Nagising ako sa ingay ng cellphone ko. Nakaalarm pa rin pala ito hanggang ngayon. Bumangon na lang ako at pumasok sa banyo para makaligo.
Pagkatapos kong maligo ay sinuot ko na yung uniform. Buti na lang nakaalarm pa rin ang cellphone ko, kung hindi mapapasarap na naman ang tulog ko.
White long sleeve, with black necktie and black blazer for the top uniform. With a black necktie, above the knee, pencil skirt for the bottom. May badge din na kulay silver. Feeling ko ang pangit tignan sakin, di ko alam kung bakit basta ayun tingin ko e. Sinuot ko na yung sapatos na may 1 inch heels.
Nilibot ko ang paningin ko sa kwarto at hindi ko pa pala naililigpit ang mga gamit ko. Buti na lang kasi ayaw ko mag stay dito sa may silver door room na ito. Hinila ko na ito papunta sa harap ng bookshelf, mahirap na kung sa pinto ako lalabas, baka mag taka pa sila. Kukunin ko na sana ang libro, pero may napansin akong kakaiba.
"A ni ger" Basa ko ng malakas at mabagal sa nakaukit na mga salita sa harapan ko. Nakita ko to dahil sa konting liwanag na nakalusot sa nakaharang na mga kurtina.
Simula ngayon, tatawagin ko na itong Aniger Room. Napangiti ako sa naisip ko. Kinuha ko na yung librong may iba't - ibang kulay at kumikinang, dahilan upang maikot ako sa kabilang kwarto. Nang tignan ko ulit ang librong hawak ko, naging luma ito, katulad nang nangyari dati. Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala na this place is magical. It is beyond the human expectation.
Napailing-iling ako sa sinabi ko, at nagsimula nang ayusin ang mga gamit ko. Pansamantagal akong nandito sa academy kuno na ito.
Hanggang ngayon wala akong ka-ide-ideya kung pano ako napunta dito.
"Vanny? Gising na. Papasok ka pa ngayon." Naputol ang pag-iisip ko ng marinig ko si Ayeesha. Kina-reer niya talaga ang pagtawag sakin ng Vanny.
Pinagbuksan ko siya ng pinto at nakita ko siyang napatingin sakin mula ulo hanggang paa.
"Kyaaah, bagay sayo Vanny! ---" Di ko na pinaringgan ang susunod niyang sasabihin dahil umalis na agad ako sa harap niya. maldita na kung maldita pero ayoko ng maingay.
Pumunta ako sa kusina at nadatnan ko silang lahat. Umupo ako sa bakanteng upuan at kumuha ng plato, nagsandok ng kanin at ng ulam. Natural na ginagawa kapag kakain duh."Prosopo, you should act like you have an ability, if not --- then eat a lot because you'll surely die before the sun sets." Tumango na lang ako sa kanya. Wala naman akong sasabihin kasi may itatanong ako.
"Then what ability should I use for the mean time?" Tanong ko sa kanila ng hindi sila tinitignan at patuloy lamang na kumakain.
"Healing." Napatingin ako sa nagsalita, none other than Ezekiel. Ngayon ko lang narinig boses niya, and correct me if I'm wrong, Ezekiel has the ability of Nero
"Oh, okay." Napatigil ako sa pag nguya ng pagkain ko ng may maalala pa pala ako.
"What class should I get into then? What's my schedule?" Napatingin naman sakin si Yna.
"Regarding that ..." may binato siya saking kulay puting ... relo? "That's a high-tech watch. That will be our 'phone' here in academy."
Phone? Ha? "Vanny, pwede mo siyang gamitin na parang cellphone. Tapos jan mo rin makikita ang schedule mo basta iclick mo lang yung upper right button, that's the about then click schedule."
Ginawa ko naman ang sinabi niya, at may lumabas na kulay green ... 'holograms' bulong na sabi ko. Narinig naman ata ni Krisha kasi nag paliwanag siya.
"Yep, it's a hologram. Sa baba niyan, ang keyboard, as you can obviously see. For messaging, any of us, click the lower right button, it is called messenger." Pinindot ko naman ang sinabi niya. Funny how it is name as a messenger, parang sa facebook lang. speaking of facebook ...
YOU ARE READING
Cytus Academy
Non-FictionAs all of you know, Cytus is a rthym game developed by Rayark Games. The game of cytus has it's own story every chapter, so i came up with the idea of making my own story about cytus. I hope you read this. Thank you! :)