Chapter Six

810 12 3
                                    

Lauren kept on asking herself, bakit niya hinayaan si Luke na gawin iyon sa kanya? Her morals were suddenly out the window for all she cares.

Bigla ay gustong sampalin ng dalaga ang sarili, pagka-uwi niya sa bahay niya ay parang tumanim na rin ang pet name na 'Big Boss' sa utak niya at iyon ang tawag niya sa alaga ni Luke sa baba nito. At ngayon nga ay oras ng trabaho pero nagsisimula na naman siyang mag-day dream.

Paulit-ulit sa balintataw niya ang bawat detalye ng mga nangyari. Kaya naman madalas nararamdaman niyang basa ang kanyang panty. At wala iyong pinipiling oras. Kaya naman tuloy hindi na naiya nagawang umalis ng bahay dahil baka kung kalian siya nasa labas ay doon siya makaramdam ng init.

"May lovelife ka na siguro, Lauren." Sabi pa ni Shella sa kanya. "Natutulala ka na kasi..."

"Sus, tumigil ka nga diyan." Saway pa niya dito.

"Hindi naman imposible iyon. Maganda ka, mabait at may maayos na trabaho. Nasa iyo na ang lahat."

"Kung nasa akin na ang lahat, bakit pa ako iniwan?" She said bitterly. Pain crossed her heart.

Kung ay iba pang makakarinig sa sinabi niya ay malamang na masabihan siyang bitter. It was always like that, lalo nang magkasunod iniwan siya ng ex-boyfriend niya at nang ex-best friend niya. Simula nang nangyari iyon ay naging lalong aloof siya sa lahat ng tao. Pakiramdam kasi niya ay masyadong napakataas ng standard ng mga taong nakakasalumuha niya at hindi pasado ang pagiging simple niya sa mga ito. Kung hindi lang din siya kakausapin ay hindi rin siya makikipag-usap.

That was the reason why she opted to be always alone. Pero pagdating naman sa trabaho ay nakikipagkuwentuhan naman siya kahit paano. Hindi na nga lang tulad ng dati. She had now created her own world.

Kaya nga nagulat siya nang habulin siya ni Luke at dinala sa stairwell. It was not just normal that someone would kiss, or rather hump someone they don't really know. Or in that case, hindi naman talaga sila naging close ng amo kahit kailan.

"Naku, 'Te, hugot ka na naman!" pansin nito.

"Wala pa bang bagong manager na papalit kay Sir Reid?" tanong na lamang ni Lauren upang ibahin ang usapan. Hanggang maaari ay ayaw niyang palawigin ang tungkol sa personal life niya. Tapos na iyon. Hindi na kailangan pang balikan.

Dati-rati kasi ay kapag may umalis, may kapalit agad na personnel bago pa man magpa-despedida. Ngayon ay nakakapagtakang wala pang kapalitan ang dating amo sa binakante nitong posisyon. Was it that so hard to find a replacement for her manager?

"Wala pa rin dumadating na memo." Sagot ni Shella sa kanya. "Marami pa namang kliyente ang gusto makipag-set ng meeting sa manager ngayon."

Nasa ganoon silang pag-uusap nang may kumatok sa drawing room. Sumungaw ang isa nilang engineer doon. "Guys, emergency meeting. Nandito si Sir Luke."

Mabilis siyang napalinga sa engineer nila. Hindi na niya alam kung napansin ng mga ito ang biglang panlalaki ng kanyang mata.

Luke. His name sounded like an alarm to her ears.

Lauren could bet that her color suddenly turned red as her blood rushed through her veins. Pangalan pa lang binata ang narinig niya pero nataranta na agad siya. Halos marinig na niya sa tainga niya ang lakas ng tibok ng puso niya. Hindi pa siya handing makaharap muli ito!

"Anong ginagawa ni Boss dito?" tanong ni Shella.

Nagkibit-balikat lang ang kanilang engineer. "Tara na. Baka magse-sermon na naman iyon." Iyon naman kasi ang madalas ng binata kapag naroon ito, kaya iyon rin ang nakatanim sa isip ng lahat kapag dumadating ito. Supladong masungit. Pero guwapo.

Corporate SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon