Chapter 4 : "Who You"

421 15 8
                                    

"Gising ka na pla." ngumiti siya sa akin habang gulat pa din sa kanya.

B-bakit siya nandito? Kapatid niya ba si Luhan ? Bakit may cute siyang anak? Hindi bagay!

Lumapit siya sa kama at tumabi kay Luhan.Nanliit ang mata ko sa ginawa niya. Hindi kaya bakla ang isang to?

"H-hoy bakit ka nandito?!" pangka-kalmang saad ako nang may bahid ng galit at gulat na andito siya.

Napahinto siya at napatingin kay Luhan. Si Luhan naman nagpout nang nakasimangot para bang hindi natutuwa sa biglaang pagbago ng ugali sa lalaking nasa tabi niya.

"Diba ikaw ang dahilan kung bakit nasuspended ako?"

Ngumiwi siya, "Matagal na iyon babe.Iyan talaga ang huling natandaan mo sa aken." atsaka napakamot sa batok.

pinagsasabi nito?! putek babe raw? wow.Kapalmuks nito ni kuyang kawayan. Okay medyo biglaan ang tanong ko sa kanya pero siya naman talaga ang dahilan kung bakit nasuspended ako kung hindi niya lang binato yung pagkain sa mukha ko, edi okay pa lang kami nitong si kuyang kawayan in short, tahimik pa ang buhay ko.

"Atsaka, hindi naman ako ang dahilan ng pagkasuspinde mo noon, yung mga babaeng naghahabol sa akin ang nagturo sa yo kaya napahamak ka at nasuspinde."

leche ang hangin niya :/

K dot. Pero siya pa din nagsimula! Hindi ko tanggap ang maglaba kagabi!

Tumikhim si Luhan na nakuha ang atensyon namen at nagsimulang tumayo. "Iiwan ko muna kayo rito." sabay pinagpagad ang pantalon. "Hon, behave ka ha?" ngiting tamis at umalis.

Nang masara ang pinto, biglang nagbalot ang katahimikan sa loob ng kwarto. At ang kaninang alitan, nawala. Awkwarddddd...

Umayos nang upo siya at bumuntog nang hininga."Babe, I'm sorry sa nagawa ko noon. Pero kung hindi siguro dahil doon, hindi kita makikilala."

pucha. Anong kadramahan ito? bakit babe ang tawag niya sa akin?! at isa pa hindi ko makakalimutan ang paglalait niya sa exo----

speaking of exo, bakit siya nandito kasama exo, eh nilait niya na bakla sila??

"Babe.." tinawag niya ako pero hindi ako nagsalita dahil isang puzzle pa din ang nandito siya imbes na si Prince na kasama ang exo.

Impossibleng may kapatid na ganito kaabnormal ang isa sa mga exo. I mean kilala ko na ang mga kapatid, mother at father ng exo kaya impossibleng kasama itong si kuyang kawayan doon.

Pumunta siya sa harapan ko at umupo. "Babe naman, magsalita ka naman oh.." atsaka nagpout.

"Who you po." matamlay ko siya tinignan at nagtalukbong ng kumot. Nagsimulang pinikit ang mata para matulog dahil naniniwala akong isa itong bangungot ang makasama itong si kuyang kawayan at biglaang tawag sa yo babe plus ang pagpout niyang malupet.

"Babe namaaaaaan."

Paniguradong nakapout ang isang to at grabe makayugyog mga beshie mukhang nililindol ang kama ko asdfgjkll.

Narinig ko ang pagbuntog nang hininga niya at tumayo siya. "Ako ay si Xi Gwaong Lu. Shin ang nickname pero mas kilala bilang Pogi. Half-Chinese and Half-Filipino.25 ang edad.Ang dakilang babe ni Nicole Garcia at Appa ni Baby Mei. Naandito sa kwarto ni Mrs. Exo upang magpatawad."

putang---

Nabigla ako sa kanyang introduction. Putek nang sinabi kong Who You, hindi ko akalaing magpapakilala itong kuyang kawayan.Nandidiri ako sa dakilang babe ko raw siya pero kinilig pwet ko dun sa Mrs. Exo hueheuehu.Napatingin ako sa kanya at ngumiti siya sa akin.

Waking up to be Mrs. EXO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon