Highschool na malungkot kasi bukod sa matatapos na ang highschool nalipat pa ako ng section. Pero buti na lang magkatabi pa rin room namin. Nakakainis pa rin kasi hindi ko na siya makakasama. Bagong ekonomiya na naman HAHAHA new friends na naman.
Naging close ko si kelly, red, at khanna kasi inapproach nila ako. Akala nila masungit ako pero may KRUNG KRUNG din daw ako. Masaya sila kasama. And thank God kasi Vice Mayor pa rin ako mula 2nd Year Vice mayor ako. Tapos TOP 1 ulit ako akala ko wala ng magiging problema. Akala ko kumpleto na.
Pero dumating na naman sa nagalit ako at nakipag hiwalay na naman. Sabi ko takte talaga ano na naman ba ginawa ko. Sinaktan ko na naman siya. Mag chri-christmas pa naman eh that time gumagawa sila ng parol kasama yung TOP 1 nila pati yung mga plastic kong friends dati na pinapakisamahan ko lang din.
Nag seselos ako kasi lagi niyang kasama yun although may mga iba pa naman silang kasama. Pero iba talaga impact sakin nung babaeng yun eh. Nananadya kasi sarap ilublob sa kumukulong tubig.
Nag sorry na ulit ako sa kanya tapos tinanggap niya na naman ako. Nakokonsensya na naman ako kasi ganun lagi ginagawa ko. Ok na ulit kami kahit nung una eh. Ang cold niya pero dumating yung time na bumalik ulit kami sa dati. Masaya na naman ulit hanggang makagraduate kami.
Feeling ko na naman kumpleto na ulit ako kasi na achieve ko na naman yung pagiging TOP 1 ko. Tapos ok pa kami yung tipong wala ka na talagang mahihiling pa. Kasi kumpleto pamilya ko. May supportive boyfriend ako. May friends ako na sobrang mamimiss ko.
BINABASA MO ANG
Bakit Ba May Break Up?
RandomSince the day we broke up Im always asking myself kung bakit may mga tao pang nag hihiwalay. Masaya naman sila pero minsan naiisip ko hindi pala laging masaya. Hindi pala laging masaya dahil sa likod ng saya may lungkot. Bakit niya ako pinakawalan...