CHAPTER EIGHT

89 5 11
                                    

"We need this partnership very much, Maybelle. So I want you to prepare the proposal. And make it the best para tayo ang piliin ng ADI", wika ni Ian sa kanyang friend / secretary.

Maybelle was not just his ordinary employee. Personal secretary niya ito and a very good friend since college. They were on the same age bagama't may asawa at anak na ngayon ang babae. Pamilya niya na ito kung ituring.

"Yes, Sir. Don't worry I'll make it perfect para magustuhan at piliin nila tayo.", sagot ni Maybelle kay Ian. Batid niya ang unti unting pagkalugi ng kompanyang pag aari ng mga de Salvo simula nang magsunud-sunod ang mga problemang dumating sa pamilya.

Naunang namatay si John de Salvo, ang ama ni Ian, dahil sa sakit nitong terminal lung cancer. Simula noon ay naatang na kay Ian ang responsibilidad at pamamahala sa kompanya. Ang binata na ang tumayong padre de pamilya dahil ayaw nitong pasahan ng tungkulin ang nakababatang kapatid. Ayon dito ay napakabata pa ni Albert para magseryoso sa buhay.

Kaya naman kahit mahirap ay mabilis na natanggap ni Tamara de Salvo ang pagkawala ng asawa. Naging dependent ito sa panganay na anak.

Subalit maikling panahon pa lamang ang nakakalipas ay muling humarap sa pagsubok ang pamilya. Nag suicide si Albert nang hindi ito siputin ng babaeng pakakasalan nito sa mismong araw ng kasal.  At saksi siya sa paghihirap ng kaibigan sa pagkawala ng bunsong kapatid nito.

College pa lamang sila ay magkaibigan na sila ni Ian. Nasa pangalawang semester na sila ng third year nang mag transfer sa kanilang paaralan si  Hanna.

Galing Mindoro ito at piniling sumama sa ina nang magkahiwalay ang mga magulang. Mabait at palakaibigan si Hanna kaya naman agad niya itong nakagaanan ng loob. Siya rin ang nagpakilala dito sa binata at naging tulay upang maging magkasintahan ang dalawa.

Hanna was a very kind and sweet girlfriend  to Ian. Tuwina'y malambing ito sa binata bagama't may ugali itong submissive. Samantalang si Ian naman ay napaka gentleman na boyfriend. Sweet at maalaga din ito kay Hanna at madalas ay ginagawa siyang kasabwat sa kung anu-anong sorpresa nito para sa kasintahan.

And Maybelle is the very first person na sumaya para sa dalawa niyang kaibigan. Parehong malapit sa kanya sina Ian at Hanna. Anumang mga plano meron ito ay sa kanya unang ikinikwento. Kahit na nga ba sa mga simpleng away at tampuhan kung minsan ng dalawa ay hindi siya nawawalan ng papel sa buhay ng mga ito.

Two years ago ay nagplano na  sanang magpakasal sina Ian at Hanna. Hindi nga lang kaagad iyon natuloy dahil sa magkasunod na pagkawala ng ama at kapatid ng binata.

At sa mga panahong iyon ay hindi iniwan ni Hanna ang boyfriend. Nanatili itong nakaalalay kay Ian..,handang umintindi at walang sawang nagbibigay ng payo at lakas ng loob.

Kaya naman makalipas lamang ang mahigit anim na buwan ay ipinasya na ni Ian na ituloy ang naudlot na plano.

Isang surprised proposal ang ginawa ni Ian na itinaon pa ng binata sa birthday party ni Hanna. Saksi si Maybelle sa pag ibig ng dalawang taong malapit sa kanya.

Subalit ang inaakala niyang mauuwi sa happy ending na kwento ng dalawa ay hindi nangyari. 

________Flashback_________

It was Ian and Hanna's engagement party that night. Malalim na ang gabi nang makatanggap si Maybelle ng tawag.

"Yes,  hello! ?", Maybelle answered the incoming call. An unregistered number flashed on her screen. "Sino naman kaya 'tong tumatawag sakin nang disoras ng gabi at hindi ko pa kilala ang number? ", sa loob-loob niya.

"Hello!, Belle! Where's Ian? Kanina ko pa siya tinatawagan? ", boses ni Jeff na nakilala niya mula sa kabilang linya. Marahil ay bagong numero ang gamit nito. Bahagyang nangunot ang noo niya sa napansing tono ng binata. Tila labis itong nag aalala.

Jeffrey was one of their good friend. Subalit nang mga sandaling iyon ay hindi nakadalo sa engagement party nina Ian at Hanna ang binata. May sakit kasi ang bunsong kapatid nito at naglalambing na huwag nitong iwan kaya hindi na ito nagpumilit pa.

"For heaven's sake naman Jeff... Nasa party kami diba? Engagement ngayon ng dalawa tapos hinahanap mo? Why?", himig birong sagot ni Maybelle. Marahil ay wala namang kwenta ang sadya nito sa kaibigan nila. Malamang ay mang iistorbo lang.

''Belle,  it's an emergency! Si Tita Tam...", nagpapanic nang sagot ni Jeff sa kanya.

"What? Why? What happened to her,Jeff?", nag aalalang tanong niya. Kinakabahan siya sa maaaring isagot ni Jeffrey sa kanya.

"She tried to commit suicide. And she's in critical condition. So please tell Ian to drive to St. Luke Medical Hospital right now.. Nandito kami ngayon dahil dito ko dinala si Tita", pagbibigay bilin ni Jeffrey kay Maybelle.

Nagmamadaling naglakad papasok si Maybelle at nasalubong niya si Hanna.

"Hey!  What's wrong? You looked so tense! ", Hanna frowned when she ask her.

"Si Ian, nasaan? "

"He's in the comfort room, sumaglit lang..Bakit ba? ", gumuhit ang pag aalala sa magandang mukha ni Hanna.

"Jeffrey called.. Nasa St. Luke si Tita Tamara at...... "

"What? Bakit? Anong nangyari? ", magkakasunod na tanong ni Ian na hindi namalayan ng dalawa ay nasa likod na nila at narinig ang sinabi ni Maybelle.

Hindi na nakuha pang sumagot ni Maybelle dahil nagmamadali nang pumunta sa parking area si Ian. Agad namang sumunod dito si Hanna at iniwan na siya ng mga ito

Si Maybelle na lang ang nag announce at nagpaliwanag sa mga tao kung bakit biglaan ang pag alis nina Ian at Hanna.

Vengeful HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon