CHAPTER THREE

142 8 1
                                    

"Okey...This meeting is adjourned",Ian said. Katatapos lang ng meeting nila ng board at naghahanda na sya sa pag alis.Ngayon ang schedule ng follow up check up ng mama nya at siguradong hindi na naman ito pupunta kung hindi sya mismo ang sasama dito.

Tamara de Salvo ruined her life nang mamatay ang bunso nitong anak na si Albert. Ang dating masayahin, business-minded at ulirang ina ay nawalan na ng ganang mabuhay.He can't blame his mother for that.Marahil ay ganun talaga kahirap ang mawalan ng mahal sa buhay at magkasunod pa.Una ay ang asawa nitong si John na namatay dahil sa sakit nitong lung cancer at pagkalipas ng dalawang buwan ay ang anak naman nito ang sumunod.

Albert committed suicide matapos itong hindi siputin ng bride sa mismong araw ng kasal.His brother meet the woman during his Carribean cruise.Hindi nya makakalimutan ang araw na yun.Isang masayang Albert ang tumawag sa kanya para ibalita na nakilala na nito ang babaeng gusto nitong makasama sa buhay., a certain Crystal del Bianco..

According to him it was love at first sight.Although hindi sya naniniwala dun ay hinayaan nya na lang ang kapatid kung saan ito masaya.Hanggang sa lumipas ang isang buwan mahigit at ibinalita na lang nito sa kanya na ikakasal na ito nang araw mismong yun.Nagulat sya at tumutol nung una.Ang ipinagtaka pa nya ay kung bakit biglaan naman yata samantalang hindi pa nga nila nakikilala ng mama nya si Crystal.

Dahil sa pangako ni Albert na kasama nito sa pag uwi si Crystal para makilala nila ng ina ay pumayag na rin sya sa kagustuhan ng kapatid.Kahit nang pakiusapan sya nito na huwag munang sabihin sa ina ang tungkol sa kasal ay hindi na sya tumutol pa.Noon nya lang nakitang sumaya ng ganun si Albert at ayaw nya yung sirain.

Subalit ang inaasahan niyang pag uwi ni Albert na kasama ang dapat ay asawa na nito ay hindi nangyari.Sa halip ay dumating itong mag isa at tila ibang tao nang makaharap nila.Sinubukan nya itong kausapin ngunit wala syang nakuhang sagot.

Halos mag-iisang linggo na ay nanatiling tulala at hindi makausap si Albert. Lagi itong nagkukulong sa kwarto at hindi lumalabas kahit kumain man lang.Magdamag din itong naglalasing at naririnig nyang nagwawala.

Isang gabing umuwi sya at napadaan sya sa tapat ng kwarto ng kapatid ay may narinig syang putok ng baril.Kinatok nya ang pinto nito ngunit walang sumasagot kaya nagmamadali syang tumakbo pababa para kuhanin ang duplicate keys.Halos manghina sya nang makita ang kapatid na duguan at nag aagaw-buhay.

Agad nilang dinala sa hospital si Albert.Si Tamara naman ay kinailangan pang i-sedate para lang kumalma.Naghisterya ito nang malaman ang nangyari sa anak.Naagapan pa sana ang kapatid bagamat kritikal ang kalagayan nito.

Isang hapon ay dumaan sya sa hospital pagkagaling nya sa trabaho.Kasalukuyan pa itong nasa ICU nang puntahan nya para silipin.

"Hmmm..",ungol ni Albert na hindi nya namalayan ay gising na pala.Agad nya itong nilapitan at hinawakan sa kamay.

"Bro.,why did you do that?Halos patayin mo kami ni mama sa pag aalala sayo.Ano ba talaga ang problema",tanong ni Ian sa nakababatang kapatid.Hapis ang mukha nito at malamlam ang mga mata.

"Kuya...wala na sya.Wala na si Crystal.",sagot ni Albert habang dumadaloy ang luha mula sa mga mata nito.Kitang kita ang sakit na nakabakas sa mukha nito.

"Bro.,what do you mean "wala na"?Di ba sabi mo ikakasal na kayo?",naguguluhan nyang tanong sa kapatid.Agad ang pagdaloy ng luha nito.Kung ganun ay hindi nga sya nagkamali nang isipin nyang si Crystal ang dahilan kaya nangyayari ang lahat ng ito sa kapatid.

"I don't know, Kuya...Pero....pero hindi sya dumating sa kasal namin.Sinubukan ko syang tawagan pero hindi nya sinasagot",ramdam nya ang sakit na pinagdadaanan ni Albert nang mga oras na yun."Damn that woman for hurting Albert this much.",he cursed inside.Halos hindi na inisip ng kapatid nya ang sariling buhay nito pati silang pamilya.

"Kuya I can't live without her...I can't take it.Mahal na mahal ko sya",patuloy pa rin sa pag iyak si Albert.

"Bro...You need to be strong.,for us.,especially for mama.Maybe that woman doesn't love you enough kaya ka nya nagawang talikuran.",pagbibigay payo ni Ian sa kapatid.,sa isip ay sinisisi nya ang babaeng nanakit dito.

"No..that's not true.Mahal ako ni Crystal...alam ko yun...ramdam ko yun.",Albert defended his girlfriend. Bagamat maiksing panahon pa lang ang pinagsamahan nila ni Crystal ay ramdam nya kung gaano rin sya kamahal ng babae.

"Then why did she leave you kung talagang mahal ka nya?",naiinis na sagot ni Ian.Nagagalit sya sa kapatid kung bakit kailangan pa nitong ipagtanggol at bigyang dahilan ang ginawa ng babae.

"You know what bro.,you need to rest.Magpahinga ka muna at tatawagan ko si Mama.I'll tell her na ok kana para hindi na rin sya gaanong mag alala.Besides,kailangan na kitang maipalipat sa private room mo...,so I'll talk to your doctor.",bilin nya sa kapatid at lumabas na ng ICU.Nagmamadali na sya at kailangan nyang makauwi na para magkausap sila ng ina.

Buong akala nya ay nasa maayos nang kalagayan si Albert.Pero nagulat na lang siya nang may tumawag sa kanya pagdating nya sa bahay at ibinalitang patay na ito.Ayon sa doctor ay nakita nila itong laslas ang pulso at wala nang buhay.

Vengeful HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon