Cytus 2

32 2 0
                                    

"Vannessa. Vannessa Loom." Pagkatapos kong sabihin pangalan ko, tumili yung babaeng may gray ang buhok.

"Sorry 'bout that. I'm Ayeesha. Hihi you're so gorgeous." Tinignan ko naman silang lahat at napansin kong iba-iba ang kulay ng mga buhok nila. Red, blue, green, white, black, gray.

"Anong meron? Bat iba iba kulay ng buhok niyo? Sasali ba kayo ng cosplay?" Nagtatakang tanong ko. Malay ko ba diba?

"Ano ka ba. The color of our hair symbolizes our ---"

"Stop. She doesn't know a thing. Prosopo." Sabi ni Yna sabay talikod at pumasok sa kwarto niya.

"Ah hehe. Sige alis na kami ha?" Sabi nung lalaking may kulay pula ang buhok.

"Kayo na bahala sa kanya. Bye" sabay na tumakbo yung lalaking may kulay pula at kulay asul na buhok papunta sa mga kwarto nila. Anong meron? Tsaka ano ba yung prosopo?

"Uhm ... Vanny pasok tayo sa kwarto mo. Dun namin ieexplain." Tumango ako at tumalikod na para mabuksan ko na yung pinto. And what's up with the nickname? Vanny? Seriously? Tsk.

"Ang dami kong gustong itanong sa inyo." Sabi ko sabay upo sa may kama dito sa kwartong to.

"N-nasan nga pala mga gamit mo?" Napa-facepalm naman ako sa sinabi niya. Oo nga pala, naiwan yon sa principal's office.

"Argh, naiwan ko dun sa principal's office. Ugh!" Nagpapadyak na sabi ko sabay higa sa kama. Anobayan!

"Principal? Ano yun?" Takang tanong nila sakin. Bumangon ako sabay irap sa dalawa. Nagta-tanga-tangahan naman tayo dito oh.

"Yung matandang lalaking kumausap sakin. Duh, school to tapos di niyo alam kung sino principal dito?!" Hindi ko na naman napigilan sarili kong umirap sa kanila.

"Ahhh. We do not call him principal. We call him headmaster." Whatever.

"Don't worry about your things. Andun na sa living room, yun pala ang pinapadala ni headmaster Stephen kanina." Stephen pala pangalan non? Tsk.

"Okay let's do the question and answer potion. What is prosopo?" Yan na una kong tinanong. Kanina ko pa naririnig kay Yna yun e. Nakakaloko lang.

"Prosopo means ordinary human" Ordinary?

"Bakit? Di ba kayo normal?" Nagpapatawa ba sila?

"Uhm bago namin sagutin yan may tanong ka pa ba?" Tumango naman ako.

"Ano naman yung tratus?" Tumango si Krisha kay Ayeesha.

"Pinagsamang Transferee at Cytus. TRAnsferees at cyTUS" okay. Weird!

Tumingin ako sa kanila yung tingin na nagpapahiwatig na 'mag kwento na kayo'. Nagkatinginan naman silang dalawa at nagbuntong hininga bago umupo sa mag kabilaang gilid ko. Butin naman naisipan nila umupo, kanina pa sila nakatayo e.

"This school ... this school is not ordinary. This is for people who are extraordinary." She means what?

"So this school is for aliens?" Natatawang sabi ko.

"W-well you can s-say that. But not literally." Napakunot noo naman ako sa sinabi ni Ayeesha. Nagpapatawa ba siya?

"This school is for people who have magics, abilities."

"Explain further" medyo di ko pa siya gets.

"G-ganto na lang. We, including me and Ayeesha, have powers. We are extraordinary, well except for you because' you are a prosopo." Nanlaki naman mata ko sa sinabi. I get it!

"Kaya pala! Kaya pala nag teleport kami ni Yna papunta dito! Bakit ngayon ko lang napansin?!" Yung nasa office kami nung headmaster Stephen daw na yun, naalala ko na nagteleport kami. Nung hinawakan niya ako!

"Yep. It is one of Yna's abilities. She can teleport, wherever she wants. Pero dun nga lang sa mga places na napuntahan niya na." Tumango naman ako. Okay, I will not freak out but in my head I'm trying to sink all the information I'm getting.

"While me, I have the ability of Aeras. Air in english, hangin sa tagalog." Tumango naman ako sa sinabi niya.

"Ako naman I have the ability of Gi. Earth in english, lupa in tagalog." Why do they have to translate it in tagalog? Hindi naman ako tanga. Geez!

"How about the others? Hindi ko rin pala sila kilala." Tanong ko sa kanila.

"Yung lalaking may pulang buhok ay si Adrian Miel. Obviously he have the ability of Fotia or fire." Nauna nang nagsalita si Ayeesha.

"Next is the man with the blue hair. He is Ezekiel Ares. He has the ability of Nero or water."

"The boy with the black hair, like yours is Warner Black. He has the ability of darkness. Kunmbaga, tumatapang siya lalo at lumalakas pag nasa dilim. He is also known as the shadow."

"Next naman si Yna Whitecliff. The white bitch I mean witch." Napatingin naman ako bigla kay Ayeesha.

"May galit ka ba dun?"

"Wala naman. Naiinis lang siya kapag sinasabihan ko siya ng ganun. Minsan kasi kung umakto siya parang bitch." Umiiling iling na sabi niya na medyo natatawa pa. One word, five letters. Crazy.

"At syempre, kelangan mo rin makilala si Ruviel. Ruviel Ezix. Siya ang pinakamalakas dito. He possess everything. I mean, he is the beholder of the gold gem." Sabi ni Krisha.

"Nero, Gi, Fotia, Aeras, name it! Lahat siya meron nun." Tumango naman ako sa sinani ni Ayeesha.

Now I get it. The color of their hair symbolizes their abilities.

"Oh, sge na Vanny. Tulog ka na at matutulog na din kami. May pasok pa kami tomorrow and Headmaster Stephen said you can't go home yet and sa monday ka na papasok." Tumango naman ako sa sinabi ni Ayeesha. Hays I will be stuck here with them. Tumayo na sila at nauna ng naglakad palabas si Ayeesha.

"You know what for a prosopo like you, didn't even freak out." Napatingi naman ako sa likod ni Krisha. If only she knew na gulong gulo na ako ngayon at gulat ma gulat. Damn, pano ba ulit ako napadpad dito? Wala akong maalala.

Nilock ko na yung pinto kasi ... wala lang. Humarap ulit ako sa bookshelf at kinuha ulit yung librong kinuha ko kanina at tama nga ako. Umikot na naman ito papuntang kabilang kwarto at napalitan na naman ang hawak ko ng librong makulay at may glitters. This is kinda amazing and at the same time creepy. Well I should've known. This is a place where magics and abilities do exist.

Sinubukan ko naman itong buksan para mabasa ko, pero bawat pahinang tinitignan ko wala namang nakasulat. Siguro isa lang itong ordinaryong libro na ginawa para makapunta sa kabilang kwarto. I think a hidden door? Ganern ba. Pero bakit nakakonekta to sa silver room? Hms.

Humiga na ako sa kama at nagsimulang makipagtitigan sa kisame. Medyo nag si-sink in na lahat ng information sa utak ko. Powers, magics, abilities it is slowly becoming clear to me.

Gusto ko man sabihin sa kanila, but like I said, I still need to find myself.

If they only knew that I am one of them.

⭕⭕⭕⭕⭕

Hope you like this chapter kahit na wala talaga akong readers. Hahahaha kung meron man, lahat ng nabasa mo, mga unfamilliar words, names etc. Lahat yun ay gawa-gawa lang. 😄😄 phew, hirap din pala noh?

Nakakatuyo ng utak mag isip ng mga kakaibang pangalan but I can manage. Yun nga lang nakakalimutan ko kaya kailangan ko ng mga list 😂😂

Cytus AcademyWhere stories live. Discover now