CHAPTER 40
I sat dumbfounded outside his room.
Hanggang ngayon nanghihintay pa rin ako ng lalaking lalapit sakin at isang cameraman na ifofocus sa mukha ko ang camera habang sasabihin ng isa, 'na-WOW! Mali ka!' Ha-ha-ha. Dahil sa totoo lang, umaasa akong joke lang tong nangyari. Sana nagjojoke si Dylan kanina habang tinatanong kung sino ako at kaninang pinapalayas nya ako sa kwarto nya.
Hindi ko alam kung ano ang mas masakit, ang makita syang unconscious o ang malaman na wala ako sa memorya nya. Pero pakiramdam ko mas doble yung naramdaman ko kaninang nakaramdam ako ng kirot matapos nya akong itulak ng pagkalakas lakas. Not just once, but thrice.
When they saw me sitting on the floor, gad akong inalalayan ng nurse upping itakbo sa ER. Then I realized why, there were spots of blood. Ni hindi ko man lang iyon naramdaman. All I felt was emotional pain and a bit of the physical pain.
I almost forgot, I have a baby. And it almost got killed. Now? Maselan na pagbubuntis ang kinalalagyan ko. The next spotting would be no more less than miscarriage. I was advised to take a rest but I am stubborn. I have to see Dylan. Sya ang stress reliever ko.
That's why I'm here.. waiting. It's been more than an hour since nagising sya. More than an hour since dinala ako sa ER at kinausap ng OB. More than one hour na rin sila sa loob. And 15mins na rin akong andito naghihintay, ni hindi pa ako nakapagpalit ng pants. Nakaputi pa man din ako.
"Maxine, darling.." Napalingon ako sa pagtawag sakin ng mommy ni Dylan habang kasunod nito si Dr. Saavedra.
"Doc.. anong nangyari?" Yes, I am very eager to know. Dahil pakiramdam ko ay mababaliw na ako.
"Miss Buenavista, please calm down. Makakasama sa baby. Let's take a seat, shall we?" Paguumpisa nito. Agad naman kaming naupo. "He is more than okay now. Vitals are now on their normal range, responsive din sya sa stimuli. But there's this one thing.." He took a deep breath. I felt Dylan's mom's hand on my back na para ang inaalalayan ako or something. "He has amnesia. Basing from his reaction kanina, and from the questions I had him answered, his last memories are from 5 years ago."
I remained silent. I don't know what to say. Oo nga naman, he suffered from head injury pero yung amnesia.. why didn't it cross my mind ever?
"F-for how long..?" I asked with a shaking voice.
"About that, we have to conduct several tests para malaman if what kind of amnesia ang meron kay Mr. Sebastian and we have to give him therapies too that will help him remember." Aniya saming dalawa ni tita.
"Don't worry, Maxine, we'll help Dylan remember." Paninigurado ni tita sakin.
"He's calm now. Pwede nyo na syang tignan."
BINABASA MO ANG
Perfect Pleasures (PUBLISHED UNDER SUMMIT MEDIA'S SIZZLE)
Storie d'amoreThis story is now published under Summit Media's SIZZLE. Available in all leading bookstores and stores nationwide.