Chapter 2: Angel'sHaven

156 7 1
                                    


Lukas' pov

Tumunog na ang bell, hudyat na kailangan na naming pumasok sa loob.

"Tara na sa loob, baka magalit sa atin si Ms. Anna" Ani Mikki na tumayo na sa pagkakaupo sa damo.

Nasa isang bahay ampunan kami,

Tinanguan namin ang bawat isa, nangangahulugang sumasang-ayon kami sa sinabi niya.

Si Mikki, ako, si Alex, si Nick, at si Sidney ay matagal ng magkakaibigan, halos ituring narin naming pamilya ang bawat isa.

"Gusto ko pa sanang dumito muna, napaka-aga naman kasi ng bell" busangot ang mukhang sambit ni Nick, siya ang childish sa amin, ewan ko ba sa lalakeng to,

Kung umasta ay parang bata.

Napailing-iling ako.

"Naririnig kita Lukas" asar na sabi nito sa akin.

Tumingin ako sa kaniya ng may kunot na noo.

"Feeling mo nasa isip mo, pero sinasabi naman ng bunganga mo ng hindi mo namamalayan, hmp!" Nick

Narinig ko ang impit na pagtawa nina Mikki at Sidney,

Si Sidney at Alex ay halos magkasing-edad lamang, nasa labing siyam, samantalang kami nina Nick at Mikki naman ay labing walo.

"Bilisan niyo ang paglalakad, nagsisimula na silang magbilang " turan naman ni Alex, nasa pintuan na pala ang mga ito.

Bata pa lang kami ay magkakakilala na kami, tinanggap namin ang naging kapalaran namin kahit mediyo nakakalungkot isipin na ang mga tulad namin ay iniwan na lamang basta basta.

Pagpasok namin sa loob ay sinimulan narin nila ang pagbibilang, lagi naman, binibilang nila ang bawat nasa ampunan upang malaman nila na kumpleto pa kami, at walang tumakas.

Hiwalay ang mga nasa edad labing lima pababa at labing anim pataas kaya naman magkakasama pa rin kami.

"Nakakapagtaka! Wala yata ngayon si Ms. Anna" takang tanong ni Mikki,

Napalingon-lingon ako,

Oo nga wala si Ms. Anna, siya kasi ang parang namamahala dito sa orphanage.

Nakita ko ring napalingon-lingon ang mga kasamahan ko.

Kung tutuusin ay napakalaki ng orphanage na ito.

May tatlo itong palapag, nasa first floor ang kusina, study room, at storage room.

Sa second floor naman ay may mini library at kuwarto ng mga bata. At ang sa amin naman ay nasa ikatlong palapag kasama na ang ibang mga tagapamahala.

Hiwalay siyempre ang kuwarto ng babae sa lalake.

At ngayon nga ay nasa kusina kami, nakahanda na ang mga pagkain sa mahabang lamesa.

Habang nagbibilang ay narinig namin ang pagbukas ng pinto, kaya naman kaming lahat at maging ang nagbibilang ay napahinto rin sa ginagawa.

Pumasok si Ms. Anna kasunod ang isang maputing babae, na sa tingin ko ay nasa edad na labing anim, may itim na buhok na may pagkakakulot sa dulo. Nakasuot ng malaking T-shirt na puti at shorts na hanggang tuhod.

Napaka-inosente naman ng mukha nito, ngunit hindi yon ang napansin ko, bukod sa may maliliit siyang mga sugat sa katawan at may bandage sa kaniyang pulsuan, ang mga mata niya ay kakaiba,

walang buhay!

"Waaah! Ang kyuuuuut" nagnining-ning ang mga matang sambit ni Sidney.

"Kyaaah! Oo nga! oo nga!" Sunod naman ni Mikki.

The Broken AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon