Chapter 10: Escape

99 4 2
                                    

"I once tried to just run away,

Not knowing what will be
tomorrow,

But as I do,
Reality comes running back after me too,
Haunting me,
Spitting it's cruelness right on my face,

Making me realize

That...

I am chained there...

Forever !"

---

(Warning:unedited po ito, as always. Haha ! Hanggang type down and direcho publish po ang gawain ko, so pls bear with me. Gomenasai minna-san)

---

Lukas pov

" hoy! Nick ! ibalik mo yan ! Napaka-isip bata mo talaga !" Sigaw ni Mikki, habol habol ang hininga kakatakbo.

Sino ba namang hindi ? Itakbo ba naman ang tsinelas nitong si Mikki..

Ang dahilan ?

Dahil sa pambihirang candy nayan...

Nag-uunahan kasing bigyan ang tahimik na si Angel sa tabi ko...

At ewan ko ba kung saan nila nakukuha yang mga candy na yan..

"Ayokoooo ! Ibalik mo muna yung candy ! " sigaw pabalik ni Nick..

At ayun nga nagsimula nanaman silang maghabulan..

Napailing-iling na lamang ako... hindi ba sila napapagod sa kakatakbo ?

Pinanood ko lamang sila..
Nang sa wakas ay nahablot ni Mikki ang damit ni Nick ay nagmistulang nagrarambulan silang dalawa sa damo, wrestling kuno
Hahaha... since nasa hardin lamang kami nang bahay ampunan... o matatawag mo ring playground nang mga bata...

"Nasaan si Sid ?" Biglaang tanong ni Alex na nasa tabi ni Angel, bali nasa gitna namin siya.

As usual, tahimik lamang ito habang pinapanood ang dalawa..

"Ang sabi niya, kakausapin lang siya saglit ni Mrs. Tecson " sagot ko..

Tumango lamang ito bilang sagot..

Alam ko namang nag-aalala siya, nalalapit na ang kaarawan nila ni Sid. At dahil doon, nalalapit narin ang araw ng paglisan nila dito sa bahay ampunan.

Ako rin naman ay nag-aalala, ayoko lamang ipahalata... dahil di ko nais pang dagdagan ang dinadala nilang problema...

Maya't maya ay dahan dahang tumayo si Angel sa pagkakasalampak niya sa damo,

"Saan ka pupunta ?" Malumanay kong tanong sa kanya,

Ngunit hindi niya ako sinagot, bagkus ay nakatingin lamang ito sa malayo...

"Angel ?" May bahid nang pag-aalalang tanong ni Alex..

Nagsimula siyang maglakad na wari'y may sinusundan.

Nung una ay dahan dahan lamang ito ngunit nang tumagal ay tumatakbo na ito,

"Angel!" Pagtatawag ko

Ngunit hindi manlang niya ako nilingon..

Nagkatinginan kami ni Alex, sabay takbo papunta kay Angel..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 16, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Broken AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon