CHAPTER 24
As expecTed, wala si Dylan kinabukasan upang sunduin ako. Hindi naman ako magdedeny, nagexpect pa rin ako kahit papaano kagabi na itext or tawagan para magexplain. Pero oo nga pala, bakit nya kailangan gawin yun? Hindi naman kami.
I went on with my bitterness for as good as one week. Cold ako sakanya at parang wala lang naman iyon sakanya. And that hurts. Maybe we’re about to end kahit na hindi pa kami nagsisimula.
At mas nakakaloka yung ganito, isang linggo akong bitter tapos haluan pa ng pagkabwisit ko kay Tessa at Martin. I just don’t know what to feel anymore.
"Maxi, manonood ka ba ng game mamaya?" Tanong ni Andrea, isa kong kaklase.
Oo nga pala.. sports fest ngayong buwan. And may basketball game mamaya. Game nila Dylan yun. Gusto ko bang pumunta?
"Ha? Ewan ko eh."
"Ano ka ba, required tayo dun. Kaya nga di pumasok si Sir Ed sa klase natin kasi para daw manood tayo ng game na meron sa gym. Sayang points no. Tsaka maabsent pag di pumunta, iccheck daw nya attendance eh."
Damn! Ayaw koooo. Ayaw ko kasi.. uhm.. mainit sa gym?
Nararamdaman kong may namumuong luha sa mata ko. Nakakainis! Oo, gusto ko sya. Hell, mahal ko sya. Oo, namimiss ko sya. Pero ang hindi ko maintindihan, bakit napapaluha ako ngayon.
"Ay, ganun? Osige. Punta ako. Sabay na lang ako sayo ha. Si Faith kasi andun na eh. Facilitator eh." Sabi ko.
"Ayun! Osige, tara na."
Pagkadating namin sa gym ay halos fully packed na ang gym. Hinila naman ako ni Andrea sa dalawang bakanteng upuan sa first row. Wow. Talaga? Walang nakaupo dito? Nakapagtataka naman.
Tanaw na tanaw dito sa first row ang view mula sa ibaba. Meaning.. malinaw at malapitan kong makikita si Dylan na maglaro.
Napakaingay ng gym ngayon. As usual, ganito naman talaga lagi basta nursing vs. business ad ang maglalaban eh. Eto lagi yung dalawang napakacompetitive sa departments. Si Martin din player ng department namin kaso ewan ko ba biglang di sya pumasok ngayong araw eh.
Halos malaglag ang panga ko at lumabas ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok nang makita kong naglalakad ang team ng business ad. Si Dylan kasi ang unang nagpakita. Dylan. Shit. Feeling ko naabnormal nanaman puso ko.
I feel happy just by seeing him pero the thought na may ginagawa silang kababalaghan ni Tessa, ibang usapan na yun. I feel jealous and shitty.
Pasulyap sulyap sakin si Dylan habang naglalaro o kaya kada time out nila. Hindi nya ko nginingitian, napakacold pa rin nyang tumingin, Di naman ito yung Dylan na kilala ko ah. Bat ganun? Parang.. nakakalungkot.
BINABASA MO ANG
Perfect Pleasures (PUBLISHED UNDER SUMMIT MEDIA'S SIZZLE)
RomanceThis story is now published under Summit Media's SIZZLE. Available in all leading bookstores and stores nationwide.