Chapter 1: Broken

270 13 1
                                    

here we go readers:)

---

Sa isang matarik na daan at liblib na lugar ay napasugod ang ambulansya,

Madaling araw pa lamang ay nakatanggap na ang pagamutan ng isang tawag mula sa isang matandang lalake!

Pagdating sa destinasyon ay agad-agad silang sinalubong nang matandang tumawag kani-kanina lamang.

"Bilisan niyo! Andoon siya sa loob!" Bungad nito sa dalawang lalake na galing sa sasakyan, bakas ang pag-aalala sa kaniyang mukha!

Nilakasan lamang niya ang loob kahit hindi naman niya kaano-ano ang dalaga.

Pagpasok sa may medyo kalakihang bahay ay bumungad sa kanila ang katawan ng dalaga, halos maligo na ito sa sariling dugo.

Ang puting damit nito ay naging pula na dahil sa dugo,

malapit lamang siya sa may bukana ng pintuan, marahil ay sinubukan nitong lumabas at humingi ng tulong!

Marami itong hiwa sa ibat ibang parte ng katawan, ang ilalim ng kaniyang mata ay itim na rin, maging ang kanyang pulsuan ay may hiwa na wari'y tinangka nitong kitilin ang sariling buhay!

Maingat nilang binuhat ang dalaga at ipinasok sa sasakyan.

Awa! Yan ang nararamdaman ng bawat isa na nakasaksi sa tinamo ng dalaga!

Napakabata pa niya upang maranasan ang mga bagay na iyon!

Ngunit higit pa roon ang naranasan niya, wala pa sa kalahati!

Para itong nakikipaglaro ng "hide and seek" sa kamatayan, ang kaibahan lang ay hindi nito kontrolado ang sariling buhay.

---

Nagising ang dalaga sa isang kulay puting kuwarto ngunit nanatili itong nakahiga, inilibot niya ang paningin kahit nakakaramdam pa ito ng pagkahilo, itinaas ang kamay na wari'y iniinspeksyon ito!

Tinanggal niya ang nakakabit na dextrose at tuluyan na ngang bumangon.

"Magpahinga ka muna Angel" ani ng babae na malamang ay nasa edad na kuwarenta.

Tumitig siya sa babae!

Mata sa mata,

Awa, yan nanaman ang mababakas sa kaniyang mga mata!

"Alam kong masakit pa ang iyong katawan, wag kang mag alala, hindi kita ibabalik doon"

Dahil sa sinabi niya ay natigilan si Angel,

Muli niyang pinasadahan ng tingin ang babae,

Alam na alam niya ang ganitong uniporme,

Malamang sa malamang ay nagtratrabaho ito sa isang bahay ampunan.

"Hadassah Orphanage?" Halos bulong na lamang na tanong ni Angel sa babaeng kaharap niya!

Sa paraan ng kaniyang pagtanong ay nagmukha itong bata at idagdag mo pa ang inosente at mukhang anghel nitong mukha, bagay na bagay sa kaniyang pangalan.

Umiling ang babae bago magsalita,

"Ang pangalan ko ay Anna  Santos, isa akong worker sa Angel's Haven Orphanage at doon kita dadalhin nang sa gayon ay mayroong mag-alaga sayo ng maayos"

Tango lamang ang isinagot ni Angel.

Hindi siya puwedeng tumanggi!
Dahil oras na magmatigas siya ay baka magalit ito at saktan siya!

Naghanap si Angel ng matutulis na bagay,

Palingon-lingon ito kung saan saan!

Pinagmamasdan lamang siya ni Anna,
Nag-aalala sa ikinikilos ng dalaga.

Baka sasaksakin na niya ako!-- sa isip isip ni Angel habang pinapanood niya si Anna na papalapit na sa kinaroroonan niya! Ngunit imbis na takot ang maramdam niya ay mababakasan pa ito ng eksaytment sa kanyang mukha!

"Matulog ka muna at magpahinga Angel" turan nito kay Angel at iginaya sa hospital bed kung saan ito nakahiga kanina.

Naguguluhan man ay sinunod niya ang babae,

Ilang minuto pa lamang nang siyay humiga ay nakatulog na ito agad agad.

Hinaplos ni Anna ang mala-anghel na mukha ng dalaga,

"Napag-aralan ko na ang psychology, kaya't alam kong may kakaiba sa ikinikilos mo Angel"  mahinang sambit nito nang sa gayon ay hindi magising ang kakatulog lamang na dalaga.

"I wish someone would lighten up your lifeless eyes!" Patuloy nito habang inaalala ang pangyayari kanina, kung paano tumingin ang dalaga.

Wala itong buhay, at sa titig niya ay para itong tumatagos sa iyo na para bang nakatingin siya sa iyo ngunit hindi ka nito nakikita kundi ang sarili mong kaluluwa !

Napakalalim!

Mukha itong babasagin, na sa isang masakit na salita lang ay mababasag na ito ng tuluyan, ngunit kabaliktaran ang ipinapakita ng dalaga!

Mukhang nagugustuhan niya ang sakit kaysa ang saya.

Napailing-iling si Anna sa mga naiisip.

Tuluyan nitong tinanggal ang tingin sa dalaga at nagsimulang tinahak ang daan palabas ng kuwarto upang ihanda ang dalaga sa mahaba-habang biyahe papunta sa Angel'sHaven.

Isa nanamang bahay ampunan!

---
Yuhooooo:) hello sa inyo;)
See ya on the next chapter.

Upnext: Chapter two: Angel'sHaven (Lukas pov)

Vote
Comment

---

The Broken AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon