LAUREN was staring blankly at the crowd surrounding her at the moment. Kasalukuyan siyang nasa isang restaurant-bar nang mga sandaling iyon kasama ang mga ka-opisina niya para sa despedida party ng manager nila na maninirahan na sa ibang bansa.
Lahat ay nagkakasiyahan maliban sa kanya, hindi dahil nalulungkot siya sa napipintong pag-alis ng boss kung hindi dahil sa ibang bagay. Ang mga ka-opisina niya ay busy sa pakikipagsayaw at pakikipagkilala sa ibang mga parokyano ng bar na iyon na nakasabay nila sa pagpa-party.
Lauren was really bored to death at the moment. Wala talaga siyang hilig sa ganitong klase ng kasiyahan at pagtitipon. Excited lamang siya kapag nasa planning stage pa lamang ang isang party, pero kapag naroon na siya ay hindi niya mapigilang hindi humikab. Ang kanyang mga paa ay tila gustong tumakbo lagi pauwi ng bahay. Hindi siya introvert at hindi rin siya extrovert. Ayon sa isang article na nabasa siya ay ambivert daw ang tawag sa mga tulad niyang alanganing introvert at alanganing extrovert.
Pero kahit bored siya ng mga sandaling iyon ay hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng kakaiba. Na para bang may sumusunod ng tingin sa bawat kilos at galaw niya. Not that she was in danger at that moment, pero bihira niyang maramdaman ang ganoon, at sa mga pagkakataong ganoon ay tama nga siya para isiping may nagmamasid sa kanya. But she wasn't sure who it was at the moment.
She shrugged off the feeling. Tama, oras na siguro para umuwi na nga siya. Siguro naman ay sapat na ang oras na itinigil niya roon ng mga sandaling iyon. She had mingled and listened to everyone enough. And right now, Lauren just wanted to go home already, hop in her pajamas and drown herself in her bed and her books until she fell asleep. At least sa mga libro niya ay may excitement at thrill siyang mararamdaman. She could explore a lot of things in her imagination. Marami siyang nararating at nararamdamang mga emosyon kapag kaharap niya ang kanyang mga libro.
Lauren picked-up her bag and searched the vicinity looking for her manager, Reid, upang magpaalam nang umuwi. May valid reason na rin naman siya ng pag-uwi ng maaga dahil malayo pa ang kanyang bahay sa venue ng party kung sakali mang hindi siya payagan nito na umalis agad.
Nakita naman niya agad ang taong hinahanap niya. Naroon ito sa bandang unahan ng venue. He was happily talking to a group of men na alam ng dalaga na kasamahan din nila. But then there was this particular man na kasama nito sa umupukan, hindi niya ito madalas nakikita sa araw-araw na pagpasok niya sa opisina pero kilala niya ito.
In fact, kahit nakatalikod ito ay alam niya kung sino ang lalaking ito. For most of the times that he was visiting their office ay nakukuha nitong malimit ang atensyon niya. Her eyes were always on his every move. At hindi niya akalaing makikita niya ang binata sa gabing ito. Maybe her manager and him must be really close para magpunta pa ito sa despedida party nila.
He was Luke Rivera, ang kanilang area head.
Ang kumpanyang pinagta-trabahuhan nila ay nahahati sa tatlong dibisyon, at ang binata ang isa sa mga namumuno sa mga pagkakahating iyon. His office was housed in the corporate main building sa Bonifacio Global City at madalas ay dumadalaw lamang ito kapag may problema sa isa sa mga branches na nasa ilalim ng pamumuno ito. At para na rin sermunan sila kapag may lapses silang nagagawa.
Luke was one of the untouchable people sa kumpanya nila. Ang manager lamang nila ang madalas kausap nito at silang mga staff ay masuwerte nang madaanan nito ng tingin. Oh well, he was also known for being so strict and kind of a snob kapag nasa loob ng opisina. He was also the master of blank stares. Ilang beses na nga bang nagkasalubong ang tingin nila kapag nagagawi ito sa opisina nila? Hindi nga ba at parang wala itong nakikita?
Pero may isang reputasyon din ang binata na alam ng lahat. Luke is also a womanizer. Kalat na kalat sa corporate world ang madalas na paglabas nito sa gabi kasama ang kung sino-sinong babae. He had dated a lot of women and broke their hearts too. Pero kahit ganoon ay pantasya pa rin ito ng maraming kababaihan. They often wonder how it would feel to have sex with him, lalo at kabalitaan na ang pagiging magaling nito sa kama. Para itong trophy sa paningin ng ibang mga babae.
BINABASA MO ANG
Corporate Seduction
RomansaLauren Palomares - isang simpleng babaeng may simpleng mga pangarap at nabubuhay sa simpleng mga bagay. She is already contented with everything she had as of the moment, her job, her place and the food on her table. At kahit nag-iisa sa buhay ay hi...