray na pinto at ayaw pa rin. Nagpapadyak na ko dito sa kinakatayuan ko, naiinis na ako.

Napatingin naman ako sa pintong kulay silver na may glitters. Wow ang ganda. Pumunta na ako don, which is nasa dulo nitong bahay na to at katabi nito ang pintong kulay ginto. I tried opening it, and I succeeded. Napanganga ako sa disenyo ng kwarto, halos lahat kulay silver, at ang ibang disensyo dito katulad ng vases ay gawa sa totoong silver. Ang cool, at ang sarap nakawin. Iuuwi ko to pag pinalayas na ako dito. Yayaman ako neto.

Napangiti ako ng makita ko ang kama, hays ... sa wakas. Makakapagpahinga na ako.

*****

"Where the hell is that stupid tratus?" Rinig kong sigaw ng babae sa labas. Ano ba yan, istorbo sila mga bes.

"Calm down, Yna." Si Yna pala yon. Aish, that girl. Ang lakas talaga ng topak. Mukhang ako ang hinahanap nila ah. Well, bahala siya jan maghanap sakin. Manigas siya.

"Sabi mo kanina pagkarating niyo dito, pinapili mo na siya ng kwartong gu-gustuhin niya. So baka, nandito lang siya." Ano bang kelangan nila sakin? i rolled my eyes at naglibot libot na lang dito sa kwartong to.

Hindi na ako nakinig sa pinaguusapan nila dahil hindi naman ako tsismosa. Tinignan ko na lang yung mga libro na nandito sa shelves, ang dami mga bes.

History of Cytus Academy Ito lang ang librong pumukas sa mga mata ko. Hms, mabasa nga.

Binuklat ko ang unang pahina pero wala naman akong maintindihan. Nakakaliyo. Pano ko nasabi? Because this book is written in the form of symbols. At wala akong alam sa mga symbols na to kaya binalik ko na lang ang libro. Aalis na sana ako ng may nakaagaw pansin na naman sa mga mata ko. Isang librong makulay, at puro glitters. I wonder why i didn't notice this first. Kinuha ko na ito at nagulat na lamang ako ng umikot ito.

Napatingin ako sa paligid at hindi na ito yung kwartong tinulugan ko dito. This room is pure white, halos lahat puti at yung librong nahawakan ko ay naging ordinaryo at lumang libro. What the hell is that? Okay calm down.

Binalik ko na ito sa book shelf kung saan may espasyo pa para sa isang libro. Nilibot ko ang paningin ko at nakita ang pinto. Siguro lalabas na muna ako para malaman ko kung nasaan ako.

"Maygahd, anjan ka lang pala. Kanina pa kami hanap ng hanap sayo!" Sabi sakin ng isang babaeng may kulay green na buhok. Ang ganda niya.

"Btw, I'm Krisha!" Pinalibot ko ang tingin ko sa kanilang lahat ang gaganda at ang gwa-gwapo nila. At pansin kong nandito kami malapit sa may pintong silver, ang kwartong pinasukan ko kanina. Tumingin ako sa likod ko at ibang kulay ng pinto ang nilabasan ko. Kulay violet. Ano ibig sabihin non?

"They are asking you tratus." Napairap naman ako bigla ng marinig ko ang boses ni Yna.

"Vannessa. Vannessa Loom."

⭕⭕⭕⭕⭕

Hello po! New story, but this is not the first time na nagsulat ako. Sana matapos ko to and i would like to know your feedbacks about the first chapter. 😄

P.S Sorry for the typographical, wrong grammars, wrong spellings. I am definitely not a perfect writer.

Cytus AcademyWhere stories live. Discover now