Chapter Nine

671 14 1
                                    

"Pero hindi mo pa rin masabi. Paano kung may lokong humarang sa inyo, sa iyo? Lagi ka pa naman nag-iisa."

"I'll be fine, Sir." Sabi niya.

"Where's your phone?" bigla ay tanong ni Luke habang naniningkit ang mga mata.

"Bakit?"

"Just give me your phone."

Sumunod naman si Lauren, kinuha niya mula sa bag ang cellphone at inabot iyon sa binata. He asked for the password and opened it. Tinabihan naman ng dalata si Luke upang silipin ang ginagawa nito.

He saved his number and put it in her speed dials.

"Para kapag may kailangan ka, matawagan mo agad ako." Umangat ang kamay nito upang abutin siya palapit.

Inilapag nito ang cellphone lamesa at diretsong tiningnan ang kanyang mga mata.

"As if naman malapit lang ang bahay mo dito para makapunta ka agad. Saka huwag kang nega. Isipin mo na lang na walang mangyayaring masama. Simula noong pinanganak ako ay dito na ako nakatira. Mababait ang mga tao dito. Isa pa, sa Maynila ka nakatira. As if naman makakapunta ka dito agad-agad with all that traffic. Unless may helicopter ka."

"But I'm still worried." He sighed.

"Don't be. Okay lang ako dito." Lauren went near and reached for his lips. She planted a soft kiss on them. Para ba sa ganoong paraan ay mapapawi ang pag-aalala nito. "Thank you for worrying." Masaya ang dalaga dahil may nag-aalala pa pala para sa kanya.

Akmang lalayo na siya sa binata nang lalo nitong hinigpitan ang kapit sa baywang niya. And before she knew it, nabuhat na siya ni Luke paupo sa kandungan nito. Now he is the one to claim her lips.

Like all his kisses, it was deep and passionate.

Iniyakap ni Lauren ang mga kamay sa batok nito and pulled him closer. She could just get used to his kisses. Kung puwede nga lang magtagal sila ng ganoong ay gagawin niya.

And just like now, hinahayaan niya ang sariling maramdaman ang ligayang hatid ng mga halik ni Luke sa kanyang puso. Kahit na ang utak niya ay nagsusumigaw na darating ang isang araw na mawawala din naman ang lahat ng ito. At malamang sa oras na may permanente nang papalit sa dati niyang amo na si Reid ay babalik na rin si Luke sa tunay na mundo nito.

Mawawala na siya sa landas nito at dating gawi ulit ang binata. For now, baka na-challenge lang ang binata sa kanya, pero hindi naman talaga siya magugustuhan nito.

Just as Luke's hands were about to start roaming around her body ay saka naman nag-whistle ang initan niya tubig.

"Stop." Pigil niya dito. Pinilit ni Lauren ang tumayo pakawala sa kandungan ng binata at yakap nito. She tried to calm herself.

Hinayaan naman siya ni Luke na tumayo at inalalayan pa siya.

NAIKAPIT ni Luke ang kamay sa sariling batok at napatingala. What had he been doing? Bakit nga ba siya narito?

Sinasabi na nga ba niya at hindi maganda ang epekto ng atraksiyong naramdaman niya para kay Lauren sa mga rules na binuo niya para sa sarili.

Noong una ay pilit niyang pinapaniwala ang sarili panandalian lang ang nararamdaman niya para sa dalaga. Na kaya lamang siya humahabol kay Lauren ay dahil hindi pa niya ito nakakasama sa kama.

But then again, bakit hindi pa niya pinagtatagal? Luke knows that he could take her to bed already knowing the fact that she lets him touch her. Hindi naman niya puwedeng sabihin na walang pagkakataon, siya pa, maparaan siya.

Corporate SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon