2nd Year College

522 12 1
                                    

Akala ko lahat magiging masaya na. Akala ko wala ng magiging problema.

2nd Year na. 2 years na lang matatapos na yung college sobrang saya. Ineenjoy ko lang kahit minsan tinatamad ako pumasok. Kahit hectic yung sched niya ginagawan niya pa rin ng paraan para makapag kita kami.

Nagbago ang lahat nung nag away na naman kami and this time siya yung sumuko sakin. Siya yung napagod sakin. Siya yung nakipaghiwalay sakin.

Nung una ok pa na wala siya eh. Pero nung narealize ko na naman na hindi ako ok pag wala siya. Nag sorry ako. Sinuyo ko ulit siya.

Ang sinabi niya lang sakin bakit ngayon lang? Bakit ngayon mo pa narealize ngayong suko na ako? Pagod na ako.

Para akong pinag bagsakan ng langit ang lupa. Sobrang sakit halos araw araw akong umiiyak. Pinipilit siya na bumalik sakin. Pero dadating ka na lang talaga sa point na mapapagod ka na umiyak pero hindi tumitigil yung sakit. Sobrang sakit pa rin.

Nung una gustong gusto ko ipamukha sa kanya kung bakit hindi niya ako pwede bitawan. Nasa isip ko na lang na dati niya rin akong pinakawalan pero nag sorry siya sakin at tinanggap ko siya agad agad! Pero bakit ako hindi niya matanggap?

Puro masasakit lang na salita inabot ko sa kanya puro rejection. Pero hindi ko siya masisisi kung bakit niya to ginagawa sakin.

Ang hindi ko lang maintindihan kung bakit pa siya nag aalala kung bakit niya pa sinasabi na kahit saan siya mag punta nakikita niya ako? Bakit kasi mahal niya pa ako? Eh bakit niya ako pinakawalan? Dahil suko na siya? Sabi nila pwede namang mapagod pero wag susuko. Iba na siya sa dating siya. Hindi ko na siya kilala.

Dati din ganun siya eh pero this time hindi ko alam kung pwede pang maging kami. Sabi ng mga nung iba hayaan ko na muna. Sabi naman ng iba baka daw nag papabebe lang. Sabi naman ng iba move on na be!! Hindi ko alam kung ano papakinggan ko. Alam ko lang ngayon nasasaktan ako at napapagod na ako masaktan.

Lagi kong tinatanung sa sarili ko kung huli na ba ang lahat? Pero nasasaktan lang ako na naiisip kong wala na yata talaga! YATA SIGURO! ewan ko.

Mahirap ng umasa sa bagay na walang kasiguraduhan. :-(

-----

Bakit Ba May Break Up?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon