CHAPTER 1

440 12 0
                                    

." My Princess, wake up its already 7 o'clock, male- late ka na!."

Nagising ako sa ingay at sa pag yugyog nang aking mama.

." Wait lang ma, sayang yung panaginip ko eh.." (with matching hinayang look)

Sayang yun na yun eh, alam mo yung feeling na magka holding hands kayo nang ultimate crush mo habang nag lalakad sa tabing dagat tapos iki-kiss ka na sana kaso na udlot pa, dahil sa pag yugyog sayo nang mama mo? Sayang diba? Sa panaginip na nga lang yun mangyayari mauudlot pa rin.

." Anong sayang yang pinag sasabi mo? Yung crush mo na naman siguro yung napanaginipan mo no?.."

." Siya na nga po ma, kaya mamaya na po ako gigising, naudlot eh.." (pahiga kong sinabi)

." Ganon? ayaw mo pa talaga bumangon?.."

." Ayaw pa.." (pa baby kong sabi)

." Okay ikaw rin, lunes pa naman ngayon.."

Okay lang, ano namang magagawa ko kung lunes ngayon? Buti sana kung makikita ko si... wait anong sabi ni mama??

." Ma! Anong date na ba ngayon??.." (gulat kong sabi)

." It's September 5 Ravenna.."

." Omo, Ma! Bakit hindi mo sinabi kaagad, male- late na ako eh.." (patayo kong sabi sabay kuha nang twalya sa cabinet ko)

." Anong hindi ko sinabi?." (Pa kurot na sabi ni mama)

." Ma! Talk to you later. Baka ma late na ako eh.."

." Okay sunod ka na lang sa baba Princess huh?."

." Yes po ma.."

Pag tapos maligo agad agad akong nagbihis at nag ayos nang sarili. Syempre alangan namang humarap ako kay Keith Brian na muka akong galing sabong diba?  Agad agad kong sinuot ang sapatos kong pamasok, at sabay kuha nang bag.

." Ma, pasok na ako ah. Male- late na ako eh. It's already 7:45 na. 8 pa naman Simula nang klase namin.." (sabay kuha nang tinapay)

." Hindi ka man lang ba kakain anak.?" (Sabi ni papa)

." Hindi na po Pa, male- late na ako eh, next time na lang pa.."

Madalas kasing hindi ako nakakasabay sa pamilya kong kumain kaya madalas kong sagot pag tinatanong nila ako kung kakain pa ako. Ang lagi kong sagot ay "Next time po"

." Mag iingat ka anak huh.?"

." Opo Ma Pa. Thanky." (Pa cute kong sabi)

." Mag ingat ka ate huh? T*nga ka pa naman.." (sabi nang kapatid kong si Adonis Johnson)

Yan si Adonis Johnson Kurtzman ang kapatid kong half Filipino half American. Kaya naman saksakan nang yabang. Kung sabagay half rin naman ako. Pero hindi naman ako mayabang. May pagka Maldita lang. Hehehehe

." Ewan ko sayo John, tigilan mo ko." (Inirapan ko siya sabay takbo)

Pagdating sa school, as usual nag kakagulo na naman sila sa parking lot nang school namin. Paano ba naman inaabangan nila yung baby Brian ko.! Kainis bakit kasi ang daming nag kaka gusto sa kanya eh.

." OMG!! Ayan na si My loves Brian." (Tili nang isang babae)

." Oo nga, tanaw ko na yung kotse niya oh." (Kilig na sabi naman nang katabi kong babae)

Ang lalandi naman nang mga to. Pati Baby Brian ko inaagaw pa nila. May Keith Vincent na nga sila eh, pati ba naman yung Baby ko gusto pa rin nila kuhain. Ang unfair. Bumalik ang katinuan ko nang may biglang umilaw at may nag busina bigla. Oh my God here he comes. Biglang bumukas ang pintuan nang isang itim na kotse at iniluwa nun ang dalawang gwapong nilalang. Sino pa ba edi yung dalawang kambal na sikat na sikat dito sa school namin. Si Keith Vincent, at ang ultimate crush ko na si Keith Brian.

." Hi My Brian." (Sabay lapit at halik ni Emily)

Si Emily Hooper lang naman na isang sikat na model. Ang humalik sa pisngi nang baby ko. Kainis, kagigil, sarap patayin gamit ang nail cutter.

." Hi Emily, what brings you here? Ang akala ko ba .."

Hindi na niya na ituloy pa ang sasabihin niya dahil tinakpan na ni Emily ang labi nito sa pamamagitan nang daliri nito.

." Brian naman, hindi mo ba ako na miss.?" (Malungkot na sabi nito)

." Hindi naman sa ganon. Ang akala ko kasi.. ano.. Aghh! Never mind.!" (Sabay maarte na pinunasan nito ang kanyang labi na tinakpan kanina ni Emily)

." OMG, sino siya.?" (Maarte na sabi nang isang babae)

." Girlfriend ata siya ni Fafa Brian eh, ay nako mga beshy hindi niyo kabog ang beauty niyan." (Sabi nang isang bakla)

Oo nga no! Matangkad, maputi, curvy, singkit ang mga mata, matangos ang ilong, na sinabayan pa nang pag ka straight nang buhok niya. Ang laki pa nang hinaharap at ang laki pa nang pwetan. Parang Nicki Minaj lang ang peg ganun. Ang Ganda. Ay shemayy! Baka matomboy ako neto hindi ko kakayanin maging tomboy. Makaalis na nga lang.

Mabilis lumipas ang oras at break time na. Buti naman. Dumugo na nga yung utak ko sa Geometry na yun.

." Tara na beshy punta na tayo nang canteen. Gutom na ako anti girl." (Sabi nang kaibigan ko na si Travis)

Ang Ganda nang pangalan. Travis Caleb Jenkins. Gwapo, matangkad, ang tangos nang ilong, sabayan pa nang nangaakit na labi nitong pulang pula. In short Perfect. Kaso sabit, bakla eh.

." Wait lang naman be, hindi maka pag antay?."

." Hindi, gutom na ako eh."

." Wait lang kasi, tapusin ko lang to. Kung gusto mo be mauna ka na susunod na lang ako." (Walang emosyon kong sabi)

." Okay sabi mo eh. Balita ko andun pa naman din si Keith Brian." (Paalis niyang sabi)

Anong gagawin ko kay Keith Brian? Ano ko ba yu.. Omo did he just say Keith Brian??

." Hoy bakla wait lang."

Nagmamadali kong hinabol siya.

." Oh! Ang akala ko ba mauuna na ako, at susunod ka na lang?."

." Joke lang yun be, hindi na pala ako busy. Atsaka gutom na rin pala ako. Hehehe." (Pawisan kong sabi)

." Sus! Narinig mo lang yung pangalang Keith Brian eh, halos hindi ka na mag kanda ugaga sa pag takbo. Kita mo nga yang palda mo oh! Naka taas pa yung laylayan. Kaya pala kanina pa sayo nakatingin yung mga lalaki na yun oh." (Sabay turo sa mga lalaki na nasa likod ko)

Pag lingon ko sa likod ko nakatingin nga sila sa amin at nakangiti, pakindat kindat pa yung Isa. Nyee!! kilabot naman.

." Ay ganun ba, design yan. Hahaha." (Pabiro kong sabi)

." Oh, siya design na kung design, Tara na be gutom na talaga ako."

Pag dating namin sa canteen wala naman sila dun. Kainis na bakla to Kala ko pa naman din totoo na.

." Bakla wait lang huh, naiwan ko kasi yung wallet ko sa bag eh. Kunin ko lang sandali." (sabay talikod sa kanya)

." Okay be, ingat sa mga lalaki."

Tumango na lang ako para hindi niya mahalata na nag sisinungaling ako. Kilala ni bakla ang ugali ko, pag sinabing andyan si Brian, tapos wala pala, alam niya na kung ano ang mangyayari, nang iiwan talaga ako.

."hahaha( evil laugh) walang kaalam alam si bakla na hindi na ako babalik hahaha."

END OF CHAPTER ONE
Pasensiya na po kung hindi maganda tong chapter one. First time ko lang po kasi mag sulat eii. Wala pa akong Alam sa kalakaran nang pagsulat nang story.
Thanks po sa nag basa nito.

Lj Casilang

My Accidentally Wife (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon