Chapter 1 : " Ang Kasimulan"

695 25 5
                                    

Nicole Ann Garcia's Point Of View

Halos maiyak iyak na ako sa nakita ko sa twitter. Jusko Inang why you do this to me? huhuhu.

Kasalukuyang nasa canteen ako kasama si Prince na kumakain habang ako nakatingin sa selpon. Bakit ba ang malas nang buhay ko? HINDI PA AKO NAKAKAIPON HUHUHU. May savings naman ako dahil nagtatrabaho rin ako para sa pag-aaral ko pero di sapat ang ipon ko mga prend.

Hindi ko na makikita ang asawa kong si baekhyun. Kung iisipin nakakainggit ang aattend sa concert nila jusko at ang mas malala FIRST TIME NILA SA PINAS. Hindi sapat ang malanghap ang hininga nila, baka pati hininga nang askal nalanghap ko pa huhuhu. Gusto kong makita ang mga feslaks nila huhuhu
mag Team Airport kaya ako??

"ehem." napukaw ang aking atensyon at iniharap ko ang aking mukha kay Prince. Mayaman naman etong si Prince, mangutang muna kaya ako?? "Prince pwedeng mangutang o kaya trabaho na lang ako sa inyo tutal mayaman naman kay---"

"Kung mangungutang ka, wag ako. Ang pamilya ko ang mayaman, hindi ako." pantitigil niya. Biglang sinamaan ko siya nang tingin. Langya toh.Pasalamat siya pogi siya.

Inirapan ko siya, "Sabihin mong ayaw mo akong pautangin. Pamilya mo yun kaya mayaman ka rin. Atsaka--" nagsimula nang tumulo ang luha ko. "Naiintindihan ko naman na hindi ko makikita si baekbaek." at umiyak.

Nagsimulang magbulungan ang klase at ang pinaka ayaw niya ay may umiiyak sa kanya. mwehehe wit pur it.

Napabuntog nang hininga si Prince, "Fine. Hindi kita papautangin.Bibigyan kita nang malaking pera in return para sa trabahong gagawin mo."

parang nakakarinig ako nang kumakantang angels. Lumiwanag bigla ang aking paligid. Gumanda ang mga tao dito at may lumilipad na pagkain papunta sa aken.T-teka PAPALAPIT NGA TALAGA YUNG PAGKAIN SA AKEN.

Hindi pa man ako nakakilos ay naglanding sa mukha ko ung iba't ibang pagkain. Fries,burger,spaghetti at jollibee charut. Nagtawanan ang mga tao sa canteen."O-okay ka lang Nicole?" sabi ni Prince Ethan Edson

okay lang. okay lang naman ako dito. OKE NA OKE SARAP MANAPAK. Tumayo ako sa kinauupuan ko at sumigaw, "SINONG HINAYUPAK ANG GUMAWA NITO?!"

"Siya." biglang nagturo ung isa sa mga kaklase ko sa lalakeng matalim ang tingin doon sa babae.Lumapit ako doon sa lalake at  nukha may away pero di ako magpapatinag.

"HOY." sigaw ko dun sa dalawang lalake. Napansin ko malapitan may itsura ang pareho at yung tinuro nang kaklase ko sobrang pogi naman mala-korean ang feslaks niya pero mas pogi pa din si Baekhyun ko.

Tinapik ko yung braso nung lalake at humarap sa akin. "Ano?"
Aba. Ang sungit nito ah. "Hoy. Mr. Who-ever-you-are-pero-wala-akong-pake, tignan mo naman ang mukha ko." tinuro ko ang mukha ko puno nang spaghetti sauce,mayo, ketchup,at unting fries.

Tinignan niya at kumunot nang noo. "Mukhang basura." ABA. BASTOS NA BATA. namewang ako, "F.Y.I. Ikaw ang may gawa nito! kaya kasalanan mo to! pandinigan mo ako!" Teka.Pang Buntis na linya ata yun.

Natahimik ang lahat nang nasa canteen.

"Baket? binuntis ba kita?" ngisi niya.

Unti na lang mga prend sasabog na ako."Hoy Lalake, Mandiri ka nga, isang ubo ka na nga lang eh, mas pogi kaya si Baekhyun kaysa sa yo."

"Sino yun? Di ko siya kilala. Boyfriend mo?" kumunot nang noo siya.

kinilig ako nang unti dun sa boyfriend. Pero yes, boyfriend ko si Baekhyun. Sa panaginip nga lang haayss. "Hinde. Pero nasa sikat siyang grupo na tinatawag na EXO."

may nagbulong doon sa lalake kaya naenlighten din siya about sa Exo. "Aah.. Yung Mga baklang nagsasayaw?" biglang nagtawanan ang mga tao. Corny nang joke mo sapakin kita eh.

"Hoy Isang ubong kawayan. Pumunta ako dito dahil tinapunan mo ko walangya ka. Kahit Sorry man lang at ayusin toh." mahinahon kong sabi.

"Tss." may kinuha siya sa kanyang wallet at itinapon sa aken. "Ayan. wag ka nang magpacute dyan." at umalis.

Nagpipigil ako nang galit pero dahil sa ginawa niya deads na siya sa aken. Pupuntahan ko sana yung lalake nang bigla may humawak sa akin at sinampal ako.

"You btch! Stay away from my boyfriend!" wow.mukhang chaka naman nang gf niya.magsasalita sana ako nang may sumulpot pa.

"Shut Up btch, Ako ang tunay na girlfriend niya!"

"What?!" at dito nagsimula ang cat fight nang mga chaka.

Dumating ang Guidance Counselor at mukhang galit na galit ang toro. "Sinong nagsimula nang gulo?!"

"Siya po." sabay nilang sinabi at tinuro ako. wow wow wee talaga.

Guidance Office ←

"Nicole, nawalan ka na nga nang scholarship at ganyan pa din inaasta mo." mahinahong sinabi niya. "Wag mong sabihin dahil sa exo na yan?"

Tungunu di kita po nanay. Wag idamay ang Exo pls.

"Maam,  naiintindihan ko po ang pagkawala nang aking scholarship at ang totoo hindi po ako ang nagsimula nang awa--"

Naputol ang aking sasabihin nang nagbukas ang pinto at iniluwal ang aking nanay. "Good Afternoon Mrs. Garcia."

ngumiti ang aking nanay at nakinig sa sinabi nang Guidance Counselor.

"Hindi ikaw nagsimula nang away?"

"Opo."

"Nakasama ka ba sa away?"napatahimik ako bigla at tumango na lamang.

Nagpatuloy ang meeting sa guidance hanggang sa uwian na at pinauwi na rin kami sa wakas.Habang naglalakad kami ni nanay bigla akong binatukan."Langya kang bata. Dahil sa exo mo yan napadangwit ka nanaman sa away."

sa sobrang pagod ko hinayaan kong magsalita ang nanay ko.

"Wala kang kwentang bata, pati scholarship mo nawala. Ano dadagdag nanaman trabaho mo.Wala ka nang nagawa matino simula nang naging Fan ka nang Exo na yan eh hindi ka naman niyan kilala." awtss. sakit nun mudra.

"Akala mo naman magiging asawa mo. Hindi ka nila mahal tandaan mo yan sa kokote mo at mag-aral ka na lang. Tigilan mo yan o ako ang magpapatigil sa yo sa pag-aaral." 

Ganito ang halos laging naririnig ko sa aking nanay pero dahil mahal ko yan sige lang.Kayayanin ang sakit.

Nang nasa bahay na kami, naghanda na ako sa trabaho ko. Tinignan ko nang saglit ang uniporme kong nadumihan at napabuntog ako nang hininga. Trabaho now, laba later. haayss

Habang nagtatrabaho bilang cashier sa 7eleven may pumasok na matanda at yung mga customers nandidiri sa kanya.Inutusan ako nang manager ko na paalisin siya. Kahit ayaw ko, kailangan kong sundin para hindi matanggal sa trabaho.

Nilapitan ko ang lola at inalalayan ko siya palabas. "Naku , sorry po lola. Napag-utusan lang po."

"Okay lang hija, sanay naman akong pinagtatabuyan. pati siya tinataboy ang aking pagmamahal sa kanya." wow.humugot bigla si lola.

"uhh. Lola may gagawin pa po ako sa loob," may kinuha ako sa aking bulsa at ibinigay kay lola. "eto po, sorry po kung kaunti lang ito." binigay ko sa kanya ang tanging biskwit sa bag ko at perang baon ko.

"Salamat hija," tinggap niya ang binigay ko. "Eto lang ang meron ko, tanggapin mo ito bilang kabutihan sa iyo."

Tinanggap ko ito at nagulat sa ibinigay ni lola. "Naku Lola, wala pa pong labasan ng ticket pero bakit meron na po---" pagkalingon ko wala na si lola.

Hala.Biglang nawala si lola sa isang bula.Nag Ariel ata si lola. mga. 7.50 seconds na wala.

Sinisigaw na yung pangalan ko nang Marlou kong manager kaya inilagay ko sa aking bulsa at nagtrabaho na lang muli.

End.

Chapter 1 Revised Done :) Hopia Like it mga Bes♥

Waking up to be Mrs. EXO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon