CHAPTER NINE

98 2 1
                                    

Nasa labas ng hospital si Jeffrey nang dumating sina Ian at Hanna. Kasalukuyan itong may kausap sa cell phone at agad nilang nilapitan. Nang makita sila ay agad nitong tinapos ang pakikipag usap at kaagad din silang sinalubong.

"I am sorry I didn't mean to interrupt your party,  guys. Masyado lang akong nag alala para kay Tita kanina...", apologetic na wika ni Jeff sa kanila. Pagkatapos ay parehong nginitian sina Ian at Hanna saka binati sa katatapos lang na engagement ng dalawa.

"Tama lang ang ginawa mo, bro.  Anyway, how is she?", mahinahong sagot ni Ian.  Nang nakita niyang tila ayos lang naman si Jeff ay nabawasan kahit papano ang pag aalala niya sa ina. Unti-unti na ring bumabalik sa normal ang tibok ng kanyang dibdib.

"Tita Tam's fine.. Buti na lang naagapan kaagad", nanlulumong sagot ni Jeffrey sa kaibigan. Hindi niya alam kung papano pang tatanggapin ni Ian sakali mang mawala pa ang ina nito. Si Tamara at Ian na lang ang natitira sa pamilya nang magkasunod na nawala ang ama at kapatid ng binata.

"Thanks bro.. Hindi ko na alam kung makakaya ko pa pag nawala ang mama", isinatinig lamang ni Ian ang iniisip niya kanina. Masuyo nitong niyakap si Hanna na nagmamasid at nakikinig lang sa usapan ng dalawang lalaki. Ito man ay tila nabunutan ng tinik nang marinig na maayos na ang kalagayan ni Tamara.

"Let's go, love. Pumasok na tayo para makita na natin si Tita... ", wika ni Hanna kay Ian. Magkakasunod nang pumasok ng hospital ang tatlo.

Maayos na ang kalagayan ni Tamara nang abutan nila sa private room na nilipatan nito mula sa emergency room. Bagama't natutulog pa rin ito ay idineklara ng doktor na tumingin dito kanina na ligtas na sa kapahamakan ang babae.

Matamang tinitigan ni Ian ang nahihimbing na ina saka nilapitan at marahang hinaplos ang humpak na mga pisngi nito. Napakalaki ng ipinagbago ni Tamara simula nang maharap sa magkasunod na trahedya ang pamilya nila. Siya man ay hindi niya alam kung paanong ibabalik ang sigla ng ina.  Tuwing nakikita niya itong malungkot at walang imik ay hindi niya rin maiwasan ang masaktan.

Laging walang ganang kumain si Tamara. Sa tuwing yayayain niya naman itong mamasyal ay lagi itong tumatanggi at sasabihing masama ang pakiramdam. Bagay na alam ni Ian na tuwina ay nagdadahilan lamang ang babae. Maging ang mga kaibigan nitong dati ay madalas na mga kasama ay tinatanggihan na rin nito ngayon.  Hindi na ito dumadalo sa mga social gatherings samantalang dati ay hindi ito natatahimik lang sa bahay. Pati mga charities nito ay napapabayaan na rin. 

At sa lahat ng ipinagbagong iyon ng ina ay iisa lang ang sinisisi niya. Si Crystal del Bianco.

"Love, baka pwedeng umuwi na muna tayo kahit saglit langBihis lang ako at diretso na rin tayong bumili ng prutas at makakain ni Tita, para pag gising niya nakabalik na tayo", marahang wika ni Hanna na nagpabalik sa isip niya sa kasalukuyan. 

Nilingon niya ang kasintahan saka tumango at magkasabay nang naglakad palabas ng silid.

"Let's go... ", ani Ian. "Bro., sandali lang sana kami, pwede? Pakisamahan lang ang mama, please. ", aniya kay Jeff na nakaupo sa sofa sa labas ng silid ni Tamara.

"Sure bro.. Dito lang ako. Ako nang bahala kay Tita. ", mabilis na wika naman ni Jeffrey. Naaawang tinapunan nito ng tingin ang dalawa.  Si Hanna ay bakas sa mukha ang pagod at pag aalala. Samantalang si Ian naman ay magkahalong pagod, puyat, pag aalala at takot ang mababakas sa malamlam nitong mga mata.

"Call me if anything happen...", pahabol pang bilin ni Ian bago nagtuluy-tuloy na lumabas. Bahagyang tumango na lang si Jeff saka pumasok sa loob ng silid. Doon na lang muna ito habang wala sina Ian para kung sakaling magising na si Tamara ay may kasama itong makita.

Pagdating ng magkasintahan sa bahay ng dalaga ay dali dali nang nagbihis si Hanna. Kailangan nilang makabalik kaagad sa hospital para kung sakaling magising na si Tamara ay naroon na sila. Ilang saglit lamang ay paalis na din sila ni Ian.

Huminto sila sa tapat ng isang fruit stand na nadaanan nila saka bumaba ang binata at bumili ng mga prutas na dadalhin sa ina nito.

Pagkatapos noon ay agad ring bumalik ang binata sa loob ng sasakyan nito at nagmamadali nang pinasibad ang kotse.

Malapit nang mag alas tres nang madaling araw at kakaunti lamang ang mga sasakyang nakakasabay at nakakasalubong nila. Nasa isang madilim na bahagi sila nang biglang tumunog ang cellphone ni Ian. Agad iyong dinampot ng binata para sagutin.

"Bro..? ",  anito nang makitang si Jeffrey ang tumatawag. Agad namang bumilis ang tibok ng dibdib ni Hanna habang pinagmamasdan ang kasintahan.

"Bakit? Anong nangyari sa mama? Ok.. Ok... Sige, malapit na kami.! ", sabi pa ni Ian sa kausap. Gumuhit ang matinding tensyon at  pag aalala sa mukha nito.

Diniinan pa nito ang pagkakaapak sa accelerator kaya naman mistula na silang lumilipad sa sobrang bilis ng kanilang takbo.

"Love,  what happened? Slow down please... ", kinakabahang pakiusap ni Hanna sa binata.

"Love, no! Nagising na ang mama and she's hysterical!", malakas ang tinig na sagot ni Ian. Nagmamadali ito sa pagmamaneho at tila wala na sa sarili.

Malayo pa sila sa hospital kung sa main road sila dadaan kaya naman pinili ni Ian na mag short cut na lamang. Medyo may kakitiran ang kalsadang kanilang dinadaanan at kulang din ang mga ilaw na nagmumula sa iilan lamang na posteng naroroon.

Agad ang ginawang pagkabig ni Ian sa manibela nang saktong liliko sila sa isang road bend. Huli na nang mapansin nito ang rumaragasang truck na punung-puno ng mga graba at buhangin na saktong sa kanila ang puntirya. At dahil napakabilis ng takbo nila ay hindi nagawa ng binatang iiwas o itabi man lang ang sasakyan.

Matapos silang mabangga ng truck ay umikot ang kanilang sinasakyan saka muling tumama sa isang malaking puno na nasa tabi ng kalsada.

Nagawa pang lingunin ni Ian ang kasintahan. Duguan si Hanna at maraming bubog ang tumama dito. Bukod pa doon ay may dugong umaagos mula sa may bandang dibdib nito. Sinikap abutin ni Ian ang dalaga subalit hindi niya na nagawa dahil unti unti na ring naglaho ang kanyang malay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 17, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Vengeful HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon